Kapitulo IX - Traitor

10.8K 666 32
                                    

"Who is Reina Louisse Coste, Elise?" mariing tanong ko.

Nandito kami ngayon sa may Battle field at mayroon pa kaming ilang oras bago magsimula ang klase. Hinigit ko siya papunta rito upang kausapin siya nang seryoso at kung sakaling umabot man kami sa puntong hindi niya sasagutin ang lahat ng katanungan ko ay gagamitan ko na siya ng dahas.

Sarkastiko siyang napapalakpak habang nakangisi sa akin. "Impressive, Miranda! In just a small amount of time, you've already found an interesting piece of the puzzle. Your Tita Caroline Miranda must be proud of you."

Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. "Cut the crap, Elise Athena! Sagutin mo na lang ang tanong ko!"

"Woah, aggressive! Knowing a little bit of the whole truth must have sucked you big time, Amaia—"

"I said enough!" Marahas ko siyang kinuwelyuhan at hinila papalapit sa akin. Tinitigan ko siya nang masama na siyang nagpaseryoso sa kanya.

"Reina Louisse Coste is a total bitch," seryosong sabi niya sa akin kaya pinakawalan ko na siya. Pinagpagan niya ang sarili at inayos ang bahagyang nagulong buhok. "She took away my dream! She took away everything I have! I'm telling you, Amaia, Reina IS a bitch!"

"Anong ibig mong sabihin? What did she took away from you?"

She scoffed. "I was once a part of Class A in Dauntlesss Academy and the Sorting Ceremony decided that. It was not because of my strong ability, but because of my high combat skills. I am considered as one of the top students of my class and I was recommended by your precious aunt to be a strong candidate for the future The Chosen Ones... pero hindi iyon nangyari dahil inagaw niya bigla ang posisyon ko!"

Napataas ang isang kilay ko dahil sa huling sinabi niya. "So you are just bitter because she was better than you? My gosh, Elise—"

"You don't fucking know anything, Amaia!" aniya na siyang nagpatahimik sa akin. "You don't fucking know how she took everything away from i-in just... in just a blink of an eye! How can I not be bitter about that, huh?"

"Number one rule sa The Chosen Ones ang pagtanggal ng unnecessary emotions... especially love. And that bitch used that against me! All because I fell in love with another strong candidate for The Chosen Ones and she used that against me! Isn't it unfair? Ang unfair na nga ng rule na iyon, ang unfair pa dahil ginamit niya ang kahinaan kong iyon para kunin ang lahat sa akin!"

Napaiwas ako ng tingin nang makita ang pagkawala ng ilang luha mula sa mga mata niya. Ang Elise na nasa harapan ko ngayon ay malayong malayo sa Elise na unang sumubok sa pasensya ko sa Cafeteria noon. It must have been really hard for her in Dauntless Academy... I guess?

"She happily took my spot in The Chosen Ones and bragged to me about it. Dahil sa galit at pagkamuhi ko sa kanya, sinugod ko siya one time sa Battle field and I caught her off guard. I almost took her life because of that! Believe me, Amaia, nagawa ko lang iyon dahil sa galit ko at pinagsisisihan ko dahil nagpadala ako roon! Pero hindi... walang naniwala sa akin. Tinalikuran ako ng professors ko, tinalikuran ako ng Headmaster, tinalikuran ako ng mga kaibigan ko, tinalikuran ako ng lahat! They demoted me back to Class D because of that one mistake and you wanna know what's worst? Ang baba ng tingin sa akin ng taong mahal ko at 'yong taong dahilan nitong lahat? Ando'n, araw-araw ko lang nakikitang nakangiti at masaya habang ako sirang-sira na ang pagkatao!"

Umihip nang malakas ang hangin kaya nagulo ang buhok kong kanina pa tumatama sa aking mukha. Sinikop ko ito at inayos habang pinapanood siyang palisin ang mga luhang matagal niya na sigurong kinikimkim.

"But I guess... karma is a real bitch. What Reina took away from me was also taken away from her by someone who deserved to be there. Eshtelle Alexa Lee took her spot in The Chosen Ones and she cannot do something about it because she was and she will always be powerless against her. She is the real deal. At first, akala ko mahina siya pero nagkamali ako ng sinubukan. Alam mo bang dahil sa akin ay natuklasan ng lahat na hindi pala talaga siya isang manna?" Napatawa siya nang mahina dahil sa sinabi niya.

Bahagyang napakunot ang noo ko habang pinagdudugtong-dugtong ang kuwento niya. "So how did Reina became a traitor of Dauntless Academy? Hindi ba't si Ella Rushford daw ang traydor?"

Napatawa siya nang malakas dahil sa tanong ko habang umiiling. "You're so naive, Amaia. Akala mo ba doon lang nagtapos sa amin ang pagiging traydor ni Reina? Of course not! Once a traitor, always a traitor!"

"What did she do?" naguguluhang tanong ko.

Ngumisi siya sa akin. "Memory Manipulation. She has that goddamn ability which makes her the worst enemy. Hindi siya marunong tumira nang harap-harapan dahil mas magaling siyang tumira patalikod which makes it even worse. She is the reason why Kingdom Galaxias was put in danger during the last Choque de la Magia. She manipulated the memories of the players of the game in order to help King Sherbet fulfill his ultimate goal at iyon ay ang makuha ang nawawalang hiyas ng Lunaticus. Choque de la Magia was not supposed to be that deadly, Amaia, but she made it worst."

"B-Buhay pa rin ba hanggang ngayon si Reina?" seryosong tanong ko sa kanya.

Sumeryoso ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko. "Of course she is! Matagal talaga ang buhay ng masasamang damo." Humalakhak siya dahil sa kanyang sinabi. "Wanted siya sa buong Galaxias at pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad."

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahuhuli so they are all thinking na may tumutulong sa kanyang magtago at tumakas sa mga awtoridad." Nagulat ako nang bigla siyang humakbang papalapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "And that is the reason why I'm telling you to stop believing everything you see. Stop trusting too much. Nangyari na ito sa akin, at ayoko nang mangyari sa'yo o sa kahit na sino pang iba," seryosong aniya.

Tumikhim ako at tinanggal ang mga kamay niya sa aking balikat. "But what if... iba pala si Louisse kay Reina?"

She smirked. "Do you think I will be warning you like this kung alam kong magkaiba silang kapatid niya? For god's sake, Amaia, stop trusting her! Did she manipulate your memories too well kaya ba hindi ka naniniwala sa akin? Did she already manipulate your mind kaya ba kahit na anong gawin ko ay hindi kita mapaniwala?" mariing tanong niya sa akin bago hinilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha.

"I am not being manipulated, Elise Athena! I am completely sane! I am just... asking! Nanghihinayang lang ako sa pagkakaibigan namin—"

"Ang mga traydor ay hindi nanghihinayang sa pinagsamahan nila! She is not guilty for hurting or betraying you and your other friends! They are all greedy to get what they want! I am a living proof for that, Amaia! Kung nanghihinayang ka sa pagkakaibigan niyo, hindi mo ba naisip na siya ang unang sumira sa pagkakaibigang pinakainiingatan mo?"

"What the hell did she do to prove that what you are saying is true?" pagalit na tanong ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla siyang ngumisi sa akin. "Bakit hindi mo itanong mismo sa kanya?" aniya bago tumingin sa may likuran ko.

Sinundan ko ang tingin niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Louisse na seryosong nakatitig pabalik kay Elise. Dinapuan niya ako saglit ng tingin at bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Amaia, can we talk?" seryosong tanong sa akin ni Louisse.

"We are already talking," malamig na sagot ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "Then... will you still believe everything I'll say?" malungkot na tanong niya sa akin.

I don't know, Louisse... Hindi ko na alam kung kaya ko pang maniwala sa kahit anong sasabihin mo. Kapag napatunayan kong tinatraydor mo lang ako, hindi ko na alam kung kaya pa kitang patawarin at pagkatiwalaang muli.

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryWhere stories live. Discover now