CHAPTER 26

318 18 2
                                    

             Nag-inat-inat ako nang makalabas ako sa detention room. Natapos ko ang 6 hours detention na puro tulog. :D Hahaha. Tiningnan ko ang wristwatch ko at 1:30 na malapit na naman mag-uwian. Sa kadahilanang tinatamad din akong pumasok sa klase, naisipan kong pumunta sa stock room para kuhain yung panlinis ng janitor.

             Malapit na ako sa stock room ng makita ko si Andrew na lumabas doon. Ewan ko ba pero bigla akong napatago. Nakita kong may isa pang tao ang lumabas sa stock room, and it was... Jasmine? Close na ulit sila?

              Hinintay ko silang makalayo bago ako labas sa pinagtataguan ko. Hindi ko maalis sa isipan ko na magkasama ulit sila. If there's Jasmine, paniguradong meron din masamang balak. Pumasok ako sa loob ng stock room kung saan sila lumabas. Hinahanap ko yung gamit na panglinis ng janitor. Medyo mahinap mahanap kasi madilim sa loob at nakasarado lahat ng bintana, nang may marinig akong...

BLAAAAAAAG!

              Napalingon akong sa pinto dahil ang lakas ng pagkakasara nito. Oh my! Baka andito si Annabelle. *cross sign* Narinig kong may parang binubuhos na tubig? I don't know. Sunod na rinig ko ay parang pagkuskos sa isang bagay at usok na ang sunod kong nakita. Pumunta ako sa pinto, nakalock ito. Lumayo na ako agad doon dahil may apoy na banda roon.

"TULOOOOOOOOONG!" sigaw ko pero parang walang nakakarinig sa akin. Alam kong wala talaga dahil class hours ngayon. "Shit." sigaw ko sa sobrang inis.

          Umakyat ako sa mga sirang bangko para maabot yung bintana, dahil napupuno na ng usok ang loob ng stock room. Halos hindi na ako makahinga sa dami ng usok. Pilit kong inaabot yung bintana pero ng maabot ko yun, ayaw mabuksan. Nakapako na ito. May balak talagang pumatay sa akin a. Siguro yung mga nakaaway ko kanina. Pilit kong kinakalampag ang kamay ko sa salamin ng bintana baka sakaling marinig nila...

"HOY!" nakarinig akong ng sigaw mula sa labas.

"Tulooooooong! Tulungan niyo ako!!!" nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa mawalan na akong ng pag-asa... baka di ako narinig... "Please... please help me." bulong ko sa sarili ko.

"Eunice?" nabuhayan naman ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"A-Ako nga. Pwede mo ba ako tulungan? Please! Ayoko pang mamatay!"

"Ilalabas kita dyan! But promise me, don't collapse, okay?"

"I promise."

"Cover your mouth and close your eyes."

[ Flashback ]

Jelo: Close your eyes then count 1 to 10.

Eunice: H-Hah?

Jelo: Just do it. ( Smile )

[ End of Flashback ]

"Jelo... Jelo?" hindi ko maintindihan yung sarili ko pero siya talaga yung gusto kong makita. Siya yung gusto kong magligtas sa akin. Gusto ko siya yung taong nasa labas ngayon...

Can't Help Falling In Love With You (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon