i: what is virtual paradise?

1.3K 38 19
                                    

The newly wedded couple, Dara and Gavin, were cuddling that time. It was a hazy afternoon at tignan mo lang ang kalangitan, mapapapikit ka na. Seryoso.

After what felt like an eternity, nagsawa na rin sa pag-cuddle si Gavin at humiga at nanahimik. Ganun rin ang ginawa ni Dara. Ang kanyang ulo ay naka-sandal sa broad chest ni Gavin. Ang maririnig mo lang ay ang palitan nila ng hininga at ang tibok ng puso ni Gavin na naririnig ni Dara. Napangiti siya. ‘Di niya inaakala na, aabot sa gan’to, ang maging sila sa huli.

Their story didn’t start with a once upon a time. But Dara is absolutely sure that they reached the word Happily-Ever-After.

Tumayo sa pagkakaupo si Dara at kinuha ang remote sa mesa at binuksan ang T.V. Isang dating movie pala ang pinapalabas sa T.V. ngayon.

Kung ‘di kaya nangyari ang pag-sakop na ‘yun, okay kaya ang lahat?

Napa-iling s’ya sa kanyang naisip. Napansin ni Gavin ang biglaang pag-ikot ng ulo ni Dara. ‘‘Okay ka lang?’’ tanong ni Gavin. ‘‘Ah,’’ tugon niya. ‘‘wala, may naalala lang ako . . .’’ Niyakap na lamang ni Gavin si Dara bilang tugon.

In an instant, naramdaman na lang ni Dara ang hininga ni Gavin sa kanyang leeg, making her flinch.  Hanggang sa napalitan na iyon ng halik. Sa ‘di inaasahan, napa-ungol ng mahina si Dara. Napatigil s’ya. Tinignan ni Gavin si Dara ng maigi at napa-grin. ‘‘Sabihin mo na kung natu-turn-on ka,’’ Gavin remarked. ‘‘Maari naman nating gawin ‘to sa kwarto. Para walang istorbo.’’

Napa-smirk naman si Dara. Hinarap n’ya ang kanyang mukha sa mukha ni Gavin. Naaamoy n’ya ang hininga nito. Potek ang baho, Dara thought. ‘‘Mag-toothbrush ka nga!’’ sabi n’ya. Naalarma naman si Gavin at dali-daling huminga at inamoy ito. Napa-atras naman si Dara. ‘‘Shet, oo nga.’’ Tatayo na sana si Gavin pero itulak siya ni Dara paupo sa couch at hinalikan ito.

Nagulat si Gavin sa ginawa ni Dara. Pero pagkatapos ng ilang segundo ay sumagot na rin ito sa halik. Pagkatapos ng ilang minuto ay nilayo nila ang mukha nila sa isa’t-isa. Parehong hinahabol ang kanilang hininga. ‘‘Wala naman akong pake kung mabaho ang hininga mo eh,’’ sabi ni Dara at ngumiti. ‘‘ ‘Coz I’m used to it.’’ At tumawa nang pagkalakas-lakas si Dara making Gavin shook his head. Tumigil sa pagtawa si Dara at umayos ng upo. ‘‘Kidding aside, wala naman kasi talaga akong pake. Ang importante . . . mahal kita. ‘Yun ang importante.’’ Nilagay ni Dara ang kamay niya sa dibdib ni Gavin. ‘‘ ‘Yang puso na ‘yan . . . akin ‘yan ‘di ba?’’ tanong ni Dara. ‘‘Oo naman.’’ tugon ni Gavin. Maghahalikan na sana sila ulit nang may ingay na nakapag-patigil sa kanila.

Pareho silang napatingin sa T.V. ‘Dun pala nanggagaling ang ingay. At napansin nila na nagco-commercial na pala.

Hindi ito ordinaryong commercial.

Lagi na lang. Lagi na lang. Bakit ka pag tungtong ng alas-singko eh kailangan palagi pinapalabas ‘to? Para ano makapanlinlang ng tao? sabi ni Dara sa isip niya.

Sa katunayan lang, matagal na siyang naiinis dito. Matagal niya nang gustong sugurin at patayin ang mga namamahala sa Virtual Paradise.

Ang Virtual Paradise ay isang government kung saan nagbibigay ng magandang buhay daw. Pero maraming tao ang ‘di naniniwala dito, kabilang na dito si Dara.

Pa’no ba naman siya maniniwala kung sila ang dahilan kung bakit nawawala ang kanyang magulang at ang kanyang kaisa-isa niyang kapatid?

Sa totoo lang, against talaga siya sa ‘‘cure’’ na ino-offer ng Virtual Paradise. Kasi ang totoo, isa lang itong peke. Walang gamot sa sakit na ‘to. Kasi once na tinake mo ang ‘‘gamot’’ na ‘to, mawawala ka. Habambuhay. Wala siyang sakit. Gan’on rin ang kanyang kapatid. Pero hinihikayat sila ng kanilang mga magulang para daw ‘di sila mahawaan. Ang kanilang mga magulang ang mayroon.

Pati ang lalakeng katabi ni Dara.

Ang sakit na ito ay . . . walang pangalan. Kahit sino walang nakakaalam. At wala itong gamot. Wala.

Ano nga ba itong sakit na ito? Isa itong virus na pwede mong ikamatay. Naagapan lang ito sa pagkain ng mga pills, sariwang gulay, sariwang isda. Naagapan. Hindi namamatay. Kahit ang mga walang may sakit ay kumakain rin ito, dahilan nila, ayaw nila mahawaan.

Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ‘di gumagawa ng anak sila Gavin at Dara. Dahil takot si Gavin na mahawaan si Dara at ang kanilang magiging anak.

Dahil baka maging isang nakakadiring nilalang ang kanilang magiging anak. Oo. Ganun ang mangyayari. Dahila ng virus na ito ay nakakamatay.

Napansin ni Dara na nakatitig si Gavin sa screen ng T.V. Pagkatapos na pagkatapos ng commercial ay tumingin sa kisame si Gavin at nag-isip.

Dara frowned in annoyance.

Ito na naman po siya, sabi niya sa isip niya.

Ilang beses na nila itong pinagtatalunan. Alam ni Gavin ang nangyari sa pamilya ni Dara, nakaramdam siya nang kaunting takot pero gusto nang mawala ni Gavin ang sakit niya. Dahil araw-araw nakakaramdam siya ng sakit. Hindi niya ito sinasabi kay Dara dahil ayaw niya itong mag-alala.

He doesn’t needs sympathy. He needs a cure.

‘‘Gavin . . .’’ hinawakan ni Dara ang kamay ni Gavin. ‘‘Oh?’’ malamig na tugon ni Gavin. ‘‘Napag-usapan na natin ‘to, ‘di ba?’’ tanong niya muli. ‘Di siya sumagot. She take this cue to continue. ‘‘Na kahit anong mangyari, ‘di mo kukunin ang cure.’’

‘‘Please . . .’’ tuloy niya.

Tumayo si Gavin at iniwan si Dara nang walang pasabi.

Naramdaman niya na lang na may tumutulo na palang likido sa kanyang mata. Napagalaman niya palang umiiyak na siya.

Masakit.

Wala siyang pake kung wala silang anak. Pero siya, mawawala? Iiwanan?

‘Di niya gusto ang ideya.

Disappearing Hope || finished ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon