31 - Why do I?

7.4K 703 548
                                    

31 - Why do I?



"Pagod na?" nakangiting tanong ni Rio habang nakadungaw sa nakabukas na pinto ng bus. Kausap niya si Lucas na nakaupo naman sa driver's seat ng truck na nakaparada sa kanyang tapat.



Umiling ang binata. "I can still manage."



"Huling liko naman na yung susunod. Sa dulo non, nandun na yung bahay ni Gov."



"Malapit na pala. Dapat hindi na tayo huminto," pag-singit ni Yuan sa usapan. Bahagya siyang naka-lean sa puwesto ni Lucas upang makita din si Rio.



"Hindi," sabi ng bodyguard. "May kalahating oras pa ang biyahe bago makarating doon."



Ngumiwi ang dalaga. "Then we really need food. I won't last that long without eating."



Natawa ang bodyguard saka bahagyang lumingon sa loob ng bus. "Marami nga yatang inilalagay ang Mom mo dun sa tupperware."



"She knows I'm starving. Mother's instincts," pabirong ani Yuan.



"Alam niyang patay-gutom ka!" sigaw ni Warren habang nakasilip mula sa unang helera ng mga upuan. Doon pa rin nakapwesto ang binata katabi si Pia.



"Alam din kaya niya na papatayin kita?!" Halos marindi si Lucas dahil siya ang direktang nakakarinig ng malakas na boses ni Yuan. "God, don't show me your face! I need to eat!"



Hindi na nakaganti pa si Warren nang maramdaman ang pagtapik sa kanya ni Lucia. Bitbit nito ang isang tupperware na naglalaman ng pagkain para kina Yuan at Lucas. Umalis na si Rio sa pinto upang bigyan ng daan ang ginang.



Nang makatapat sa pinto, nakangiting iniabot ni Lucia ang dalang tupperware kay Lucas. "Sandwiches and fried chicken."



"Love you, Mom!" nakangiting sabi ni Yuan saka nagmamadaling kumuha ng pagkain.



Napailing na lamang si Lucas at isinara na ang katabing bintana. Nang makaandar ang bus ay nagsimula na din siyang magmaneho.



"Do you want me to turn on the lights in here?" tanong ng binata sa kalagitnaan ng biyahe. Mula ng makakain ay iyon pa lamang ang unang beses na may nagsalita sa kanilang dalawa.



Kakaliko lamang nila sa sinasabing daan na didiretso sa bahay ng gobernador. Walang kahit anong gusali o poste na may nakabukas na ilaw. Mukhang ghost town ang lugar. Dahil tuluyan ng lumubog ang araw, kung hindi nakabukas ang kanilang headlights ay wala silang makikita sa paligid.



Maging ang bus na sinusundan nila ay patay din ang mga ilaw sa loob. Alam nilang dalawa na karamihan sa mga sakay noon ay natutulog.



"No, it's okay. Bukas naman ang headlights natin," sagot ni Yuan habang nananatili ang tingin sa unahan. Inaantok man, hindi niya magawang matulog dahil siya lamang ang kasama ni Lucas.



"You won't get panic attacks or what?"



Bahagyang lumingon ang dalaga habang nakasandal pa rin ang ulo sa kinauupuan. "As long as may nakikita akong liwanag."



Tumango lamang ang binata. Nakatutok pa rin ang tingin niya sa daan at mula ng paandarin ang truck ay hindi niya na muling nilingon si Yuan.



"I'd like the windows down, though," ani Yuan sa tonong tila nagpapaalam sa binata. "Wala naman tayong nadadaanang zombies."



"This is not mine. Do whatever you want to do."



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon