CHAPTER 13

394 28 4
                                    

[ Eunice's P.O.V ]

                 Ang sarap-sarap ng pakiramdam ko ngayon. Kahit tulog pa ang katawan ko, yung kaluluwa ko naman gising na gising dahil sa bango ng amoy na naaamoy ko.

*sniff*

*sniff*

Eunice: Vanilla... ( Bulong ko sabay ngiti )

Jelo: Anong ginagawa mo?

                    Nang marinig ko ang tinig na yun agad akong napadilat. Bumungad sa akin ang gwapong nilalang na si Jelo, sa sobrang hiya ko, tinulak ko sya ng malakas kaya nahulog sya sa kama. Agad kong hinila yung kumot at ibinalot sa akin.

Jelo: ( ipinatong ang ulo sa kama at tumingin sa akin ) Lagi mo na lang akong tinutulak palayo sayo. ( Pout )

                   Sinapian ba 'to ng maligno? I mean nang cute puppy at may pa-pout-pout pang nalalaman? Pero ang gwapo nya! ^////^

Eunice: Ang lapit-lapit mo kaya paanong hindi kita itutulak nun?! ( Pagsusungit ko )

Jelo: ( pabulong ) Akala ko ba gusto mong ganito lang tayo...

Eunice: Anong sabi mo?

Jelo: Wala. Bakit ba ang sungit-sungit mo? ( Pout )

                   Baliktarin ba daw? -.- Sya nga 'tong laging masungit e. Tumayo na sya at muling nahiga sa kama, but this time ginawa nyang kama yung lap ko. Muli ko dapat syang itutulak, napatigil ako ng mahawakan ko yung leeg nya.

Eunice: Ang init mo! ( Hinawakan ko yung noo nya )

Jelo: ( umikot sa kabilang side ) Hindi ah.

                  Sus. Manhid ba 'to? Hindi raw sya mainit. -_-

Eunice: Tawagan na natin sila Jin para madala ka sa ospital.

Jelo: WAG! ( Naupo sya at tumingin sa akin ) Gusto mo bang isipin nilang meron talaga tayong relasyon?

Eunice: Kahit na. Kaysa naman lumala yang sak---

Jelo: Hayaan mo na lang akong mamatay. ( Sabay higa ulit at takip ng kumot )

                   Tumayo na lang ako sa kama at nagtungo nang kitchen. Nagluto ako ng lugaw. Wala naman akong alam lutuin e. Matapos kung magluto kumuha na rin ako ng basin na may maligamgam na tubig at towel. Dinala ko yun isa-isa sa kwarto. Malamang mabuhat ko yung bowl ng lugaw at basin. Four arms lang? XD Inilagay ko na yung lugaw sa ibabaw ng lamesa. Yung basin naman nilagay ko sa sahig kung saan sya nakaharap. Naupo rin ako sa sahig para pantayan sya.

                   Nakatitig lang ako sa mala-anghel na Jelo na sa kasalukuyang tulog. Wag ng gisingin. :D

Jelo: In love ka na naman sa akin. ( Sabay dilat ng mata )

Eunice: A-Ang kapal ng mukha nito. Maka-na naman ka, sinong nagsabing inlove ako sayo.

Jelo: Ikaw.

Eunice: Ano?! Assuming ka a!

Jelo: Shhh. Matutulog ako panget. ( Pinikit ulit yung mata )

Can't Help Falling In Love With You (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon