Kapitulo XXIV - False

7.8K 522 16
                                    

"Ang bait talaga ni Prinsipe Neraios, 'no?" ani Louisse bago kinagatan ang isa sa mga mansanas na ibinigay sa amin ng mag-asawa. Doon kami sa kanilang tahanan nananghalian ngayon dahil inimbitahan kami ni Prinsesa Aliscel para sa kanyang kaarawan.

"Para sa akin ay mas mabait si Tita Alice... para na natin siyang pangalawang magulang. Well... bukod sa teachers natin na 'second parents' daw natin," natatawang sabi ko bago nagkibit-balikat.

Napatigil kami sa paglalakad nang biglang sumingit sa pagitan naming dalawa si Angelina bago umakbay sa aming dalawa. "Pagtatalunan niyo pa ba 'yan? Parehas naman silang mabait!" aniya.

Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Napatingin kaming dalawa kay Louisse nang bigla niyang kalasin ang pagkakaakbay ni Angelina sa kanya. "Ay, oo nga pala, guys! Kailangan ko nang umuwi sa dorm para mag-aral!" biglang sambit niya.

Napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Bakit? May quiz ba tayo?"

Umiling siya sa akin bago malapad na ngumisi. "Wala, pero... kailangan kong mag-aral nang mabuti dahil ayaw kong mapag-iwanan ako ng kapatid ko," nangingiting aniya.

Napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Bakit?" pang-uusisa ni Angelina.

"Isa raw kasi siya sa pinagpipilian ng mga teachers niya para makasama sa The Chosen Ones ng Dauntless Academy few years from now!" masiglang kwento niya.

"Woah, The Chosen Ones? As in 'yong mga pambato sa Choque de la Magia?" namamanghang sabi ko. "Hindi ba't masyado pang maaga para mamili sila ng maaaring lumaban?"

Napanguso siya dahil sa huling sinabi ko. "Oo nga, pero... kabilang kasi si Ate Reina sa top 5 ng batch nila. Sabi niya sa akin ay malaki raw ang tiyansa niya dahil do'n."

"Wow! Sana all!" manghang sabi ni Angelina bago pumalakpak.

Napangiti ako dahil sa sinabi ng kaibigan. Nagpatuloy na muli kami sa paglalakad pabalik sa aming paaralan. Nang makarating doon ay nagpaalam muna ako sa kanila upang pumunta sa Battle field at mag-ensayo ng aking ability.

"Hoy, Maxine sungit!" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Nang makita kung sino iyon ay awtomatikong umikot ang mata ko. 

"Can you please stop calling me that?" mataray na sabi ko sa kanya.

Umangat ang isang gilid ng labinlimang taong gulang na Chrysanthe Austria nang siya'y makalapit nang tuluyan sa akin. Bakas palagi ang tuwa sa kanyang mukha sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataon na mabuwisit ako. 

"Ang sungit mo naman, Madam!" natatawang aniya bago lumapit pa lalo sa akin para mang-inis.

"You're annoying..." napapagod na sabi ko bago tinalikuran siya at lumayo.

Napatigil ako sa paglalakad nang bigla siyang tumalon papunta sa harapan ko at ngumiti nang nakakaloko. "No, I'm Chrysanthe," pambabara niya.

"Leave me alone!" inis na sabi ko bago itinulak siya ngunit hindi man lang siya natinag kahit kaunti.

"I would... only if you can defeat me in a sword battle," panghahamon niya sa akin. "At saka, wala ka na bang ibang alam na sabihin sa akin kun'di 'Leave me alone' at 'You're annoying'?"

Tinitigan ko siya nang masama. Kailan ba ako nanalo sa hambog na ito? I hate to admit this but... he is the best student in our class when it comes to wielding of weapons, especially swords. Kaya simula noong natalo niya ako nang sunud-sunod noon ay hindi na ako sumang-ayon pa sa mga hamon niyang makipaglaban sa kanya gamit ang espada.

"Over your dead body," mariing sabi ko.

Napahalakhak siya dahil sa sinabi ko. "Hmm, para mo na ring sinabing pumapayag ka nang maging asawa ko..." pilyong sabi niya na nagpatigil ulit sa akin.

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon