47 - The Last Trip (Part 1)

6.9K 597 461
                                    

47 - The Last Trip (Part 1)



Napabuntong hininga si Yuan habang nakatitig sa magkabila niyang palad. Ang kaliwa ay ikinuyom niya ng mahigpit. Ang kanan naman na nababalot ng bagong palit na benda ay dahan-dahan niyang itinupi.



Hinigpitan ni Lucas ang pagkakasintas ng kanyang sapatos bago tumayo upang isuot ang kanyang university jacket. Kung ano ang damit niya sa unang araw ng apocalypse, iyon din ang suot niya sa inaasahang huling araw ng laban. Kung ano ang itsura niya bago napasok sa ganitong sitwasyon, ganoon din niya napagpasyahang lumabas dito.



Tumayo si Yuan mula sa pagkakaupo sa kama at kinuha ang kanyang espada. Pinasadahan ng kanyang mga daliri ang haba ng talim niyon habang bumabalik sa kanyang isipan ang bawat dugong pumatak dahil sa armas. Muli siyang napabuntong hininga.



Pinulot ni Lucas ang baseball bat na nakapatong sa isang upuan at diretso iyong isinandal sa kanyang balikat. Huminga siya ng malalim saka lumapit sa pinto.



Kapwa natigilan ang dalawa ng sabay na lumabas sa magkatapat na pinto ng kanilang mga silid. Muli silang napabuntong hininga, pareho ang nasa isip. Sabay di silang napangiti.



"Ready to fight with me?" tanong ni Lucas saka inilahad ang kanang kamay sa harap ng dalaga.



Lalong napangiti si Yuan saka hinawakan ang kamay ng binata. "Ready to fight with you."



"Ready to die together?"



Muling nagkasabay ang dalawa sa paglingon sa nakapameywang na si Pia. Nakataas ang isang kilay nito habang may mapait na ngisi sa kanyang mukha. Tila ba sa isip nito ay sinasaktan na ang dalawa, lalo na si Yuan.



"Masyadong delikado 'tong biyahe na 'to. Kung ako lang ang masusunod hindi ako payag dito. Alam kong walang makakaligtas kahit isa sa atin."



Inalis ng dalaga ang mga kamay sa kanyang bewang at pinagkrus iyon. "Ang gusto ko lang na part dito ay 'yong alam kong bida-bida kayo kaya kayo ang mauunang mamatay."



"Pia," nagbabanta ang tono ni Lucas ng banggitin ang pangalan ng dalaga.



Hindi naman natinag si Pia ng malamig na boses ng binata. Patuloy siyang ngumisi.



"Sasabihin ko sanang ikamusta niyo ako kay Tita Annie kaso hindi nga pala sa langit napupunta ang mga mamamatay tao."



Akmang hahakbang si Lucas palapit sa dalaga ng pisilin ni Yuan ang kanyang kamay. Nanatili mang masama ang tingin kay Pia, bumuntong hininga na lamang ang binata at hinila si Yuan palayo.



"I was actually gonna say yes when she asked if we're ready," ani Yuan na siyang nakapagpahinto sa binata sa paglalakad. Napangiwi siya ng binigyan siya nito ng masamang tingin. "Kidding? Not a good joke?"



Muling napahugot si Lucas ng malalim na hininga. "Nothing bad's gonna happen."



"Okay," simpleng sabi ni Yuan. "But you should be a little more patient with Pia, she lost the only family she had."



Napayuko lamang si Lucas. Napaawang naman ang bibig ni Yuan ng mapagtanto ang kanyang sinabi. "I'm sorry, I don't mean it that way. I mean, you both lost your family but--"



"It's okay. A wound hurts more when it's fresh," ani Lucas at tipid na ngumiti sa dalaga.



Tipid ding ngumiti si Yuan habang nakatitig sa binata. Napakagat siya sa ibabang labi at napayuko. Nag-angat lamang siya ulit ng tingin noong may mapagtanto.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon