Kapitulo IV - Sword

16.6K 801 12
                                    

"W-What are you talking about?" naguguluhang tanong ko kay Santhe. "Ang payapa naman ng buong rehiyon, ah? Imposible 'yang sinasabi mo..."

"Exactly, itong kapayapaan na ito ang ipinagtataka ko. Bakit ang payapa naman yata masyado ng Camp Sunne kahit na may malubhang sakit si Prinsipe Neraios na ilang linggo nang hindi nawawala?"

"Pero gagaling din naman siya, 'di ba? Ano naman kung kalmado lang tayong lahat sa sitwasyon na ito? Ano bang ikinakatakot mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

Napasinghap siya dahil sa sinabi ko. Bakas ang namumuong iritasyon sa kanyang mukha. "Look... Kapag kumalat ang balitang ito sa buong Galaxias, alam kong magpapantig ang tainga ng mga gustong kumalaban o umatake sa atin, lalong-lalo na ang mga gustong pumalit bilang hari. Hindi ba't ang ating prinsipe natin ang nakatakdang pumalit sa trono? Hindi iyon mangyayari kapag dumating ang araw na malaman ito ng mga mamamayan at ng mga kapatid niya dahil marami ang kakalaban sa kanya," mariin at klarong paliwanag niya sa akin.

Napakurap ako ng ilang beses habang pilit na iniintindi ang lahat ng kanyang sinabi. "Ito ba ang gusto mong sabihin sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin sa akin. "I've been planning to tell you this afternoon pero noong pinuntahan kita sa may cafeteria ay bigla kang nagalit sa akin," nakangusong sabi niya.

Ako naman ang napaiwas ngayon ng tingin sa kanya. Damn! How can he look so fucking innocent and cute after revealing something so intense and scary earlier?

"Y-You mean, kaya ka pumunta sa Cafeteria kanina ay hindi dahil nalaman mo tungkol sa pagtatalo namin ng Class B student na iyon?" Ibinalik ko ang tingin sa kanya at pinanood ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha.

Halos mapasinghap ako nang ibalik niya ang seryoso niyang tingin sa akin. "What do you mean? Sino ang kaaway mo?"

Mabilis akong umiling bilang pagtanggi. "Wala! Wala iyon! Hindi kami nagtalo! Medyo hindi lang naging maganda ang pag-uusap namin kanina!" pag-iwas ko.

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. "Mukhang galit ka kanina... and you told me about something like 'fangirls'. Does she like me?" Napaubo ako sa sinabi niya. Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa!

"Whatever..." Tumaas ang isang gilid ng kanyang labi dahil sa sinabi ko. "So bakit mo nga pala sa akin sinabi ito?" pag-iiba ko ng usapan.

Tumikhim siya at muling sumeryoso dahil sa tanong ko. "We have to do something..."

'Bayani ka, ghOurL?' sarkastikong tanong ko sa aking isip kaya napatikhim ako upang pigilan ang pagtawa dahil alam kong hindi tugma sa sitwasyon. "Ano namang magagawa natin? Mabilis kumalat ang chismis, Santhe. Ang daming chismosa sa paligid at hindi nauubusan ng kaaway ang isang pinuno lalo na kung siya ang nakatakdang maging hari ng mundo natin," seryosong sabi ko sa kanya kaya napahinga siya nang malalim.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa aming dalawa bago siya muling nagsalita. "For now, we have to do our best to protect Camp Sunne."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang taas naman yata masyado ng tingin niya sa sarili niya? Ano namang magagawa ng isang estudyanteng katulad niya para maprotektahan ang isang rehiyon? "And to do that, I have to train you." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano raw? Ite-train niya ako? Ano bang pumasok sa kokote nito at biglang naging weirdo? "Tutulungan kitang i-improve ang swordsmanship mo."

"Teka nga! Ano bang pinaplano mo?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Bakit ba parang nagmamadali ka?"

"Wala pa sa ngayon, pero hindi natin kayang protektahan ang isang rehiyon, o kahit itong Sanctum Academy lang, kung hindi tayo magiging malakas. We are the protectors of our own sanctuary. This is our home... Hindi dapat natin ito hahayaang makuha ng iba sa atin," seryosong aniya. "And you know about the distorted prophecy, Amaia."

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryWhere stories live. Discover now