CHAPTER 19

3.9K 164 17
                                    

MIRABELLA

5 years later...

"Donat! Ligpitin mo nga ang mga laruan mo," mataas ang aking boses ni Krome dahil muntik na siyang madulas nang matapakan ang laruan nito, Kauuwi lang nito galing school.

"Kuya Krome! Naglalaro pa ako!" Tumalon-talon si Donat dahil ginugulo ni Krome ang paglalaro niya.

"Hindi na kita tuturuan na mag-bike. Napakakalat mo. Hindi mo naman nilalaro yung rubber horse at mini cars mo! Ang sakit mo sa mata!"

Tumakbo palapit si Donat sa akin at yumakap sa aking bewang. Pinilit niyang makaakyat at makaupo sa aking hita.

"Mama! Inaaway na naman ako ni Kuya Krome!" Nagsusumbong ang mga mata nito.

"Donovon Nathan, sundin mo ang utos ng Kuya Krome mo. Susundin mo ang mas nakakatanda sa iyo."

"Hmp!"

Bumaba ito at nakasimangot habang nilalagay ang mini cars sa plastic storage. Pagkatapos ay hinawakan nito sa tenga ang plastic horse at binato iyon kay Krome.

"Donovon Nathan!" Sita ko sa kanya dahil mali ang ginawa nito.

"Hmp! Kaya mabaho ang paa mo, Kuya, kasi sumbungero ka!"

"Ate, name-mersonal itong bansot na ito!"

"Hay nako, sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa." Bumalik ako sa harapan ng pc at isinuot ang headphones.

Limang taon na ang nakakaraan at marami na ang nagbago. Noong pinagbubuntis ko si Donat, alam kong maraming tanong si Krome ngunit pinili nalang niya manahimik.

Tinanggap lang din niya na lilipat na naman siya ng skwelahan. Minor pa rin si Krome kaya hindi pa rin siya permitted na makabisita kay Itay. Magkagayunman, sinusulatan nila ang isa't-isa at ako ang naging mensahera ng mga ito.

I know that I made the situation more difficult for Krome. Lalo na noong manganganak ako at siya lang ang maasahan ko sa mga bagay-bagay. Tinulungan namin ang isa't-isa.

But somehow, I felt like I'm the one who pushed him to grow up. Kakaiba na ito mag-isip and I see that he's level-headed now.

But I am happy to know that he loves Donat so much.

"Mama, ano ang ulam? Tocino po ba? Gusto ko po ng tocino."

"Bawal," sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa monitor.

Tumayo siya sa gilid ng table ko. "Bakit?"

"Kasi nag-tocino ka na kahapon."

"Mama, ang damot."

Tumingkayad ito at kinuha ang mga lapis at krayola na nasa aking mesa. Sigurado na magdo-drawing ito ng kung ano-ano para mag-sorry kay Krome.

Puno na ang pader ng kwarto ni Krome sa dami ng sketch ni Donat.

"Doon ka nga sa Kuya Krome mo, nakakaabala ka."

"Mama, huwag ka masyadong nagagalit. Maaga kang papangit."

"Donat, please, gusto ni Mama ng katahimikan, okay?"

Umalis na ito sa tabi ko at rinig ko ang papalayong yabag ng mga paa nito.

"Kuya Krome, sabi ni Mama, hindi daw tocino ang ulam."

"Bakit?"

"Malangis ka na raw kasi."

Bigla akong natawa at hindi ko na napigilan.

"Ate!"

"Ikaw ang nagtuturo diyan, Krome. Huwag ako ang sisihin mo."

ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon