CHAPTER 1

926 34 8
                                    

MADILIM…

            Parang kinakain ako ng dilim ng makita kong nakabulagta ang Kuya ko. Duguan sya at halos di ko makilala dahil sa mga sugat at pasa na natamo nya.

“Kuya…” ( tuluyan ng tumulo ang aking mga luha ) “KUYA!!!”

            Tumakbo ako palapit kay Kuya Lawrence ng makita ko ang isang lalaki na nakaitim na may hawak na kutsilyo na nakatayo malapit sakanya. Nakatitig lang sya kay Kuya, nang bigla syang lumingon saakin.

*GASP*

“Mahal kita basta’t mahal kita

Iniisip nila ay hindi mahalaga

Mahal kita maging SINO KA MAN…”

         Yan ang unang bumungad na kanta saaking paggising. -_- Ang aga-aga nangbubulahaw ang aking pinsan na si Mera. At halos araw-araw kong napapanaginipan ang nangyari saaking Kuya. Bumangon ako at tinitigan ng masama si Mera.

Mera: Goodmorning couz!

Eunice: Anong maganda sa umaga kung concert mo yung naririnig ko. -_-

Mera: Ayaw mo pa kasing bumangon. Naghihintay na si Andrew sa baba.

Eunice: Ha?! Si Andrew nandiyan?!

Mera: Oo, hinihintay ka. Himala nga e, gusto nya sabay kayong pumasok ngayon. Hmmm, baka may ginawang kasalanan.

Eunice: Grabe ka, malay mo namiss nya lang ako.

Mera: Sabi mo e. ( sabay labas ng kwarto )

               Pumunta na ako ng CR para maligo pagkatapos ko maligo nag-ayos na ako at bumaba sa sala. Ako nga pala si Eunice Shontelle Gueverra, 16 years old, 4th year high school sa Montana University. Maagang naulila dahil pinatay ng tinatawag na Mafia Group ang magulang ko. Kuya ko ang nag-aruga saakin hanggang maging 12 years old. Birthday ko nun… ng makita ko sya sa isang eskinita na wala ng buhay at ang lalaking may hawak na kutsilyo na nakatayo malapit sa bangkay ng Kuya ko. Kaya galit nag alit ako sa mga GANGSTERS at gagawin ko ang lahat makapaghiganti lang sakanila lalo na sa lalaking nakita ko noon.

Andrew: Good morning Babe. ( sinalubong nya ako ng yakap )

Eunice: Ang aga mo naman dito. Anong meron?

Andrew: H-Ha? Ahh, w-wala naman. ( yinakap nya ako ulit ) I just miss you.

Eunice: Awww, I miss you too babe.

Mera: Sus, lumayas na nga kayo dito. -_- Landi-landi.

        Natawa naman ako sa sinabi ni Mera kaya bago pa sya magbuga ng apoy umalis na kami ni Andrew.

[SCHOOL]

            Habang nasa hallway kami, nagtataka ako dahil kanina pa nakatingin yung mga tao saamin… I mean, SA AKIN.

Eunice: Babe, bakit parang pinagtitinginan nila ako?

            Hindi nya ako sinagot instead ngumiti lang sya at hinila ako sa gitna ng quadrangle. Nakita ko dun sina Jasmine, Cindy at Sharmaine yung mga kaibigan ko. Marami akong naririnig about sa kanila pero para saakin mabait naman sila. Lumapit kami ni Andrew sa kanila. Pero naba-bother pa rin ako kung bakit nakatingin sa akin ang lahat.

Eunice: I think we should go to our classroom na. Kanina pa kasi nila ako pinagtitinginan e.

Jasmine: Alam mo kung bakit?

Eunice: Hindi nga e. A-Alam mo ba kung bakit?

Jasmine: Tutal, magkaibigan tayo, sasabihin ko sayo… Alam mo ba Eunice, BOYFRIEND KO na ang BOYFRIEND MO.

O.O

Eunice: ( tumawa ako ) Kayo talaga… HAHAHAHA! Napakapalabiro. Babe Oh, ( kumapit ako sa braso nya) inaagaw ka sa akin ni Jaz ( Short for Jasmine ).

Andrew: ( tinanggal nya yung pagkakakapit ko sa braso nya ) Wala naman syang inaagaw sayo EUNICE e. Dahil sa simula’t-simula… HINDI NAGING TAYO AT WALANG TAYO.

Eunice: H-Ha?

Jasmine: Bingi ka ba? He said, HINDI NAGING KAYO. Lahat ng ‘to ay puro palabas lang pati ang pakikipagkaibigan namin sayo. Isa ka lang sa mga LOSERS sa campus na ‘to. ( lumapit sya kay Andrew at hinalikan ito ) Let’s go baby. I miss you.

Andrew: I miss you too, Baby.

            At umalis na sila palayo. Naiwan ako sa gitna ng quadrangle na tulala at mukhang tanga na pinagtatawanan ng mga tao habang pinag-uusapan ang mga nangyari. Sa sobrang kahihiyan tumakbo ako palabas ng school habang umiiyak. Kung pwede lang itago ang pagmumukha ko sa loob ng bag ginawa ko. Sa loob ng isang taon pinagkatuwaan lang nila ako. Ang sakit… sobrang sakit… Ayoko na! Ayok---

BOOOOGSH!

             Napaupo ako sa lakas ng impact may nabangga yata ako, di ko matingnan pero I think bago lang sila dito. Pero wala akong pakialam. Umiyak lang ako lalo.

Jin: gwaenchanh-a? [*Are you okay?] ( palapit saakin )

Eunice: Manahimik ka nga hindi ako marunong ng salitang alien! WAG NYO KONG LALAPITAN! ( tumayo ako at tumakbo palayo sa kanila )

[ 3rd person’s P.O.V. ]

Migs: eotteohge geu yeoja eotteohge doengeo ya? [*What happened to that girl?]

Jim: Ewan. Tara na nga. ( napailing na lamang )

Vince: Kinorean nyo kasi e. ( natawa )

Jin: Malay mo nakakaintindi.

Robi: Tara na.

        Naglakad na sila pero napansin nilang di sumunod si Jelo at nakatanaw pa rin sa babaeng nakabangga sakanya.

Sam: ( lumapit kay Jelo at tinapik ang balikat ) Jelo.

Jelo: ( tumingin kay Sam at napa-smirk sabay naglakad papasok ng school )

          Pagkapasok nila halos lahat nakatingin sakanila hindi dahil pagtatawanan nila kundi para tilian. Nagsilapitan ang mga babae sa kanila upang magtanong ng kung anu-ano. Pero ano nga ba ang ginagawa nila sa school na ito? Ano ang ginagawa ng tinatawag na GANGSTERS sa eskwelahang pinapasukan ni Eunice Shontelle Gueverra?

To be continued...

Can't Help Falling In Love With You (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon