xv: gold vs fire

204 9 6
                                    

short chapter ahead!

--- -- ---

FSSSHH

Nagulat na lamang si Minzy ng may kutsilyo na tumilapon sa likod niya. Napa-tingin siya sa harapan niya at nakita niyang naka-tingin sa kanya si CL na masama na may hawak na limang kutsilyo sa kanan niyang kamay.

It seems like CL is just playing a dart game, sabay-sabay niya itong hinagis. ‘Di niya akalain na gan’to pala katanga si CL. ‘Di niya ba maalala na tinuruan siya nito kung pa’no saluhin ang mga kutsilyo habang ito ay lumilipad. In the blink of an eye, she catched those five knives flying at her swiftly. “It’s time for revenge, baby.’’ At sabay-sabay niyang pinalipad ang tatlong kutsilyo na nasa kaliwa niyang kamay papunta kay CL. Nailagan naman ito ni CL pero isang kutsilyo ang nailagan niya. Natamaan siya sa balikat. Dahil doon ay napamura ito ng malakas.

Minzy took this as a chance. Kahit medyo masakit ang tiyan niya dahil sa pagkakasimura ng dalawang peace-makers sa kanya ay nagawa niya pa ring sipain ang pintuan. She silently thanked herself dahil nagawa niyang sirain ang pinto.

As soon as na nakalabas siya ay tumakbo siya ng mabilis na parang hinahabol ng isang cheetah.

FSSSHH

Nakalabas na pala si CL. Nakita niya kasi sa likod niya na may kutsilyo na paparating sa likod niya mabuti na lamang ay nailagan niya ito. At sa pag-ilag niya ay sinalo niya ang isang kutsilyo ng ‘di man lang nagagalusan ang kamay. Tinago niya ang kutsilyo na hinagis ni CL at kinuha ang isang kutsilyo na kanyang tinago noon.  ‘Di niya akalain na talagang makikipaglaban siya, lalo na’t sa best friend niya pa. Tinignan ni  Minzy ang kutsilyo na kanyang kinuha. Gawa ito sa bakal at sa bandang baba no’n ay may kulay pula na pa-flames ang shape. Nakita niya ang kanyang repleksyon at napa-ngisi siya.

Nakita niyang patakbo na si CL sa kanya. Umikot siya at hinagis iyon sa lugar ni CL. Dahil doon ay ‘di na naka-takbo pa si CL dahil napapalibutan na siya ng mga apoy.

Kinuha ni Minzy ang kutsilyo na hinagis sa kanya ni CL at pinaglaruan iyon. “May nabasa ako noon,’’ kwento nito. “Na natutunaw daw ang ginto pag tinapat mo ito sa apoy.’’ At ngumiti ito ulit. “At totoo nga ang nabasa ko.’’

She smirked. “It’s fire versus gold, baby.’’

CL smirked. “Think again,’’ sabi niya. Kinuha niya ang paint-spray na kulay puti at ni-spray iyon sa apoy na nakapalibot sa kanya na ngayon ay nawala na.

Kinuha ni CL ang baril na nasa bulsa niya bago pa man makaputok si CL ay hinagis na ni Minzy ang kutsilyo at tumama ito sa baril dahilan para mahulog ito. Bago pa man makuha ito ni CL ay sumugod na si Minzy at inihiga ito at sinapak ng malakas. Sa pag-sapak niya na iyon ay may tumalsik na dugo na galing sa ilong ni CL. Dahil dito ay nakaramdam siya ng inis. Sa sobrang inis niya ay hinila si CL sa braso at inihagis ito. Sa sobrang lakas ng pag-hagis niya kay Minzy ay napasandal ito ng malakas making her wince.

“Bwisit. Bwisit. Bwisit.’’ paulit-ulit na sabi ni Minzy sa kanyang sarili.

Si CL naman ay dahan-dahang pumupunta sa lugar ni Minzy at tinitignan ng matiim. Pero ‘di niya na iyon hinintay pa. Kinuha niya ang isa niya pang kutsilyo na may kulay purple at hinagis ito.

Ang resulta ay napapalibutan na si CL ng fog na kulay violet. “Gusto mo palang makapag-laro ah.’’ sabi ni CL na may halong inis.

Little did CL know, na may halong poison ang fog na ‘yon. Unti-unti na siyang nangangati at napansin niyang sumasakit na ang mga kinakamot niya na iyon. Hanggang sa bigla na lamang may pumutok sa kamay ni CL.

“AAAH!!!!’’ sigaw ni CL sa sakit.

Napa-ngiti si Minzy sa narinig niya. Dali-dali siyang tumayo at nag-simulang naglakad ng mabilis. Habang si CL naman ay parang baliw na kinakamot ang sarili habang sumisigaw at tumatakbo alam niyang masakit ang mga kinakamot niya pero ‘di niya mapigilan dahil nga sa sobrang kati nito kahit alam niyang masakit na ito.

‘Di pa rin siya tumitigil sa pagsigaw sa sakit kahit naka-labas na siya sa fog. Napa-tingin siya sa kanyang harap at nakita niyang lumalakad na palayo si Minzy. Gusto mo palang makipag-laro, ha? CL said to herself. Kinuha niya pa ang isang baril at binaril ang mga ilaw.

That makes Minzy stop walking. Bulag siya sa dilim.

CL smirked even though no one can see it. Now she has the advantage. Finally.

She aimed her foot at tumapak sa isang floor at tumalon at sinuntok si Minzy. Alam niyang si Minzy iyon at ‘di niya alam kung sa mukha ba ‘yon o braso pero sigurado siyang natamaan niya ‘yon. Paulit-ulit na ginagawa ‘yon ni CL, at paulit-ulit din niyang naririnig ang mga sigaw ni Minzy.

And for the final blow, sinipa niya si Minzy at nakarinig siya ng kalabog, ibig sabihin tagumpay ang ginawa niya. As if on cue, bumukas ang mga ilaw at nakita niyang naka-higa si Minzy may mga pasa at sugat na. Napa-ngiti ng matamis si CL sa kanyang nakita. “Minsan ‘di natutunaw ang ginto. Minsan napapatay din ang apoy.’’

“ ‘Di ko akalain na may pagkatanga ka pala.’’ sabi ni Minzy.

Kinuha niya ang natitira niyang kutsilyo na may kulay na itim at inihagis ‘yon kay CL. Napa-pikit siya ng nakarinig siya ng malakas na pag-sabog. Pero isang imahe ang naalala niya.

Ang pagtilapon ni CL.

Disappearing Hope || finished ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon