Kapitulo XI - Unknown

11K 617 88
                                    

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga dahil sa isang masamang panaginip. Habol-habol ko pa rin ang aking paghinga at ramdam ko ang mga namumuong butil ng pawis sa aking noo. Pinalis ko ang mga luhang patuloy na kumakawala mula sa aking mata at tiningnan ang mga nanginginig kong kamay.

I've been having nightmares every night and it was all the same. Para akong lumulubog sa isang malalim at madilim na kawalan na tila ba walang katapusan. Wala akong ibang nakikita kun'di ang sarili ko lamang at ang malayong liwanag na pilit kong inaabot habang unti-unti itong lumalayo at naglalaho.

Napatingin ako sa orasan na nakapatong sa ibabaw ng bedside table at napabuntong-hininga nang makitang alas cuatro pa lang ng madaling araw. Sinubukan kong bumalik sa pagtulog ngunit nakailang ikot na yata ako sa aking kama ay hindi pa rin ako tinatablan ng antok. Sa huli ay napagdesisyunan ko nang bumangon upang maghanda ng aking almusal.

Sa kalagitnaan ng aking pag-uumagahan ay naabutan ko ang pagtunog ng aking alarm sa cellphone na nakasanayan ko nang panoorin palagi hanggang sa mamatay ito nang kusa. Araw-araw kong nauunahan ang pagtunog ng aking alarm at ang pagsikat ng araw. Maaga rin akong umaalis sa maliit kong apartment upang pumasok sa paaralan sa kabilang bayan. Tuwing sumasapit naman ang hapon ay nagt-trabaho ako bilang barista sa isang coffee shop malapit sa aking paaralan. Sa gabi naman ay umuuwi ako rito sa bayan upang magtrabaho bilang isang service crew sa isang kilalang fast food chain sa may train station.

Wala akong binubuhay na pamilya kaya naman lahat ng aking kinikita ay iniipon ko lamang at ginagamit upang suportahan ang sariling pag-aaral. Hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko at kung buhay pa ba sila. I can't even remember my childhood and I don't know anyone when I first came here. Ang tanging alam ko lang tungkol sa sarili ko ay ang mga detalyeng nakalagay sa birth certificate ko at bukod do'n ay wala na yata akong ibang mababanggit pa.

Namulat na lang ako isang araw na ako si Janica Guevarra at kailangan kong bumangon araw-araw upang buhayin ang sarili dahil wala namang ibang gagawa nito bukod sa sarili ko, hindi ba?

Sinubukan ko na dating alamin kung sino nga ba talaga ako o kung may nangyari ba sa aking malalang aksidente kaya wala akong maalala pero sa huli ay sinukuan ko na rin ang paghahanap sa tunay na pagkatao ko dahil kahit anong pilit ko ay wala naman akong napapala.

Nang matapos akong mag-almusal ay nagligpit na ako ng pinagkainan at naglinis ng apartment. Pagkaligo at pagkabihis ko ng uniporme ay naghanda na ako sa pag-alis. Nang masiguradong nai-kandado ko nang maayos ang apartment ko ay umalis na ako patungo sa train station upang makahabol sa unang pag-alis ng tren.

Pagkarating ko sa paaralan ay naisipan ko munang dumaan sa may field. Hindi ko rin alam kung bakit pero nakasanayan ko na talaga ang dumaan muna dito upang manood ng mga naglalaro o nag-eensayo bago ako pumasok sa aking unang klase. I'll just assume that I enjoyed doing this before I lost my memories.

Napadpad ang aking tingin sa unti-unting pagsikat ng Haring Araw kasabay ng pag-ihip ng maligamgam na simoy ng hangin. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit agad akong napamulat nang may isang alaalang lumitaw sa aking isip na tila ba ginawa ko na ito noon. Napahawak ako sa aking sentido nang maramdaman ang pagtibok nito.

Agad akong tumayo at nagmamadaling bumaba sa bleachers. Nagmamadali akong naglakad papunta sa building upang pumasok na sa aking unang klase. Sa aking pagmamadali ay hindi ko napansin ang makakasalubong kong estudyante na tila nagmamadali rin kaya sabay kaming napabagsak dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga namin sa isa't isa.

"Oh my gosh, I-I'm sorry!" natatarantang sabi niya habang nakahawak pa rin sa kanyang likod. Agad siyang lumapit sa akin at sinubukan akong alalayan sa pagtayo.

Nang magtama ang aming tingin ay nakaramdam ako ng kakaiba kaya awtomatiko akong napalayo at tinulungan ang sarili na tumayong mag-isa.

Bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang mata kaya tipid akong ngumiti sa kanya. "I'm fine... Sorry rin," mahinahong sabi ko bago pinulot ang mga nalaglag na librong hawak ko kanina.

Sinubukan niya akong tulungan sa pagpupulot ngunit tinapos ko nang kunin ang lahat agad kaya napabalik na lamang siya sa kanyang posisyon kanina. Sa huling pagkakataon ay dinapuan ko siya ng tingin at nginitian nang matipid bago nilagpasan at pumasok na sa classroom.

Pagkaupo sa isang bakanteng upuan ay napabuntong-hininga ako. Tiningnan ko ang kamay kong nakaramdam ng elektrisidad kanina nang magkabanggaan kami ng babaeng iyon. Sa maikling pagkakataon na iyon ay nakaramdam ako ng libo-libong emosyon na hindi ko maipaliwanag kung saan nanggaling at kung ano ang pinanghuhugutan.

Nagkakilala na ba kami dati? Kung oo... saan at kailan? Paano?

Naglaho rin ang lahat ng aking iniisip nang pumasok na sa silid ang aming professor. Mabilis na lumipad ang oras at ngayon ay naglalakad na ako palabas ng school upang pumunta sa cofee shop kung saan ako nagt-trabaho.

Pagkarating sa coffee shop ay nagpalit na agad ako ng uniporme at sinuot ang kulay itim kong sumbrero. Inayos ko ang name plate na nakalagay sa kaliwang bahagi ng aking dibdib at pinasadahan muna ng tingin ang sarili sa salamin bago lumabas mula sa dressing room.

"Alex, ako na riyan..." mahinahong sabi ko sa katrabaho kong nag-shift kaninang umaga hanggang tanghali.

Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat bago hinubad ang kanyang apron at sumbrero. Tinapik niya nang mahina ang balikat ko bago pumasok na sa dressing room.

"Good afternoon, Ma'am! May I take your order?" nakangiting bati ko sa kasunod na customer.

Awtomatiko siyang napangiti dahil sa bati ko. "Same order, Janica," masiglang sabi niya na tila ba masaya siyang ako ulit ang kukuha ng order niya.

Isa siya sa regular customers ng coffee shop na ito kaya naman alam ko na kung ano ang paborito niyang order-in. Halos araw-araw siyang dumadayo dito kahit galing pa siya sa kabilang bayan dahil aniya, mas masarap daw ang timpla ng kape dito kumpara sa coffee shop nila roon.

Hinanda ko na agad ang kanyang kape samantala naupo muna siya sa isang bakanteng table. Dinapuan ko siya ng tingin at nakitang tahimik siyang nakamasid sa akin. Nang magtama ang aming tingin ay ngumiti siya nang matamis sa akin. Ibinalik ko agad ang tingin sa aking ginagawa at napakunot ang noo. Bakit ba palagi niyang pinapanood ang kilos ko?

"One Iced Blonde Americano for Ms. Elise Athena..." Mabilis siyang tumayo at lumapit sa counter. Inabot ko na sa kanya ang kanyang order at tipid na ngumiti. Hindi naglaho ang matamis niyang ngiti habang tinatanggap ang kanyang kape.

"Thank you!" masiglang sabi niya sa akin bago kumaway at nagsimula nang maglakad palabas ng coffee shop. Saglit na napakunot ang noo ko sa kanyang inasta ngunit ipinagkibit-balikat ko na lamang ito at inasikaso na ang susunod kong customer.

Nang matapos ang aking shift buong hapon ay naghanda na ako upang umuwi sa aming bayan para sa night shift ko sa fast food chain. Habang naglalakad patungo roon ay hindi ko maiwasang mapahikab nang makaramdam ng matinding pagod dahil sa trabaho kanina.

"Janica! Halika dito at magbihis ka na! Ang daming customers ngayon!" salubong sa akin ng katrabaho kong si Andrea.

Tumango ako bilang tugon at nagmamadaling pumunta sa dressing room upang magpalit ng uniporme. Buong gabi ang shift ko dito bilang service crew at kadalasan akong umuuwi nang madaling araw.

Ibinuhos ko na lang ang natitirang lakas sa trabaho at itinatak na lang muli sa aking isip na pagkatapos nito ay uuwi na ako at matutulog.

Napatingin ako sa kalangitan ay nakita ang kabilugan ng buwan sa gitna ng karagatan ng mga bituin pagkalabas ko sa fast food chain. Ala una na nang madaling araw at kakatapos lang ng aking shift. Habang naglalakad patungo sa train station ay naramdaman kong may nakamasid sa akin mula sa malayo.

Sinubukan kong hanapin kung sino iyon ngunit mas lamang na ang kadiliman at tanging mga ilaw sa poste na lamang at ang buwan ang nagsisilbing liwanag sa daan. Binilisan ko na lamang ang aking paglalakad upang makarating agad sa aking apartment. Mabuti na lang at wala na akong naramdamang sumusunod sa akin hanggang sa pagkauwi ko.

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon