xvi: unveil the truth

222 10 6
                                    

A/N:

May tatanungin lang ako bago mo 'to basahin.

Okay ka lang ba?

Ready ka na ba?

Kaya mo ba?

Oo?

Go on, read. But remember that I warned you. ;) xx

--- -- ---

Lumabas si Godde sa bahay ni Hillary at agad-agad na sinuot ang kanyang leather coat. Nag-taka siya dahil sa lamig na kanyang naramdaman. ‘Di naman gan’to sa lugar na ‘to sa pagkakaalam niya.

Tinignan niya ang maliwanag na buwan. Ito na lamang ang nagsisilbing ilaw sa labas dahil hindi naman masyado uso ang mga ilaw sa lugar na ito. Binulsa niya ang kanyang kamay at nag-simulang maglakad.

Lumiko siya sa isang street at napa-tigil sa isang maliit na bahay na kulay puti. Nandon pa rin ang antenna sa bubong ng bahay. Ang mga halaman at mga bulaklak. Ang puting bakod na nawawala na ang pagka-puti.

Pumunta siya sa bahay na iyon at binuksan ang pinto. Nagulat siya nang malaman niyang ‘di ito naka-sarado, pero pinagbawalang-bahala niya na lamang iyon. Pumasok na siya sa loob ng bahay at napa-ngiti siya nang maamoy niya ang usual scent ng bahay, strawberry scent.

Tumingin siya sa loob ng bahay. ‘Di pa rin nababago ang ayos. Nalungkot siya bigla, dahil biglang umatake ang mga ala-ala niya na matagal niya nang iniwanan.

Kasama na d’on ang kanyang pagiging Gavin.

Naalala niya ang huling gabi niya dito. Ang gabing nagkaaway sila ng sobra ni Dara.

Hinila ni Gavin si Dara at hinalikan ito sa pisngi at ngumiti. “Punta ka na sa kwarto, susunod na rin ako maya-maya,’’ tumugon na lamang si Dara sa pag-tango.

Pero ang ngiting naka-dikit kay Gavin ay unti-unting nawala pagkasaradong-pagkasarado ni Dara ng pintuan. Humarap siya sa salamin at ngumiti na ‘di man lang umabot sa kanyang mata. “Pasensya na, Dara.” sabi ni Gavin sa salamin.

Kinuha niya ang razor at sinimulang kalbuhin ang kanyang malagong buhok. Bawat buhok na nalalaglag ay may kasama mga luha hindi dahil sa mawawalan na siya ng buhok kundi dahil iiwan niya na si Dara.

Galit tuloy siya sa kanyang sarili. Bakit ba kasi may Mark pa siya? Bakit kasi walang paraan para mawala ito o mabura man lang?

Sakit? Sino bang niloloko niya? Ah, si Dara. Wala siyang sakit. May Mark siya. Lahat ng mga may “sakit” ay may Mark. Isa sa mga nagpapatunay na sila ay isang produkto ng Virtual Paradise. Ang mga taong may Mark ay mga unang tao sa Virtual Paradise. Nakakatawang isipin na ‘di nila alam na ang lugar na tinitirhan nila ay isang produkto lamang din ng Virtual Paradis. Ginawa ang Wasted Paradise para sa isang eksperimento lamang.

Ang akala ni Dara may sakit ang mga magulang niya. Hindi, dahil ang mga magulang niya ay isang produkto ng Virtual Paradise. At ang “cure” na ino-offer ng Virtual Paradise ay isang paraan para mabalik ang mga produkto nila sa kanila.

He shook his head. Ito ang ayaw niya sa sarili niya, masyado siyang nagooverthink.

Inayos niya na ang kanyang sarili at pumunta sa kanilang kwarto na ‘di kalaunan ay magiging “kanya” na lamang. Hinubad niya ang kanyang damit at nag-palit ng damit. Pinagmasdan niya ang magandang babaeng natutulog sa kanyang likuran – si Dara. Hinawakan niya ang pisngi nito at nilabas ang kanyang mga luha at hinalikan ito sa pisngi. “Paalam, Dara.’’ sabi niya.

Kinuha niya ang kanyang diary at nilagay iyon sa pwesto ng kanyang pinaghihigaan at umalis na.

Pumunta siya sa abandunadong ospital at binati siya ng mga doktor d’on. Even though, he all know these people, he can’t help but to feel scared at all. Sino ba namang hindi matatakot kung puro halimaw pala ang mga ito, na nagkakatawang mga tao na lamang?

Disappearing Hope || finished ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon