K A B A N A T A W A L O

326 27 3
                                    

Naka-ikis ang aking mga kamay habang sa bintana ng sasakyan nililibang ang sarili habang binabaybay ang daan pabalik ng school.
Kasama ang mga tropa ni Dodong, maingay ang sasakyan na sinasakyan namin ngayon.
Hindi ko feel makipag-sabayan sa kanila since ahead naman talaga ako ng edad nila, kaya siguro gusto ko tumahimik na lang at hindi makipagsabayan sa kanila.
Tiningnan ko si Dodong na abalang-abala sa mga katropa na naglolokohan sa isa't-isa.
Di ko sya maintindihan, minsan ang matured nya, minsan naman immature?
Sarap nyang balibagin e.

Saglit na napukaw ang atensyon nya at sa akin napatingin na agad ko namang inikotan sya ng mga mata.
Ganyan na ba ako kasungit sa kanya? Ewan ko.
"Wag ka sakin tumingin.
Ang sabi ko sa kanya, sumimangot naman ito.

"Grabe ka naman mag selos, katropa ko lang to, sayo naman ang atensyon ko e.
Ang landi talaga ng batang to.
Nagulat ang lahat sa banat nya kaya mas lalong tumindi yung ingay.
Bumanat na naman sya, kaya sarap nyang banatan minsan e.

"Dude, wala kabang pang-yakapsule, kisspirin? Parang kaylangan ng gamot mo ang asawa mo dude!
Ayan na, mas tumitindi na ang ingay sa sasakyan, kaya pati si driver nakikitawa narin.

"You want my----??
Natigil ang lahat ng may tumunog sa phone ko.
At nakita ko ang naka-un registered number na caller.
Sino kaya to?
"Who's that?

"Di ko alam.
Hindi ko na sya pinansin at biglang tumahimik ang lahat at pati sila ay nakikirinig na rin doon sa tawag.
Ngek, at bakit?
"Hello----sino to?

"Sino nga yan?!
Hay naku, tong batang to!
Inikotan ko ulit sya sa mga mata.
Pati sa tawag dapat ipaalam. Hay.

"Si---sinong alex?
Mas tumindi ang pagiging pakialamero ni Dodong at aagawin na sana ang cellphone ko.
"Alex? Ikaw yan?---kaylan ka pa andito?!---

"Who's alex? Hoy! I'm her husband!!!
Nagulat ako sa pagsapaw nya doon sasabihin ko.
Kaya hinampas ko yung kamay nyang aagawin na sana ang cellphone.

"Wag ka nga jan, pinsan ko to, at babae to.
Biglang ingay ang narinig ko sa tropa ni Dodong, at tawanang asar kay Dodong, tumahimik naman ito at bahagyang sinuntok ang isa sa mga katropa nito.

"Seloso mo dude, para kang bakla!!!
At tawanan na naman nila,  bahagya kong tinakpan ang cellphone dahil baka marinig ng kausap ko sa phone ang ingay nila.

Si alex ang pinsan ko na nag aaral din dito sa maynila, at nasa UST ito, kaya medyo distance din kami ng pinsan ko.
Ang sabi nya ay bibisita daw ito sa akin sa linggo, kaya pinatay ko na agad ang cellphone ko bago pa marinig sa kabilang linya ang asaran ng katropa ni Dodong.
Ang iingay nila!
"Akin na ang cellphone mo.
Nagulat ako ng hinablot nya bigla ang cellphone ko.

"Ano bang gagawin mo jan?
Tanong ko, habang tinitingnan sya.
Para syang bata na dapat tanongin pa kung ano bang problema nya?

"Masyado kang gold sa mata ko, kaya dapat kitang bantayan.
Nilagyan ko ng tracker device ang phone mo, just to monitor you.
Huminga ako ng malalim, phone ba gusto nya? Bigay ko na to sa kanya e.

"Hindi naman ako tatakas sa responsibilidad ko sayo, masyado ka namang mahigpit sa akin.
Sabi ko habang kinuha sa kamay nya yung phone.
May halong inis ko syang tiningnan.

"Hindi naman ako mahigpit, seloso lang.
Napantig ang teynga ko ng lumapit ito sa akin at ibinulong sa teynga ko ang mga katagang iyon.
Sya naman ang umikot ang mga mata at itinuon ang atensyon sa mga katropa nya.
Ako, nanatiling gulat sa narinig at yung mga katagang iyon ay umulit-ulit na sa teynga ko.

Buong byahe akong tahimik at ingay padin sa mga katropa nya ang nagbibigay buhay sa sasakyan.
Hangang sa nakarating na kami sa school at hawak-hawak na nya ang mga gamit ko sa labas ng dorm namin.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon