28 - And the World Stopped

7.8K 611 94
                                    

28 - And the World Stopped



"Mom, are you sure about this?" mahinang tanong ni Yuan kay Lucia.



Nakapwesto lamang ang dalaga sa isa sa mga upuan sa dining table. Pinanood niya sina Jet at Kevin na lumabas ng kusina habang may bitbit na mga kahon na naglalaman ng mga natira nilang stocks ng pagkain. Ang mga kasama niya naman sa kusina na sina Lucia, Leanne, Mariz, Kenzo, Rina at Gian ay abala sa pagaayos at paglalagay sa kahon ng iba pa nilang dadalhin.



Bahagyang ngumiti si Lucia saka tumabi sa kanyang anak. "Why? He's our governor and we can't really stay here forever. Plus, you and Lucas agree with this."



"I know. I know, but why?" naguguluhang tanong ng dalaga saka diretsong humarap sa kanyang ina. Nananatiling busy sa kanya-kanya ginagawa ang kanilang mga kasama. "Why do we get to decide? Why Lucas and I?"



"Wala namang may ayaw nito, anak," mahinahong paliwanag ni Lucia.



"But why does it feel like we're moving because Lucas and I decided that we should?" Sandaling napayuko ang dalaga saka muling sinalubong ang mga mata ng kanyang ina. "Mom, it's okay if you don't want to leave. We won't. Mas kaya ninyong magdesisyon para sa lahat. O kaya si Lolo. He's the eldest here, he should decide."



Napabuntong hininga si Lucia at seryosong nagsalita. "Where is this coming from, Yuan?"



Muling napayuko ang dalaga. Matagal bago siya nakasagot sa kanyang ina. "What if our decision puts everybody's life in danger?"



"Yuan." Humugot ng isa pang malalim na hininga si Lucia. Nang hindi mag-angat ng tingin ang kanyang anak ay hinawakan niya ito sa pisngi at iniharap sa kanya. "I trust you. You and Lucas. We all trust you both. Walang kahit sino na nagdalawang isip na sumama dahil alam ng lahat na pumayag kayo ni Lucas dito."



Napayukong muli si Yuan saka dahan dahang tinanggal ang kamay ni Lucia sa kanyang pisngi. Bahagya siyang natawa saka pabirong nagtanong. "Trust and Lucas, again. Why does everybody trust that guy?"



Natawa din si Lucia. "Why? Don't you?"



Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Yuan. Napaisip siya sa tanong ng kanyang ina.



"Are you done?" Naagaw ang pansin ng lahat dahil sa malakas na boses ni Leanne.



"Yeah. The boxes are already outside," nakangiting sagot ng kadarating lamang na si Bea.



"Where are they?" tanong muli ni Leanne.



"Living room," tipid na sagot ulit ni Bea. Tinutukoy niya ang kinaroroonan ng mga kapwa guro at mga batang katulong niyang nag-ayos ng mga damit na dadalhin. "Tita, we've also included some of Liam's toys. Para hindi naman malungkot ang mga bata."



"That's great, hija," nakangiting sabi ni Lucia. Binigyan niya muna ng isang makahulugang tingin si Yuan bago siya tumayo para muling mag-ayos.



Isa-isang inilabas ng bahay ang mga kahon na naglalaman ng mga gamit at pagkain. Tulong-tulong ang lahat sa pag-bubuhat. Nang masigurong handa na ang mga kailangang dalhin, lumabas na din ang lahat.



"The kids." Nilingon ni Yuan ang nakatatandang kapatid. Tila kinausap niya ito sa tingin.



Mabilis na tumango si Leanne. Isa-isa niyang tinignan sina Bea, Kyla, at Carlo na karga ang mga estudyante nila na mayroong blindfolds. "We're okay."



2025Where stories live. Discover now