48 - The Last Trip (Part 2)

6.7K 606 469
                                    

48 - The Last Trip (Part 2)



Malalalim ang paghinga ni Yuan habang nakatitig sa espada na hawak ng kanyang nanginginig na kamay. Nababalot iyon ng dugo ng iba't ibang zombies na kanyang pinatumba. Tatlong oras pa lamang mula ng magsimula ang kanilang biyahe, dalawang beses na silang bumaba ni Lucas upang lumaban.



"Tubig?" May bahid ng pag-aalala sa tono ni Rio habang kunot-noong nakatingin sa dalaga. Hindi man siya pinansin nito, agad siyang tumalikod upang humingi ng tubig sa mga kasama.



"How is she? Is she alright?" nag-aalalang tanong ni Lucia ng dumaan si Rio sa kanilang kinauupuan. Hindi niya magawang tumayo dahil natutulog ang bunsong anak na naka-kandong sa kanya.



Hindi pa man nakakasagot si Rio ay agad ng tumayo si Henry mula sa pagkakaupo sa tabi ng kanyang asawa. "Pupuntahan ko."



"Henry," mabilis na awat ni Lucia sa ama ng kanyang mga anak. Hinawakan niya ang kamay nito at dahan-dahan iyong hinila pababa upang bumalik sa pagkakaupo si Henry. "Scolding her won't do any good right now. Kung hindi naman tayo makakatulong, 'wag na lang natin siyang bigyan ng ibang alalahanin."



"Naririnig mo ba ang sarili mo, Lucia?" hindi makapaniwalang bulong ni Henry. "Our daughter is putting her life in grave danger and as her father, you want me to just sit here?"



"Henry," may diin na tawag ni Lucia sa asawa habang seryoso itong tinititigan sa mga mata. "I am her mother and I trust her."



Matagal na nagsukatan ng tingin ang mag-asawa. Unti-unting naibagsak ni Henry ang kanyang mga balikat at wala sa sariling napaupo. Hindi na ito muling kumibo.



"Eto po," ani Mariz ng iabot kay Rio ang isang bote ng tubig na kinuha niya mula sa dala nilang cooler.



Tumango lamang si Rio sa dalaga. Bago bumalik sa unahan ay muli siyang huminto sa tapat nina Henry at Lucia.



"Alam ng batang 'yon ang ginagawa niya." Huminga siya ng malalim. "May tiwala din ako sa anak ninyo."



Muling napaiwas ng tingin si Henry habang tipid lamang na ngumiti si Lucia. Bumuntong hininga si Rio sa pangalawang pagkakataon bago tumalikod sa mag-asawa. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya ng biglang huminto ang bus. Napaluhod siya sa mismong kinatatayuan dahil sa lakas ng impact. Nabitawan niya ang bote ng tubig.



Kanya-kanyang tayo ang lahat upang tignan ang dahilan ng biglaang pagtigil ng kanilang biyahe. Hinabol ng kamay ni Rio ang bote na gumugulong palayo sa kanya. Nang makuha iyon ay dahan-dahan siyang tumayo at nagulat sa nakita.



Nakatutok ang bus at pasampa na sana sa isang malawak na tulay. Ngunit imposible silang makadaan doon lalo pa at puno ng mga nakapilang sasakyan ang dalawang linya. Sa gitna pa ng tulay ay mayroong tatlong kotse at isang truck na magkabangga. At tulad ng lahat ng lugar na nadaanan nila, napakaraming zombies na nagkalat.



"Paano ka nakadaan dito?" tanong ni Rio habang nanlalaki ang mga matang hindi maialis sa pagtitig sa kanyang harapan. Wala sa sariling humakbang siya palapit.



Hindi man siya nilingon ng katrabaho, alam ni Ronald na siya ang kausap nito. "Hindi nga ako dito dumaan."



Tumayo si Jules mula sa driver's seat at humarap sa mga kasama. "Nanggaling na tayo kanina sa dinaanan ni Ronald pero pumihit ako agad dahil may gumuhong building sa mismong kalsada. Mas hindi tayo makakalusot doon."



"So, this is the better option?" sarkastikong tanong ni Pia. Naitirik niya ang mga mata. "We're dead. Sabi ko na nga ba."



Napahugot ng malalim na hininga si Yuan saka inialis ang tingin sa kanyang katabi. "How many here can drive?"



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon