CHAPTER 6

2.4K 87 11
                                    

CHAPTER 6

MIRABELLA

Isang buwan na ang lumipas at dumadalas na rin ang mga araw na palagi kaming nagkikita ni Alesteir. Minsa'y hihintayin niyang matapos ang trabaho o kaya nama'y after school.

Ngunit tinatanggihan ko ito kapag nararamdaman kong sobra na ang pagbubuhos niya ng oras sa akin. Alam kong  pagod rin ito sa trabaho at mas nakakabuti kung magpapahinga na siya agad.

Kapag nagiging mapilit naman ito ay sinusungitan ako ni Yuan dahil na ko-compromise ang safety ni Alesteir kapag sumasama siya sa akin na mag-public transport. Hay. Kaya traffic sa karsada dahil sa kaartehan ng mga tao eh.

Binagsak ni Astrah ang gamit niya sa ibabaw ng table. Medyo patabog iyon kaya napatingin ako sa kanya. "Balita ko'y susunduin ka na naman ni Alesteir ngayon."

Umupo ito sa bakanteng upuan sa akin harapan at kinuha ang compact mirror sa bag para mag-retouch ng sarili.

"Huh? Uh, tumanggi ako kasi sabi niya'y malaking kaso ang hawak niya ngayon. Dapat magpahinga nalang siya kaysa hintayin ako."

"My cousin is a good man. Pero hindi ko siya recommended ha."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"

Nanlaki ang kanyang mata at binaba ang compact mirror. "'Yung mga tao na may ganoong itsura, hindi pinagkakatiwalaan 'yan. Para saan pa 'yung mukha sila kung isa lang ang makikinabang?"

"Masyado kang bitter, Astrah."

"Totoo naman. Tapos eto pa, best." Umayos ito ng upo at halatang-halata ang pagka-irita nito. "Sa lahat ng security personnel na kukuhanin niya, hindi ko alam kung bakit si Yuan pa ang napili?! 'Diba? Parang sinasadya ng hayop?"

"Woah. You've lost me." Singit ko. "Ano'ng meron sa pagitan niyo ni Yuan?"

"He is my... uh... enemy?"

Hindi ko tinanggap ang dahilan nito. Tinitigan ko siya ngunit umiwas ito ng tingin.

"Astrah, may secrets ka na 'di ko alam? Dapat na ba tayong magsolian ng kandila?"

"Look, Yuan is Alesteir's friend."

"And?"

"And he's my ex. We met when I was fourteen years old and he's nineteen."

"What's the back story?" Tinigil ko ang aking ginagawa at kinuha ang softdrinks para humigop sa straw niyon.

"Well, I couldn't give him what he wanted. He met another woman and we broke up. The end."

"What he wanted?" I asked.

"Alam mo na 'yun." Umiling ako kaya umikot ang mata nito. "Sex, dummy! He wants us to have sex. That good for nothing bastard almost ruin my future! What if I got pregnant? I'm too young! Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko."

Tumango ako. "I agree. Dapat lang siyang i-ditch. You don't deserve him."

"Okay, changing the topic. I know Alesteir has feelings for you. But, as a friend, I want you to take care of yourself. Don't go crazy on him. Don't love him too much to the point that you'll lose yourself." Paalala nito.

"I won't."

Inabot nito ang aking kamay at pinisil. "You deserve to be happy."

Ngumiti na lamang ako at 'di na nagsalita pa. Alam kong nag-aalala para sa akin si Astrah pero itago ko man o hindi ay may ideya na ito sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero palagi ko ng inaabangan ang messages ni Alesteir at ang paghintay nito sa akin sa araw-araw. He's so sweet.

Ang hirap pigilan pero pinipilit ko dahil hindi pa ito ang tamang panahon para sa mga ganitong bagay. Dapat ilaan ko ang focus sa aking nag-aaral na kapatid.

ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon