19 - Hypothesis

9.8K 738 287
                                    

19 - Hypothesis



"Ready?" seryosong tanong ni Lucas habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Yuan.



Tumango lamang ang dalaga. Muling sinilip ni Lucas ang pitong zombies na mabagal na nagpapabalik-balik sa harapan ng bahay ng mga Ignacio.



"Let's go."



Hindi na kinailangang magplano ng dalawa sa kung anong gagawin. Hindi na rin nila pinagisipang mabuti kung paano patutumbahin ang mga naglalakad na bangkay. Pangalawang araw sa apocalypse at tila natural na ang mga galaw nila sa pakikipaglaban. Saglit lamang ay naubos ang mga zombies.



"God, Yuan." Mabilis na sumalubong ang nagaalalang si Lucia ng makapasok sa bahay sina Yuan at Lucas.



Lumapit din si Henry. "Are you alright?"



"We're okay, Dad," sagot ni Yuan at saka lumingon sa kanyang likuran. Napakunot ang kanyang noo ng mapagtantong silang dalawa lamang ni Lucas ang nakabalik.



"Where are they?" wala sa sariling naibulong ng dalaga.



"Right. You were with Wawie," nagaalalang sabi ni Lucia. "Where is he? And Kevin?"



"I think they're still inside the house." Napatingin ang lahat ng mabilis na tumalikod si Lucas at lumapit muli sa main door.



"We'll be back." Wala na muling nakapagsalita ng mabilis na sumunod si Yuan sa binata.



Halos magkagulatan sila noong pagbukas ni Lucas sa pinto ay tumambad sa kanila ang tatlong lalaki.



"Bakit--" Hindi na naituloy ni Yuan ang tanong ng makita ang bitbit nilang malalaking paper bag na naglalaman ng mga damit at pagkain.



"Tito," pagtawag ni Warren sa pansin ni Henry na nakatingin sa kasama nilang ngayon lang nito nakita. "Kailangan nating harangan yung daan papunta sa bakuran ko."



"Okay. We'll do that. Pero pumasok muna kayo--"



Sasalubong sana si Henry para tulungan ang mga lalaki sa kanilang bitbit ng muling magsigawan ang lahat. Dalawang zombies ang biglang nasa likod nila Kevin at Jack.



Hindi pa nakakakilos ang iba mula sa pagkagulat, mabilis na tinadyakan ni Jack ang zombie na nasa tapat niya. Nang makitang kakagatin na ng isa pang zombie si Kevin, itinaas ng lalaki ang kanyang braso at iniharang sa bibig ng zombie.



"No!" sigaw ni Yuan kasabay ng pagsigaw din ni Warren sa pangalan ni Jack.



Lahat sila ay hindi makapaniwala sa nangyari at nanatiling nakatitig kay Jack. Si Lucas ang kaunahang nakabawi at agad na hinampas ang zombie papalayo kay Jack.



"Get in! Get in!" paulit ulit na utos ni Jack sa lahat.



"No. What the fuck, dude?" Hindi malaman ni Warren ang gagawin.



"Are you out of your mind? Why did you do that?" Naghahalo ang awa at inis na tanong ni Kevin.



"Should I have let you get killed?" nakangiwing tanong ni Jack na tila maliit na bagay lamang ang kanyang ginawa.



"You were trying to kill us just a while ago," nagtitimping sabi ni Kevin. Hindi matanggap ng binata na mayroong mamamatay ng dahil sa kanya.



"Guess people really change." Lalong kumunot ang noo ng lahat dahil sa mahinang pagtawa ni Jack.



Nagulat sila nang lumapit si Yuan at biglang kinuwelyuhan si Jack.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon