viii: behind the curtains of red-headed girl

290 23 2
                                    

for those who didn't understand, may dalawang town po ang kinatitirhan nila Dara. Yung isang town ay dun nakatira 'yung mga taong naapektuhan ng mga virus na pinalaganap ng Virtual Paradise. Dara's town, on other hand, ay ibang sakit na hanggang ngayon di ko sinasabi haha!!! 

so i think everything's okay na no? haha

this chapter is well . . . nothing much haha enjoy i guess haha

***

Unti-unti at dahan-dahang binuksan ni Dara ang kanyang mata. Tinignan niya ang kinaroroonan niya nang may halong tanong.

Nasaan ako?                                                                               

Ang tanging nakikita niya lang ay milyon-milyong building na sira-sira, walang mga bintana at higit sa lahat walang ilaw. May mga kotse na halatang pinaglumaan na ang nasa tabi at harap niya. Doon niya rin napagalaman na siya pala ay natutulog kanina sa isang madumi na bangko. Tumayo siya at ginala niya ang kanyang mata sa paligid.

Nasaan ako?

Paulit-ulit niya itong tinatanong sa kanyang sarili kahit alam niyang walang sasagot sa kanya.

Ano bang nangyari?

Ang natatandaan niya ay . . . Lumabas siya sa headquarters nila para magliwaliw at nadaanan niya ang isang abandunadong building na napagalaman niyang isa palang ospital para sa mga taong kumukuha ng cure na ino-offer ng Virtual Paradise. Nakita niya ang asawa dun at inunplug ang Virtual Glasses na dahilan para mamatay ang kanyang asawa. Na nakita siya ng mga namamahala at hinabol siya at sinubukang patayin. Pero nakalabas siya at nakita niya si CL at pinatay ito ni CL. Nakarating sila sa headquarters at kinwento ni Dara ang lahat at binanggit ni CL na may isa pang sakit na pinalaganap pa ang Virtual Paradise at ang resulta ay magiging halimaw ka, katulad nang nakita nila, at ginagawang weapons. Sinira nang mga pesteng halimaw ang headquarters nila at inatake si CL pero pinatay ito ni Minzy. At umalis sila.

‘Yun lang.

Pero bakit siya nandito sa isang madumi at polluted na lugar na ‘to? Malabong ang lugar na kinalakihan niya ito dahil ‘di naman uso sa kanila ang mga kotse.

Tinaas niya ang ulo niya at labis siyang nagulat sa kanyang nakita.

WARNING! WARNING!

A group of rebels are invading our place. With all due respect, please all go to your respective mansions. I repeat please go to your respective mansions.

Then they flashed the ‘‘invaders’’ pictures. Dara was taken aback, shocked even. Because she saw her face along with Bom, CL, and Minzy. Then it registered her.

She’s in Virtual Paradise. A government and place that she hates the most.

How did she get here? What is she doing here?

Napansin niya rin na iba pala ang suot niya. May dala-dala siyang baseball bat. May beanie rin siyang suot na may letrang S na nakapaloob sa isang bilog. Napansin niya rin na iba na ang kulay at style ng kanyang buhok. Mahabo ito sa isang side ng buhok habang ang kabilang buhok ay maikli. Kulay blue rin ang kanyang buhok. Weird hairstyle, Dara thought.

Naglakad-lakad siya at napatakip siya ng bibig sa kanyang mga nakita.

Mga taong naghihingalo, ‘yung iba may dugo sa dibdib, tiyan, ulo. ‘Yung iba patay na. Nakarinig rin siya ng mga umiiyak. Napa-tingin siya sa taas. She hates dead bodies. Especially pag may dugo. It feels like, her knees could turn into jell-o anytime.

Disappearing Hope || finished ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon