K A B A N A T A K W A T R O

298 28 6
                                    

Nasa gitna na ako ng pila sa canteen, kwento lang ng kwento si Josie , yan yung pangalan nung babaeng nakilala ko sa pool.
Madaldal sya kaya natutuwa ako sa kanya dahil hindi kami nauubusan ng kwento, sa gandang anyo nya, iisipin mong mahinhin sya pero hindi, maganda sya inside and out.

Kasama pala namin ang pinsan ni Josie na dito din nag-aaral, matangkad sya at magandang likhang lalake, Christian ang name nya.
Biglang nahulog yung bag ko kasi sa likot ng pila.
Ngumiti ako ng kinuha ni Christian yung bag at ngumiti din ito sa akin.
Halos atakihin ako ng puso sa gulat ng biglang nakitang nasa harap ko si Dodong, nakapamulsa ito habang nakapalupot na naman yung Monica sa braso nya.
Nakatingin sa amin si Dodong, pero hindi ito alam ng mga kasama nya dahil di naman nila ako kilala.
Anim silang out of line pero nakakuha sila ng pagkain agad, kaya kinuha nalang nila ang pagkain nila kahit hindi sila nakapila.
Nakatingin lang ako ni Dodong, dahil parang may sinasabi sya sa mga mata na hindi ko maintindihan kung ano.
Pero kalaunan din ay umalis na sila at naghanap na ng table nila.

"Ang gwapo talaga ng asawa mo friend.
Nagulat ata yung pinsan nya dahil narinig nya ito kaya agad kong sinaway ito.
"Asawa KO, yeah, KO, inangkin ko na lahat silang grupo, akin silang lahat pinsan hehehe.
Tinaasan lang sya ng kilay sa sinabi sa kanya ng pinsan nya at bumalik na ulit ang tingin ni Christian sa unahan dahil turn na nya sa pagkuha ng pagkain.
Nag "ssshhh" lang ako kay Josie, ang daldal nya!

Nakuha na naming tatlo ang mga pagkain namin at naghanap na ng table na pwedeng kainan, pero saan ba ang may bakanti?
"Girl, doon tayo!
Napaatras ako dun sa table, katabi ng table nila Dodong, ano bayan!
Nakita ko na naman ang straight na tingin sa akin ni Dodong na nakasunod sa akin, hindi ko na sya pinansin, ano problema nya kasi.

"Akin na yan! nahihirapan kana eh.
Inilapag ni Christian ang pagkain ko, hindi na ako nakaimik pa, kinuha na nya trey ko eh, at mangyari pang katabi ko sya.

"Girl, ang talim ng titig nya sa'yo, nakakatakot.
Bulong sa akin ni Josie, ako naman shrug lang, di ko kasi alam problema nya.
At kumain na ako kasi paborito ko ang meal ngayon.

"Pinsan, kumain ka na, hindi ka bubusog pag tinititigan mo lang sila.
Saway sa kanya ni Christian at natawa ako bigla sa sinabi nya. Tama nga naman.

"Ang oa mo insan!
Hinampas sya nito, at nagtawanan na kaming tatlo, ang sweet nila, naalala ko tuloy ang kapatid ko.

Pare-pareho kaming nagulat ng may tunog hampas kaming narinig at sa dako nila Dodong, nakita naming hinahabol na sya nung Monica palabas ng canteen.
Nakatingin lang ako ng masama kay Dodong, umaandar na naman ba kalokohan ng batang yun? Hayst.
Yung puso kong nagulat. Ayaw ko talagang magulat.
Ang lakas nun eh.

"Yung anim na yun, isa sa mga pinaka-mayayaman dito sa school.
Napatingin kami pareho ni Josie sa sinabi ni Christian.
"Ang sasama ng mga ugali nun, yung tropa ko inis na inis sa kanila.

"Bakit naman?
Natanong ko bigla sa kanya, teka ba't ba curious ako? Ano bayan.
Tinukso pa ako ni Josie, buti nalang di napansin ng pinsan nya.

"May special treatment ang school sa mga gaya nila na may fund dito, medyo abusive na sila, kaya minsan yung tropa at iba pang student nahahambugan na sa kanila.
Kung yaman lang din pag-uusapan, kaya ko naman pantayan ang yaman nila, mga mayayabang!
Tiningnan ko ang mga grupo nila Dodong, nagtatawanan sila at masayang nag-k-kwentohan.
So, sikat nga sila dito sa school, pero ang pangit ng feedback nila, totoo kaya ang sinabi ni Christian tungkol sa kanila? Kunsabagay, si Dodong may pagkahambog din eh, lalo na kung kgwapohan nya ang pinag-uusapan.
(-.-)

Alas kwatro na ng mapansin ko ang isa-isang nagsidatingan na ang mga ka-dorm ko, nagpakilala sila isa-isa at ganun din ako sa kanila, yung iba patapos na din sa Kani-kanilang kurso at yung iba naman ay mga first year pa.

Nung gabi na ay sabay-sabay na kaming nagsilabasan sa dorm namin.
Sumabay na ako sa kanila para kumain sa canteen para sa early dinner at para na din mas lalo silang makilala.
Natigil ako ng makita sa phone na tumatawag si Dodong.
Nag-isip muna ako bago ko ito sinagot.

"Tumingin ka sa kanan mo".
Iyan ang sinabi nya bago nya binaba ang phone, lumingon din ako agad at ayun nga sya papunta na sa direksyon ko.
Tiningnan ko ang mga ka dorm ko na papunta na sa loob ng canteen, malayo na ako sa kanila kaya sinalubong ko nalang si Dodong.
"Kumain na tayo dali.
Nagulat ako ng hinila nya ako palabas ng school at nakita ko ang nakaparada na sasakyan sa labas ng school.

"Sasabay sana ako sa mga ka-dorm ko eh.
Napatingin sya sa akin at di ko alam kung bakit parang galit sya sa hitsura nya.
"Anong mukha yan? Umayos ka nga.

"Hindi na nga tayo sabay sa agahan at tanghaling kumain pati ba naman dinner?
Napakamot ako sa sinabi nya, oo naman din, ngayon lang kami nagkasama ngayong araw.
Huminga ako ng malalim at ikinabit nalang ang seatbelt ko.

"Ang sungit mo ngayon, syasya mag drive ka na, parang biyernes santo ang mukha mo.
Inikotan ko nalang sya ng mata at pinaandar na nya ang kotse.
Huminto kami sa isang Chinese food restaurant, teka bakit dito?
Naaalala ko palang na puro hilaw na gulay ang kakainin ko, para nakong mahihilo.
Nagulat ako ng muli na naman nya akong hinatak sa loob at di na ako nakapalag.

"Ang shakiyt ah!
Sabay himas ko sa aking kamay, bad mood sya alam mo yun?
"Nakainom ka ba ng sampung vitamins mo? Ang lakas mong makahatak ah.
Hindi nya ako pinansin, umupo lang sya at nag order.

"Wag kang lumalapit sa kung sino-sinong mga lalake, baka nakakalimutan mo na kasal ka sa akin, umayos ka kahit sa labas.
Tinigil ko ang pagbabasa ng meal order dahil sa sinabi nya.
"Nakita ko, may lagi kang kasama na lalake.

"Si Christian?
Napakamot ako ng ulo.
"Pinsan yun ni Josie, kaybigan ko, ano bang problema nun?

"Meron! kaya pwede ba, sundin mo nalang ang sinabi ko!
Isa-isa ng nagsidatingan ang mga order sa table, pero nasa sa akin lang ang mga mata ni Dodong habang sinasabi yan sa akin.

"Kaybigan ko sila okay, kaya wag mo kong bawalan pagdating jan dahil may kanya-kanya tayong kaybigan, hindi lang ikaw ang meron.
Inalis nya sa mukha ko yung menu, para magkaharap kami.

"Simula bukas, sasama ka na sa akin.
Nagulat ako sa sinabi nya.

"At kung gagawin ko yan, anong mangyayari sa iyo? Sa akin? Alam mo bang marami kang fans mo?
Umaandar na naman yang ganyan nya, isa nalang talaga, iisipin ko ng nagseselos sya.
"Wag ka na mag selos.
Tingnan natin.

"What? Me? Are you joking?
Tumawa sya sabay ayos ng zipper ng jacket nya.
"I am just reminding you, that you are married person and being with other man, it is adultery.

"Ouch, masyadong mabigat ang pagbibintang yan dong, bakit? May Monica na bestfriend mo, hindi ba yun adultery? Kung makadikit sayo, parang sya yung asawa?!!
Uh-oh? Anong sinabi ko?

"Okay, I will tell her right away to stay away, just make sure that we are doing the same.
Napatingin ako sa mga pagkain sa table, napangiti ako at natatakam sa mga pagkain na nakikita ko.
Feeling ko tuloy, birthday ko.

"Okay, deal! Kain na!
Sabay kuha ko ng----dalawang stick?!
Di ako marunong nito, oh no wala na na.
(π•π)

Tumingin ako kay Dodong, dahil para syang hindi makapaniwala sa akin.

"Basta pagkain talaga tsk.
Hinila nya ang aking kamay at inilagay ang dalawang stick sa aking mga daliri.
"You have to move your two fingers here, para makakain kana.
Ngumiti ako dahil parang nagagalaw ko nga sya ng maayos.

"Ang galing! Nagagalaw ko nga sya!!!!
Teka dong----Pwede kutsara nalang?
Ngumiti sya sa akin ng peke at tumawag na sya ng waiter para sa kutsara ko, at sa huli, busog akong kumakain kasama si Dodong.

Written By: JUNCEMANHID

TadhanaWhere stories live. Discover now