CHAPTER 25

309 23 2
                                    

"Mas mabuti pa ngang kalimutan na natin ang isa't-isa..." lumayo siya sa akin... at pinagmamasdan ko ang likod niya na naglalakad sa dilim.

Bakit ang sakit? Bakit gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko kani-kanina lang? Bakit gusto ko siyang pigilan at sabihing bawiin niya rin yung sinabi niya?

Naramdaman ko na lang na may tao sa harapan ko at pinapayungan ako. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko... it was Stephen. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Naramdaman ko na lang na inilapit niya ako sa kanya at tanging mga hikbi ko na lamang ang sunod kong narinig.

Nagising na lamang ako sa isang pamilyar na kwarto. Naaalala ko ang una at huli kong punta dito at ngayon andito ulit ako. Nararamdaman kong medyo mabigat yung pakiramdam ko. Sino ba naman ang hindi sasama ang pakiramdam matapos mong saluhin lahat ng ulan. Inayos ko ang sarili ko at bumaba na para makauwi na ako.

"Good morning Black Lady." bati niya sa akin habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.

"Good morning." nginitian ko siya.

"Feeling better?" inabutan niya ako ng tasa ng hot choco.

"I think so." inabot ko naman yun at nag-sip ng kaunti. "Hindi mo ba ako yayayain kumain?" pag-iba ko ng topic.

"Wow. Black Lady ngayon ko lang nalaman na may makapal pa sa semento ang maganda mong mukha." then he laughed. Sinuntok ko siya sa braso niya. "Aray. Joke lang yun. Kain ka na." he pull a chair and offer it to me. Naupo naman ako.

Kinuha ko yung tinidor at itinusok sa meatloaf. Kumagat ako sa meatloaf. Hmmmm... yum-yum!

"Sabayan mo na ako."

Umiling lang siya. "Makita lang kitang kumakain, busog na ako." ngumiti siya. Ngiting pamatay. Shocks.

Napakurap-kurap ako at natigil ako sa pagnguya ng meatloaf.

"A-Are you flirting on me?" buong tapang kong tanong sa kanya. Mahirap na noh, pinsan siya ng ma--- nevermind. -.-

Tinawanan niya lang ako. Pero bigla rin siyang tumigil sa pagtawa. Yung totoo? May lahi talaga silang baliw? xD Dahan-dahan niyang itinukod ang braso niya sa lamesa at unti-unting lumalapit ang mukha niya palapit sa akin. Napapikit naman ang mga mata ko...

"Hmmm... ang sarap."

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita kong nginunguya niya na yung meatloaf na nakatusok sa tinidor ko.

"Sa akin yun!"

"Ako naman nagluto e." he stuck his tongue out.

"Psh."

TOK!

TOK!

TOK!

"May bisita ka?" he just smile at me. Sinundan ko siya gamit ng mata hanggang sa binuksan niya ang pinto.

Shoot! Anong ginagawa niya dito?

"Eunice, sundo mo!" tinatawanan pa ako ni Stephen ng puntahan niya ako sa kusina.

"Are you stupid!? Why the hell he's here?!"

"Ah~ I forgot to tell you that I texted him to pick you up." kinutongan ko siya.

"G*go ka ba?! Parang di mo alam yung nangyari kagabi!"

"Aray." he pouted habang himas-himas ang ulo niya. "Bakit? Mahal mo pa ba?"

"O-Of course... not!"

"Defensive!" sabay tawa ulit. "Tara na." hinila na niya ako palabas ng kusina. "Sorry for waiting. May pinatikim pa kasi ako sa kanya e." he smirked. Pinatikim talaga?

Can't Help Falling In Love With You (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon