Kapitulo XVI - Missing

8.8K 599 4
                                    

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malalakas na huni ng mga ibon. Dahan-dahan akong bumangon bago pinasadahan muli ng tingin ang paligid. Ngayong maliwanag na ay mas nakita ko ang kagandahan ng kagubatan. Dumapo ang tingin ko kay Chrysanthe nang makitang naglalakad siya patungo sa direksyon ko at may dala-dalang timba at kahoy.

Bago kami matulog kagabi ay napag-usapan namin ang tungkol sa huling nangyari sa aming mundo bago ako mapadpad sa mundo ng mga normal na tao. Habang ikinukwento niya sa akin ang bawat detalye ay ramdam ko ang pagbigat ng aking puso habang inaalala ang nangyari. Napag-alaman kong mayroon pala akong pamilyang naiwan sa Sunne at iyon ay ang aking lola.

Nang magtama ang aming tingin ay napaangat ang isang gilid ng kanyang labi. Ibinaba niya ang lahat ng kanyang bitbit bago lumapit sa aking kinauupuan. "Do you feel better now?" mahinahong sa akin ni Chrysanthe.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya bago tumango. "Uh, by the way, I need to go back home. May pasok ako sa school bukas at may trabaho rin ako," kaswal na sabi ko bago sinubukang tumayo ngunit agad akong napaupo at napadaing dahil sa sakit ng namamaga kong paa.

Agad niya akong dinaluhan at inalalayan. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata habang nakatingin sa paa ko. "In that condition? There's no way I will allow you to go to school and work, Amaia," mariing sabi niya sa akin bago sinamaan ako ng tingin.

Nilabanan ko ang titig niya sa akin. "Ako lang ang bumubuhay sa sarili ko kaya kailangan kong pumasok, Chrysanthe," mariin ko ring sabi.

Saglit kong nakitaan ng pagkamangha ang kanyang mga mata na agad ding namang naglaho at napalitan ng galit. "No," pinal na sabi niya.

Napahilamos ako ng palad sa aking mukha dahil sa frustration. Pasabi-sabi pa siya na matigas ang ulo ko at ayaw kong magpatalo, eh gano'n din naman siya!

"Don't give me that look, Amaia. I am still not giving my permission to you," mariing sabi niya sa akin bago tumayo at inayos ang mga kahoy na dala niya kanina upang magsindi ng apoy.

"Magpapaalam lang ako sa mga boss ko na magli-leave ako! Hindi na ako papasok ng school, okay?" iritadong sabi ko.

"Mga boss mo? So you've been doing multiple jobs at the same time? You don't deserve this, Amaia! Maganda ang buhay natin sa Galaxias! Maayos ang pamumuhay natin doon at hindi na natin kailangang magtrabaho nang marami para lang makapaglingkod sa sarili nating bayan!"

I rolled my eyes. "It's just two freaking jobs, Santhe! Napaka-OA mo!" Saglit siyang natigilan dahil sa sinabi ko. Napataas ang isang kilay ko nang mapansin ang pagliwanag ng kanyang mukha na ipinagkibit-balikat ko na lamang. "And I'm not working here to serve my nation or something. I am working for myself. I am working to support my studies and to survive in this world."

Bumuntong-hininga siya at ipinagpatuloy ang kanyang pagsisibak ng kahoy. "Whatever floats your boat..." patamad na sabi niya.

"Magpapaalam lang talaga ako, I swear!" iritadong sabi ko.

"Oo na! Ang kulit mo talaga, 'no?" pagsuko niya. "Just promise me that you'll come back safe, okay?"

Ngumiti ako sa kanya nang matamis at tumango nang sunud-sunod. "I promise!" masiglang sabi ko.

"And you should wait for your wounds to heal first," dagdag niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin bago sinilaban ang mga kahoy.

Tumayo siyang muli bago umupo sa isang nakahigang puno sa may tabi ko. Inabot niya sa akin ang buko na hawak niya matapos niya itong buksan. Tinanggap ko ito agad at nagpasalamat.

"So tell me something about this world..." mahinahong sabi niya habang nilalaro ang isang mapayat na sangang hawak niya.

"There's nothing special here," kaswal na sagot ko.

"How about the people you've met here?" Agad akong napalingon sa kanya dahil sa panibagong tanong niya. 

Tinantya ko muna kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo at sa huli ay umamin ako. "Mayroon lang dalawang taong bumabagabag sa akin dito and the rest... wala nang espesyal pa sa mga nakasalamuha ko."

Nanatili ang kanyang seryosong titig sa akin. "Do you know who they are?"

Umayos muna ako nang pagkakaupo bago magsalita. "Yung isa ay regular customer ko sa coffee shop kung saan ako nagt-trabaho. She's been watching me all the time," pagk-kwento ko. "And the last time we saw each other, she called me 'Amaia'. Sinabi niya sa akin na excited na raw siyang dumating ang araw na maalala ko siya."

Tumingin siya sa malayo at napahawak sa ilalim ng kanyang baba na tila ba malalim ang iniisip. Pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan ay ibinalik niya sa akin ang kanyang tingin. "Elise Athena..." siguradong bulalas niya.

Napaawang ang aking bibig dahil sa binanggit niyang pangalan. "H-How did you know? Wala naman akong ibinigay na description ng itsura niya!" namamanghang sabi ko.

"She was reportedly missing ever since the incident happened," kalmadong aniya bago nag-iwas ng tingin sa akin. "Mukhang dito pala siya napadpad at nagtago."

Nagtago? Ibig sabihin ba no'n ay may ginawa siyang masama doon sa mundo namin at pumunta lang siya dito sa Earth para tumakas sa kasalanan niya?

"But why are you here with me? You should look for her at hindi dapat ako ang inaasikaso mo!"

Saglit na dumapo ang kanyang tingin sa akin ngunit agad ding umiwas. "I came to this world to look for you. Walang nakakaalam sa Sunne kung buhay ka pa ba o hindi simula noong..." Napatigil siya sa pagsasalita at saglit na napayuko. 

Nangilid ang mga luha sa aking mata dahil sa hindi malamang dahilan. Agad ko itong pinalis bago pa ito tumulo. Why am I getting emotional, too?

"I came here to find you, even if there's a big possibility that you died during the incident. I was silently hoping you're still alive when I left Galaxias and here you are, in front of me... but you don't remember a single thing about me," napapaos niyang sinabi habang nakatingin sa lupa.

"I... I'm sorry." Ibinalik niya ang kanyang tingin sa akin bago ngumiti nang malungkot at umiling.

"No, you shouldn't be. I'm glad I found you here and I want to take you back to Galaxias... I will take you back to our sanctuary," seryosong aniya. 

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Saglit na katahimikan ang namutawi sa paligid dahil sa bigat ng usapan kanina. Maya maya'y binasag niyang muli ito gamit ang isa pang katanungan.

"Sino 'yong isa pang sinasabi mong bumabagabag sa iyo?"

Napabuntong-hininga ako dahil sa tanong niya. "I don't know her name because I never asked her and I never wanted to know. Sabi niya sa akin noong huli kaming nag-usap ay p'wede raw kaming magtulungan upang alamin ang katotohanan. Sa tingin ko ay wala rin siyang naaalala katulad ko."

Tumango siya sa akin bago sandaling nag-isip. Maya maya ay muli siyang nagsalita. "Before anything else, we have to find our way back to Galaxias para maibalik na kita roon. The entrance is found somewhere here in this forest."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Paano ka nakapunta dito kung hindi ka sigurado at hindi mo alam? Hindi ba't dumaan ka rin doon?" nagtatakang tanong ko.

Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita. "I did, pero hindi ko na mahanap ulit ang daan pabalik. Mahirap hanapin ang daan papunta dito sa Earth pero hindi ko alam na mas mahirap palang hanapin ang daan papasok sa mundo natin," seryosong aniya.

"W-What do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"The entrance to Galaxias is missing, Amaia..." aniya bago bumuntong-hininga.

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon