CHAPTER 10

1.4K 69 6
                                    

MIRABELLA

Nakauwi kami ng bahay ni Krome. Iniayos ko na ang higaan ni Krome sa sala  at ako naman ay nanatili sa kusina. Nakaupo lang ako sa harap ng dining table habang pina-process ang lahat ng pangyayari.

Gusto kong humagulgol ngunit ayaw ko na magising ang aking kapatid. Naalala ko ang mga ginawa ni Alesteir. Ang mga pagpapanggap niya upang makuha ang loob ko.

Ang akala ko ay nakita ko na ang tao na makakasama ko habang buhay, na tanggap ako sa lahat ng kakulangan ko. Akala ko ay siya na ang para sa akin.

Hindi ko akalain na sa iisang gabi lang ay matatapos na ang panaginip na iyon. Ngayon ay nag-iiwan na ng pait sa aking labi sa tuwing nasasambit ko ang kanyang pangalan.

Tumabi ako kay Krome at yumakap ito sa akin. Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi. Ano ang ginawa naming masama para gawin sa amin ng mundo ito.

Kinabukasan ay kinausap ako ng prinsipal ng school pagkahatid ko kay Krome. Nakarating sa kanila ang balita at upang hindi madamay ang reputasyon ng eskwelahan ay nagdesisyon sila na i-suspend muna si Krome ng dalawang linggo hanggang sa humupa ang sitwasyon.

Hawak ni Krome ang aking kamay habang naglalakad kami pauwi. "Ate, sabi ng mga kaklase ko, masamang tao daw ako."

"Sinabi nila iyon?"

"Kasi... hinuli daw ng pulis ang tatay ko. Ayaw na raw nila ako maging kaibigan."

"Huwag mo silang pakinggan. Hindi totoo iyon."

"Ate..." Tumingala siya sa akin. "Hindi na ako pwedeng pumasok kasi nasa kulungan si tatay?"

Ngumiti ako sa kanya. "P-Pwede pa! Hayaan mo, hahanap si ate ng school, okay? Gagawa si ate ng paraan."

Sinabi ko lang iyon ngunit ang totoo ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Third quarter na at mahihirapan ako na makahanap ng bagong school para kay Krome. Ngunit ayaw ko naman na magpatuloy siya na pumasok sa school na iyon dahil sa trato ng mga classmate niya sa kanya.

Isang tao nalang ang malalapitan ko. Nakauwi kami ni Krome at habang nagbibihis ito ay tinawagan ko si Astrah.

"Mira, hi."

"Uhm, Astrah, sorry sa biglang pagtawag. Ikaw nalang ang malalapitan ko, baka pwede na—"

"Mira, stop right there. I'm sorry. Sabi nila mommy ay huwag na muna ako makipag-usap sa inyo habang open pa ang kaso."

"Hindi, Astrah, iba sana ang hihilingin ko sa iyo."

"Sorry, Mira."

"Magpapaliwanag ako. Pupuntahan kita."

"Actually, hindi na tayo magkikita. Mom booked me a flight to DXB. Doon ko muna itutuloy ang pag-aaral ko. I'm sorry for leaving you like this, Mira."

"Si itay..."

"I'm sorry for saying this. Kung mapapatunayan man na ang tatay mo ang may gawa nito... I hope he rots in jail, Mira. And I hope he has a very miserable life in there. Good bye."

Napaupo ako dahil sa panghihina. Ngayon ko lang naramdaman na mag-isa ako, na wala akong makapitan kung hindi ay sarili ko lang. Napabuga ako ng hininga.

"Ate," napatayo ako nang marinig ang boses ni Krome. Ngumiti ako sa kanya. "Kailan natin bibisitahin si itay? Padalhan natin siya ng mga pagkain."

Bilib ako sa kapatid ko dahil kahit na anong mangyari ay iniisip pa rin niya si itay. Hindi nagbago ang tingin niya sa aming ama. Alam ko na mali ang ginawa ng aking ama, kung mapapatunayan na siya nga iyon.

Hindi ito ang oras upang maging mahina. Si Krome lang ang gagawin kong lakas.

Sa gabi na iyon, napag-isip-isip ko na tumigil muna sa pag-aaral at mag-focus sa pagtatrabaho. Natanggap ako bilang housekeeper sa isang hotel. Malaki-laki ang in-offer nila na salary kaya hindi ko na kinailangan na maghanap ng pangalawang trabaho.

Tumigil din si Krome na mag-aral this year dahil ang hirap maghanap ng bagong school. Tinutulungan nalang niya ako at tumatao siya sa maliit na sari-sari store namin. Tuwing sabado at linggo ay bumibisita ako kay itay, kasabay ko ang public attorney nito. Si Krome ay hindi pa pwede na bumisita sa kanya dahil sa edad nito.

Kita ko ang pagod sa kanyang mga mata.

"Itay, kumain na po muna kayo."

"Maayos lang ba kayo, anak? Hindi ka naman napapagod na pinagsasabay mo ang trabaho at pag-aaral?"

Umiling ako. "Tumigil na muna ako sa pag-aaral, itay."

Dumiretso ang upo nito. "Paano ang mga scholarships mo?"

"Mag-a-apply nalang po ako ulit sa susunod."

Yumuko ito at inihilamos ang mga kamay sa mukha. "Kasalanan ko ito."

"Itay... sabihin niyo na po sa akin kung ano ang nangyari. Nandito kami para tulungan ka— kami ni Attorney Velasco."

Tumango ito. "Ang sabi nila ay babayaran nila ako ng isang daang libong piso basta ipag-drive ko lang sila ng motor. Naisip ko na iyon na ang chance ko upang makaahon tayo sa hirap at mabarayan ang mga utang natin."

Huminga siya ng malalim at itinuloy ang kwento.

"Sinunod ko ang utos nila. May angkas ako noon, hindi ko nakita ang kanyang mukha dahil sa maitim na helmet. Minaneho ko ang motor hanggang sa makasalubong namin ang grey na sasakyan. Nakailang baril siya hanggang sa mahulog sa bangin ang sasakyan. Sa takot ko ay hindi ko magawang huminto. Kayo ni Krome ang aking naalala."

Mabilis ang paghinga ni itay. Niyakap ko siya ng mahigpit at nanginginig ang kanyang katawan. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Nakatinginan kami ni Attorney Velasco at tila nabasa namin ang iniisip ng isa't-isa.

Sabay kaming naglalakad ni Attorney Velasco palabas ng city jail.

"Ibig sabihin ay magiging magaan kaso ng tatay ko, hindi ba? Not homicide, accessory lang. Tama ba, attorney?"

"Kailangan nating patunayan iyon, Mirabella. Kailangan na ma-identify ang tao na angkas niya."

"Pero sabi niya ay hindi niya iyon kilala."

Nagbuntong-hininga si Attorney Velasco. "Huwag kang mangamba, Mirabella. Aaralin ko ang lahat ng ebidensya na hawak ko. Babalitaan kita kaagad kapag may nakita ako."

Tumango lang ako at pinapunod ko ang paglayo niya. Tumingin ako sa orasan sa aking bisig at konti nalang ay shift ko na sa hotel. Sumakay na ako ng jeep at nagtungo roon.

Bumaba ako at dumiretso sa locker room upang magbihis ng uniporme. Iniisip ko pa rin ang sitwasyon ng aking ama.

Habang nagva-vacuum ako ng hallway ay biglang bumukas ang pintuan ng elevator. Huminto ako at tumabi upang makaraan iyon.

Nang bumukas ang pinto ay naamoy ko ang pamilyar na pabango at pigura.

Tumingala ako at nakita si Alesteir na papalabas ng elevator. Nagtama ang aming mga mata at napasinghap ako.

"Alesteir, that oyster is so nice."

Napunta ang aking tingin sa babae na nasa kanyang bisig. Pinagtaasan niya ako ng kilay. Namumukhaan ko ito. Ito ay ang babae na nasa party ni Astrah dati.

"It's you."

Yumuko ako dahil parang ang tingin nito sa akin ay isang langaw.

"Hanggang dito ba ay sinusundan mo si Alesteir. My gosh, girl, get a grip."

Gusto kong bumuwelta ngunit hindi ko afford na mawala ang trabaho na ito.

"That's enough. Let's go to our room," malamig na sambit ni Alesteir.

"Gosh, Alesteir, hindi ko alam na pumapatol ka sa mababang-uri."

"It was fun," humigpit ang hawak ko sa vacuum. "...to fool around with her."

Then, I heard the door clicked.

ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon