Kapitulo XXII - Memory

8K 521 8
                                    

Hinayaan ko ang aking mga paa na dalhin ako kung saan nito gustong magpunta. Natagpuan ko ang sarili sa tapat ng bahay ng mag-asawang namumuno sa aming rehiyon. Hindi na ako nagtangkang kumatok sa kanilang tahanan dahil sigurado akong wala na sila roon kagaya ng karamihan sa mga mamamayan ng aming lugar.

Bago sumapit ang dapit-hapon ay napagdesisyunan ko munang maupo sa ibabaw ng isang malaking bato sa tabi ng dagat ng Sunne at doon muna naisipang magpahinga bago tuluyang lumubog ang araw.

Sinubukan kong kontrolin ang tubig ng dagat ngunit hindi ito umayon sa akin. Napapikit ako dahil sa tumalsik na tubig sa aking mukha. Marahas kong pinalis ang tubig na tumalsik sa akin bago kumuha ng isang maliit na bato sa aking gilid at iritadong inihagis sa dagat.

Hinawakan ko ang maliit na vial sa kuwintas na suot at pinagmasdan ang kulay pulang likido sa loob nito. Ano pa kaya ang mga nawawala sa alaala ko? Alam ko na kung saan ako nag-aaral at kung saan ako naninirahan. Alam ko na rin kung sino ang nag-aalaga sa akin simula pagkabata. Naaalala ko na rin kung ano ang kapangyarihan ko, ang aking mga guro at ang headmaster, at pati na rin kung sino ang mga namumuno sa rehiyon na ito. Ano pa ba ang hindi ko naaalala?

Ibinalik ko ang tingin sa dagat na kalmado lamang ang pag-alon. I already know how to control all the elements... except for water. Ilang beses ko nang sinubukang kontrolin ito ngunit hindi ko pa rin talaga nararamdaman ang koneksyon ko sa tubig kumpara sa iba pang mga elemento.

Tinitigan ko ang nanginginig kong mga kamay at inikuyom ang aking kamao. One day, I will be able to control my powers just like before. Matagal lang siguro akong napahinga at hinayaang matulog ang aking ability. Balang araw, maibabalik ko rin ang koneksyon ko sa kalikasan...

Niyakap ko ang aking mga tuhod nang umihip nang malakas ang hangin. Ipinatong ko ang aking noo sa ibabaw ng aking tuhod at hinayaang magpahinga ang mga pagod na mata.

"Bakit hindi tayo magtulungan para mahanap natin ang mga sagot sa lahat ng katanungang bumabagabag sa atin?"

Napaatras ako sa gulat nang makita ang babaeng bumabagabag sa akin sa mundo ng mga manna. "A-Anong ginagawa mo dito sa Galaxias?"

"We can be a great team, Amaia! We can help each other remember everything..." aniya bago humakbang papalapit sa akin.

"Shut up!" singhal ko sa kanya bago patuloy na umatras at tumalikod. Natigilan ako nang mapansing nag-iba ang paligid ngunit narito pa rin ang babae sa aking harapan.

Bakas ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata. "Amaia, we've been best friends for years! Maniwala ka naman sa akin! Hindi ako katulad ni Ate Reina! Hindi ko kailanman binalak na pagtaksilan ang Sunne!"

Nangilid ang aking mga luha nang mapagtanto kung sino ang kausap. "Louisse..."

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang dumausdos sa aking pisngi ang mga luha. Pagmulat ko ay muli kong natagpuan ang sarili sa ilalim ng madilim na karagatan na palagi kong napapanaginipan. Katulad ng nakagawian, inangat ko ang aking kamay at pilit na inabot ang liwanag bago marahang ipinikit ang mga mata.

"Amaia, dumating na... dumating na ang araw." Naimulat ko ang aking mga mata nang umalingawngaw sa aking pandinig ang boses ni Inang.

"Inang!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo at agad lumingon sa paligid. Bumagsak ang aking balikat nang makitang nandito pa rin ako sa tabi ng dagat. Tumingala ako sa madilim na kalangitan at nakitang kaunti lamang ang mga bituin.

"Louisse..." I whispered under my breath.

Tumayo ako at mabilis na tumungo sa bahay namin ni Inang. Pagkapasok sa bahay ay dumiretso ako sa kusina at hinalughog ang mga kagamitan. Inilabas ko ang malaking cauldron na ginagamit ko noon upang gawin ang aking proyekto sa Chemistry class. Hinanap ko rin ang recipe book ni Inang pati na rin ang mga notes ko sa Chemistry tungkol sa potion-making.

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryWhere stories live. Discover now