K A B A N A T A (LABING ISA)

192 22 1
                                    

Dalawang linggo narin ang nakalilipas simula nung na-confirmed ko na ang nararamdaman ko kay Dodong. Para sa akin, hindi narin naman importante na malaman kung may nararamdaman din ba sya sa akin o wala, wala pa rin naman magbabago eh.

Ang totoo, natatakot ako na baka isang araw magbago ang lahat. Natatakot akong maiwanan sa nararamdaman ko sa kanya, gayong ngayon lang ako nagkagusto sa buong buhay ko. Meron nga ba at may magbabago ba?

Natatakot ako kasi parang mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko. Yung to the point na, hindi ko na kilala ang sarili ko kapag kaharap ko na sya.
Ganoon ba talaga kapag natamaan ka na at nahulog ka na? Bakit parang magiging ibang tao ka kapag nagmahal ka?

Mag-isa akong binabaybay ang room ko at nagulat ng may makita akong pamilyar na babae na papalapit sa akin ngayon.
Rebond ang buhok. May suot na above the knee na dress na kulay pink.
"Teka? Kisses?
Naka-make-up din sya?

"Hi.
Untag nya, habang ako ay tininganan sya mula ulo hanggat paa. Ibang-iba na sya ngayong kaharap ko. Noong isang araw, suot panlalaki pa sya, pero ngayon? Babaeng-babae na!
"Defense nyo na ba?

"Oo? Pero, teka? Ang ganda mo!
Napangiti sya sa sinabi ko, umikot sya na parang ang saya-saya nya sa sinabi ko. Yung alam mo na ang ganda nya noon na suot panlalaki pa? Isipin nyo nalang kung gaano sya kaganda ngayon. Promise!

"And thank to you! You know, after that day? I found myself picking a dress light, wearing a make up and do some pretty good to go in salon!
Hinawakan nya ang mga kamay ko at parang yung mga mata nya nagsasabing hindi sya nagkamali na sundin ang sinabi ko.
"I can't realize it without you. I found myself, now.

"Masaya ako sayo kisses, sa sobrang ganda mo ngayon para kang anghel sa harap ko.
Tumawa sya sa sinabi ko.
"Dapat mong ipakita sa kanya, kung gaano ka kaganda.

Napataas sya ng kilay at napaiwas ito ng tingin sa akin.
"Hindi, he is not even deserved my effort. Even though he is my bestfriend, I never been a girl in his eyes. I am just his clown, that is why. I won't let myself fool to get his attention. Never again.
Ngumiti ulit ito sa akin at itinuro ang sasakyan nya sa labas.
"Good bye, I will go na.

"Ah? Sige, ingat ka!
Nakatingin lang ako sa kanya palabas ng building.
Buti pa sya, she found herself. Ako kaya? Kaylan ko mahahanap ang sarili ko?
Yung tepong, mabubuhay ka na ng sigurado?
Si Dodong, hindi ko alam kung anong totoo sa kanya.

"Hoy! Final defense na natin! Good luck!
Sigaw ni Josie mula sa likod ko. Kasama nya ang isa sa mga tropa ni Dodong. Ha? Bakit sila magkasama?
"Ahy. Si mike, he want to support me.

"Hello.
Napatingin ako sa likod nya, bakit sya lang mag-isa?
Tiningnan ko ang phone ko kasi mula pa kahapon, wala akong natatanggap na text mula kay Dodong.
"Ah? Wala sya, hindi nya ba nasabi sayo?

"Ha? Anong ibig mong sabihin?
Nagulohan ako sa sinabi nya, kasi parang may mas alam pa sya kaysa sa akin tungkol kay Dodong?

"Pumunta sya ng England. Na-hospital ang lola nya.
Nagulat ako sa narinig ko. Wala akong natanggap ng tawag o text galing sa kanya!
"teka, dapat sinabi nya sayo kasi asawa ka nya.

"Wala syang sinabi.
Napayuko ako sa nalaman ko at bumagsak mula sa sahig ang dala kong folder.

"Ay! Friend! Hala, baka mamaya maapektohan ang defense natin nyan!
Kinuha nito ang folder ko at nilagay sa kamay ko.
"I know I am not in the right to react bad, pero, pwede mamaya nalang natin yan pag-usapan? Kasi, future natin ang nakasalalay ngayon eh. Last defense na natin ngayon.

TadhanaOnde histórias criam vida. Descubra agora