K A B A N A T A T R E S

318 30 6
                                    

Kasabay ng mainit na panahon, habang basa yung paa ko na nakalubog sa isang pool, pinalilibutan kami ng mga naka-swim suit na mga kababaihan na abalang-abala sa pag-s-swimming.
Sa isang dako, nakita ko si Dodong na may suot na sunglass na naka higa habang sinusulit ang init ng panahon.
Tumayo ako mula sa pool at lumapit sa kanya.
"Hindi ka ba maliligo?
Hindi sya sumagot sa akin, naglalaro na naman sya kasi sa phone nya.
Kahiligan na nya talaga ang maglaro.
"Andami palang naliligo dito noh, ang sasagwa ng mga suot.
Sabay takip ko sa aking mga mata.

"Masyado ka lang conservative.
At ngayon nagsalita na sya sa sinabi ko, mga lalake talaga, active pag yan na ang pag-uusapan.

"Ang saya mo siguro noh, dito ka nalang habang buhay.
Hindi ko na sya tiningnan, ang isa kasi sa mga kinaiinisan ko sa mga lalake ay yung nature na active sa mga ganitong bagay.

"Wag ka namang kj jan, hindi ko naman sila pinagnanasaan.
Walang prino din ito magsalita eh, isa na lang talaga.
"At wala akong pakialam kung maghubad pa sila jan.

"Hinay-hinay ka nga jan, baka may makarinig sa'yo, iisipin nila na kaisa mo kong pinag-uusapan yan, idadamay mo pa ko.
Kumuha ako ng towel, naka short lang kasi ako at manipis pa.

"Your so very sensitive.
Okay na maging sensitibo noh, kaysa maging agresibo.
Iba din talaga sya eh, masyadong straight to the point, parang mga mata lang din nya straight lang, walang ka emo-emosyon.

"Babalik na ako sa room.
Bumangon sya agad ng marinig nya yun.
"Oh bakit?

"Maliligo na ako, dali na.
Hinubad nya ang nakabalot na tuwalya sakin. At napanganga lang ako sa ginawa nya.

"Ano ka ba naman!
Hinampas ko sya sa mga braso nya dahil hinihila nya ako papuntang pool.
"Hindi ako marunong lumangoy, hoy!!!

Isang malakas na pagbagsak namin dalawa sa pool, at sa pagbagsak ko, maraming tubig akong nainom at dali-dali akong umahon sa rason na wala na akong maapakan sa baba!
Sa sobrang lalim nya ay di ko na maitaas ang aking mga kamay at babagsak na ako sa baba!
"Walang hiya ka!!!
Kinuha nya ako at nilagay sa mga braso nya..
Tawang-tawa pa sya sa ginawa nya.

"Ano kaba, andito ang asawa mo, hindi ka malulunod.
Eh kung ilunod ko kaya sya, pinagloloko na naman ba nya ako? Bishit sya!
"Kapit ka lang sakin, hindi ka babagsak, lulutang ka lang naman eh, kain kalang kasi ng kain.

"Labas ang weight ko dito okay, at hindi ako mataba, saktong hindi lang din ako payat.
Tinaasan ko lang sya ng mga mata, sagad asar ko sa kanya eh, sya yung ilulubog ko talaga, promise.

"Andaming mga sexy dito, bakit kaya sa lahat ng pwedeng pakasalan, ikaw pa talaga ang aksidenteng nagustuhan ni lola para sakin.
Napatingin ako sa sinabi nya, at bakit nga kaya? Ibalik nalang kaya natin ang panahon at para nung mga bata pa kami, nasuntok ko na sya nung hiningi nya ang mga kamay ko sa mga magulang ko?
Nagsisi pa sa iba, kasalanan kamo niya kasi parang candy lang akong hiningi noon eh, ayan tuloy, May legal-legal ng dukomento. Batang to.

"Eh kung ganyan, tigilan na natin to at maghiwalay na tayo!
Nagulat ako ng binitawan nya ako at dali-dali kong kinapa-kapa ang sarili ko. Bishit sya eh.
Di ako marunong lumangoy!
"HOY!! TULONG!
At kinuha nya ulit ako at nakakapit na ulit ako sa kanya.
"Ano ka ba! Papatayin mo ba ako?!!!

"Sabi mo, maghiwalay na tayo eh, ayan naghiwalay tayo.
Hinampas ko sya sa braso nya sabay pahid sa buong mukha ko. Hindi na ako makahinga kanina.

"Iba yun!
Tumatawa lang sya hanggang sa dinala nya ako sa pool na pang balakang lang yung baba.

"Ayan, jan ka nalang, pang children area, para sayong height talaga to, ginawa to para sa'yo.
Sinamaan ko lang sya ng tingin, kasalanan ko bang hindi kami magka-height? Salamat sa sinabi nya ha, sya na matangkad.
"Maliligo lang ako, jan ka lang.
Hindi ko na sya pinansin, maliligo din naman ako dito eh.

TadhanaWhere stories live. Discover now