CHAPTER 7

1.6K 66 2
                                    

CHAPTER 7

MIRABELLA

Mabilis lumipas ang mga araw. Natapos ang finals and preboard namin ni Astrah. Ngunit, hindi nito matanggap na hindi kami sabay na makakaakyat at tatanggap ng diploma. She was crying helplessly.

Halos buong maghapon ko itong inaaamo. Hindi kasi ako ipinasa ng isa kong professor sa minor subject namin, sa kadahilanang kulang raw ang attendance ko sa kanya.

Astrah was devastated when she heard the news. "I can use our family's connection, Mira. Just say 'yes' and bukas na bukas rin ay masasama ka na sa list of graduates."

Nginitian ko ito. "Huwag na, Astrah. Kaya ko pa naman. Iilang units lang naman."

"Just accept my help, please. Alam kong kailangang-kailangan mo na."

Umiling ako. "I'm just one step behind you. Huwag ka ng mag-alala."

Tumango ito. "Okay. Alright. Just so you know, I'm not reacting this way because I pity you. I just thought that you don't deserve this."

"I'm well aware of that. You know, I think I'm so blessed to have you as my best friend."

"Damn right, you bitch. Come on, let me treat you to a good restaurant that I just found."

Hinila na niya ako papunta sa parking at sumakay sa kanyang sasakyan. Ginalaw nito ang phone at parang gigil na gigil sa pagtipa.

"Sino ba iyang katext mo? Galit na galit ka, sis." Usisa ko.

"Si Yuan. How the hell did he got my number?"

"Duh. He is Alesteir's best friend."

Napatigil ito at dahan-dahan na lumingon sa akin. Sumingkit ang kanyang mga mata. "Speaking of Alesteir. Nakita ko ang story niya kahapon. He was with you and he's holding your hand. Are you two dating?"

Nagbunting-hininga ako. "Uhm, Astrah, 'wag kang magugulat pero..."

"You fell for him, huh?" Sumandal ito ng maayos.

"Tanggap niya ako, Astrah. He... looked at me like I make him complete."

"All men do that. They lie. They are good actors."

"Hindi komo't miserable ang lovelife mo ay ige-general mo ang lahat ng lalaki. Yuan is different from Alesteir. He would never force himself on me."

Hindi nakaimik sj Astrah. Nang makita ako sakit sa mga mata nito ay saka lang ako nagsisi sa aking mga sinabi.

"Astrah... I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin iyon."

Humalukipkip ito at tumingin sa labas ng kotse. "It's okay. You were right. I don't want you to be with Alesteir and be miserable as I am."

"Astrah, I'm so sorry. Best, patawarin mo na ko." Lambing ko ngunit hindi ito umimik.

Biglang umilaw ang phone na nasa ibabaw kanyang hita at nabasa ko ang message ni Yuan para sa kanya. Ngumitu ako ng mapang-asar.

"Kunwari ka pang nagagalit dahil binigyan ko ng chance si Alesteir, pero base sa reply ni Yuan, mukhang um-agree kang makipag-ayos sa kanya."

Napasinghap ito at agad na kinuha ang phone para ilagay sa bag. Mapula ang kanyang mga pisngi. "It.. It's.. complicated. He... He invited me for dinner and he was being romantic."

"Ah, magbest friend nga tayo. Parehas tayong marupok."

Napuno ng tuksuhan at tawanan ang buing kotse. Hindi namin namalayan na nasa harap na pala kami ng restaurant na tinutukoy ni Astrah. Pumasok kami roon at si Astrah narin ang namili ng pagkain ko dahil 'di ako pamilyar sa menu.

ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon