CHAPTER 15

8.4K 195 12
                                    

MIRABELLA

Natulog lang ako ng dalawang oras at paggising ko ay nasa kusina na si Krome at naghuhugas ng mga plato.

"Ako na diyan. Magluluto na ako."

Yumuko ito at umalis sa harap ng lababo. Nakalabas na ang hotdog ay itlog na dapat lutuin. Hugas na rin ang kaldero na pang sinaing.

Inilabas ko ang kawali at pinainitan ito.

"Ate, s-sorry," hindi ako sumagot. Nanatili lang akong tahimik. "Gusto ko lang naman po na makatulong kasi napapagod ka na."

Nagbuntong-hininga ako at lumingon kay Krome. "Hindi mo na uulitin iyon?"

Umiling ito ng todo. "Hindi na po."

"Good. Sa susunod na gawin mo ito, hahayaan ko na kunin ka ng mga tao na iyon."

Muntik na ako matumba dahil sa biglang pagyakap nito. Bumaba ang tingin ko sa kanya at nakatingala siya sa akin.

"Ate, huwag mo kong ipapakuha sa kanila. Ayaw ko roon. Huwag mo kong iiwan," hikbi nito.

Binitiwan ko ang mga hawak na kawali at lumuhod upang yakapin ito.

"Hindi ka bibitiwan ni ate. Wala kang dapat ipag-alala. Mahal na mahal ka ni ate."

"Ako rin. Kahit na inaaway mo ko lagi at pinapagalitan."

"Oo naman."

Halos umiikot lang ang buhay ko sa trabaho, bahay, at korte. Mahirap sa simula ngunit nasanay nalang ako. At kahit ilang beses pa kami nagkikita ni Alesteir ay hindi ko pa rin ito kayang tingnan ito sa mata.

Alam ko na konektado ang tatay ko sa nangyari sa magulang niya. Hindi ko maaalis sa kanya ang magalit sa amin.

Ngunit sana ay maisip niya na hindi ang tatay ko ang pumatay sa mga magulang niya. Iyon naman ang inilaban namin sa simula palang.

Nararamdaman ko na malalagpasan namin ang problema na ito.

Pagkatapos namin kumain ay pinapasok ko na si Krome sa silid. Habang nagliligpit ay narinig ko na tumunog ang aking telepono.

Nakita ko ang pangalan ni Attorney kaya sinagot ko iyon.

"Hello po, attorney."

"Mira, pasensya na sa pagtawag ko ng ganitong oras. May nais lang ako na ibalita sa iyo."

"A-Ano po iyon?"

"Nakatanggap ako ng balita na guilty ang magiging verdict."

Nanigas ang aking katawan. "P-Po?"

"Nakarinig din ako ng balita na masyadong malakas ang pamilya nila Alesteir sa courtroom na iyon kaya kahit ano pa ang ihain natin na ebidensya para patunayan na inosente ang itay mo ay walang bisa iyon."

"Attorney..."

"Pero huwag kang mag-alala, gagawan natin ng paraan, okay? Hindi tayo susuko."

"Salamat po ng marami sa tulong niyo."

He ended the call. Matagal akong nakatitig sa telepono kahit na natapos na ang tawag. Ang pag-asa na natitira sa puso ko ay parang natapon nalang.

'Talk to him,' sigaw ng aking utak. 'Makiusap ka, magmakaawa ka. Sabihin mo na gagawin mo ang lahat.'

Humigpit ang hawak ko sa telepono at mariin kong pinagdikit ang aking ngipin. Pumasok ako sa kwarto upang kumuha ng damit panlabas.

"Saan ka po pupunta, ate?"

"Diyan lang. Sandali lang ako, ha? Weekend naman bukas kaya kung hindi makakabalik si Ate agad, umutang ka muna ng pandesal sa tindahan. Sabihin mo, babayaran ko pagbalik."

ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon