xvii: fire is spreading

204 7 5
                                    

Escaping in the road without getting stumbled is impossible. Lalo na't kung may dala-dala kayong wala pa sa wisyo.

Kanina pa takbo ng takbo ang apat, at kanina pa ring nagpapaulan ng bala ang Virtual Paradise. At kahit isang bala ay 'di pa rin sila natatamaan. Well, it's the art of CL's training.  'Di nga sila natatamaan pero kanina pa sila nadadapa.

Akay-akay nila CL at Minzy si Bom while Dara is covering them.

Merong isang peace-keeper ang nakahabol sa kanila at hindi hinayaan ni Dara ang peace-keeper na 'yon na makalapit sa tatlo. Isang malakas na hampas sa ulo ng baseball bat ang pinakawalan ni Dara. Wala na siyang pakielam kung mapatay niya ito o ano. Hell, why would she have this conscience to this people? Eh sila nga ang dahilan kung bakit masisira ang ulit ang lugar nila.

Correction: masisira ang lugar na ginawa ng Virtual Paradise.

Hindi niya alam kung ano ang trip nito. Gagawa ng lugar pero sisirain lang? Gaguhan ba 'to?

Tapos si Gavin . . .

Ay mali, si Godde pala.

Nung sinabi ito ni CL lahat sa kanya. Pakiramdam niya gusto niya nang mamatay  sa rebelasyon na sinabi ng babae. Hindi niya akalain na si Godde at Gavin pala ay iisa. Kaya pala, lapit ng lapit sa kanya si Godde. Kaya pala kahit isang beses ay hindi siya sinaktan ni Godde.

'Di niya akalain na naloko siya ng lalakeng 'yon ng limang taon. Ngayon 'di niya alam kung ano ang papaniwalaan niya. Parang ang buong buhay niya ay isang malaking kasinungalingan na lamang. Akalain mo 'yun, pati pala ang magulang nila ay isa ring produkto ng Virtual Paradise? Tapos pati ang "asawa" niya, ay isa rin palang produkto ng Virtual Paradise.

Shit lang.

'Di niya nga rin alam kung ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya ng tatlong taong 'yun ay totoo.

She guess not.

Napatigil ang tatlo sa paglalakad ng may bombing lumanding malayo sa kanila pero ang impact ay parang ang bomba ay nasa tapat lamang nila. Lumingon si Dara sa likod nila at nakita niya ang Presidente at si Gav — Godde na nakatingin sa kanila samantalang dalawang peace-makers ang nakaupo at may dalang cannon na halatang sila ang nagpakawala ng bombang iyon.

"Sumuko na kayo!'' sigaw ng Presidente sa kanila. "Alam niyo, 'di naman namin  kayo sasaktan kung sasama kayo ng maayos sa'min eh,'' tuloy pa nito. Napataas ng kilay si Minzy at si CL ay napa-tawa ng may halong asar.

"Ano tingin niyo sa'min? Bata? Na papayag sa inyong sumama pag binigyan ng candy o ano?'' sigaw ni CL. "Hell no, assholes,''

"HARRIET!'' sigaw ni Godde.

Dara froze. It's as if her feet were glued. Why didn't she notice that Godde and Gavin's voice is so similar? How stupid of her. As usual.

Isang pigura ng babae ang naglakad papuntang harap at dun nga ay nakita nila ang babaeng iyon. Ang babaeng kalbo ang kabilang side ng ulo at may tattoo na Rebel at maraming hikaw sa magkabilang tenga.

Pinagmasdan ni Dara ang mga taong nasa harapan niya.

Pakiramdam niya ay nasa gubat sila.

Sila ang mga tiger, cheetah, at lion.

Samantalang sila ay mga usa at kuneho.

At ang kadalasang nangyayari ay palaging nanalo ang mga tigre, cheetah at mga leon at laging napapatay ang mga usa at kuneho. Pero alam niyang malabong mangyari iyon.

Dahil ngayon, mananalo ang mga usa at kuneho.

Sinenyasan ni Godde si Harriet sa pamamagitan ng tingin. Tumugon naman ito ng demonyong ngiti at tumingin kala Dara. May inilabas siyang controller at pinindot ang red button.

Disappearing Hope || finished ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon