K A B A N A T A (1.5)

466 29 9
                                    

Isang private plane ang sinakyan namin pabalik sa Pilipinas, at katabi ko sya ngayon pero hanggang ngayon ay hindi padin sya kumikibo sa akin. Ayaw nya ba sa akin? Nahahalata ko lang.
Pangalawang besis ko ng makakasakay ng eroplano pero parang ngayon palang kumakalam na ang aking tyan, iba kasi sa himpapawid, bukod sa parang bingi ka sa taas, ay parang yung tyan mo ay puno din, at ang sarap sumuka.
Ewan ko, iyan kasi ang pakiramdam ko nung first time kong makasakay.
Napahawak ako bigla sa katabi ko sa nararamdaman kong tensyon, at di ko na napansin ito dahil nag-aalburoto na ako ng unti-unti ng gumagalaw ang eroplano.
Pero saglit na nawala ang aking tensyon ng biglang hinawi ng katabi ko ang kamay nya, dahil dito ay doon ko lang napansin na nakahawak pala ako sa kanya. Hindi na ako umimik, kumapit nalang ako sa upoan patalikod sa katabi ko at pataas na ng pataas ang eroplano.
Ayan naaa!!!!!
Nagulat ako ng biglang may kung anong naikabit sa aking teynga, at hinawakan ko ito.
Headset?
Agad akong napatingin sa katabi ko dahil sa ginawa nya, straight paharap lang sya nakatingin at gaya nung una ko syang nakita, isang emosyon lang ang nakikita ko sa kanya.
May tugtug akong naririnig mula sa ikinabit sa akin, at di ko na namamalayan dahil nakatulog na pala ako.

Napansin ko ang pagyugyug ko at nagising ako na nagsitayuan na ang mga tao na nasa loob ng plane.
Tumayo na ako kasabay ng pagkuha ng katabi ko sa bagahe, kinuha ko na din yung akin pero bago ko palang kargahin yung malita ay kinuha na agad ng kasama ko ang malita ko.
Agaw pansin ang tangkad nya kaya pati mga staff ng nasa eroplano ay napapatingin sa kanya, matapos nya iyon kinuha sa akin ay dali-dali akong sumunod sa kanya pababa ng plane.
Dalawa lang kaming umuwi sa Pinas dahil ang lola nya ay sa isang araw pa ang balik nya galing England.
Mula sa exit, ay hinabol ko sya at hinanap ko mula sa labas ng exit ang pag-aabang sa akin nila mama at papa.
Asan na sila mama at papa?
"Go inside the car.
Parang nag echo sa teynga ko ang boses nya, sa unang pagkakaton ay narinig ko na din sa wakas ang boses nya.

"Hindi, susunduin ako nila mama at papa, umuwi ka na lang.
Kinuha ko sa likod ng kotse nya ang bagahe ng ko.

"You will go home with me, just get inside.
Napakunot ako sa sinabi nya, anong ibig nyang sabihin? Uuwi nga ako sa bahay.

"Uuwi na nga ako.
Sinara ko na ang sasakyan at aalis na ako.
Pero nagulat ako sa paghila nya sa bagahe ko at hinila nya rin ako.
"Bakit ba, uuwi na ako, umuwi ka na din!

"Go inside now.
Itinulak nya ako sa sasakyan at wala na akong nagawa pa.
"I have one rule, when I saith once, it will say it one.
Ano ba ang sinasabi nya?  Bakit kung makautos sya eh pag-aari nya ako? Nakakainis sya, baka nakakalimutan nya, dahil sa kanya kung bakit kami nahantong sa ganito?
Hindi ko na sya ulit tiningnan at sa labas mula sa salamin ng sasakyan ko nilibang ang sarili ko.
Hindi na sya ulit nagsalita, at sa sasakyan na sya nakatingin.
Labag sa loob ko ang nangyayari sa akin, ayaw ko na, uuwi na ako!

"Hayaan mo kong makauwi sa bahay, nami-miss ko na ang pamilya ko.
Tiningnan ko ulit sya pero nasa daan lang ang mga mata nya.
Hindi nya ako pinakinggan hanggang sa makarating na kami sa isang malaking bahay, hindi, sa isang mansyon sa sobrang laki ng lugar, ay parang nasa heaven ka na.
Huminto na ang sasakyan at lumabas na sya ng kotse.
Binuksan ko na ang sasakyan at sumunod na ako sa kanya.
"Uuwi na ako please.
Hinarangan ko sya para sabihin iyon pero isang emosyon lang ang ibinigay nya sa akin, straight na titig na parang pinag-aaralan nya ang bawat galaw ng mga mata ko.

"This is your new home, get it?
At nagulat ako ng nilagpasan nya lang ako, at iniwan akong parang statwa sa labas.
"Get inside.
Napatingin ulit ako sa kanya na pumasok na sa loob.

Ang laki-laki ng bahay na iyon, kahit saan mapadpad ang mga mata mo ay mapapahanga ka talaga.
Isang malaking picture frame ang agad pumukaw ng aking atensyon, isang family frame, at doon sa picture complete family picture ang nandoon.
Napaupo ako ng lumitaw sya bigla sa harap ko.
At umupo sya sa tabi ko pero hindi nya ako kiniboan, ikinabit lang nya ang headphone sa teynga nya, at kinikilakot ang phone nya.
Napapikit ako sa nararamdamang galit sa kanya, ang sarap nyang sisihin sa lahat ng mga ngyayari sa akin ngayon.
"Gusto ko ng umuwi.
Hindi nya ito naririnig, dahil nilalaro nya nga ang cellphone nya.
Nakatingin lang ako sa kanya nang may inis, mga bata pa kami noon pero bakit ganun? Nagiging valid ang pangako na iyon?
Napaka-unfair sa side ko, may pangarap ako, gusto ko pang makapag tapos ng pag aaral, gusto kong ikasal sa taong mahal ko, pero nang dahil sa kanya hindi ko na matutupad iyon para sa sarili ko.
Ilang oras na kami doon pero hindi padin sya kumikibo, gusto ko ng makapag-pahinga, inaantok na ako.
Humikab ako pero nilingonan nya ako.

TadhanaWhere stories live. Discover now