Chapter 33

312 17 0
                                    

Hindi pa rin maalis ni Gilo ang mga mata niya sa pisngi ni Feliz, may mantsa pa rin ng dugo rito noong sugatan nito ng dalang knife ang sarili.

Alam ni Gilo na tunay na dugo ang tinititigan niya. Kung ganun mali siya ng akala.

Hindi patay si Feliz.

Pero marami pa ring mga tanong sa isipan niya. Kundi nga ito patay, bakit ito lumitaw noong tawagin niya ang mga multo sa loob ng Arcello House? Bakit nito sinusundan si Ara? Bakit nito naisipan maghilamos sa harap ni Jun? Kailan siya nagsimulang magduda na patay na si Jun? At higit sa lahat paano namatay si Jun?

Hindi siya makapaniwala na patay na si Jun dahil sabay silang lahat na nagtungo sa San Bernardino.

"Nandito lang sila sa taas," sabi ni Feliz.

Hindi sumagot si Gilo.

Napabuntong hininga si Feliz. Alam niyang hindi pa rin ito lubos na naniniwala sa mga binunyag niya kaya kailangan niyang patunayan ito. 

"Si Jun ay hahanapin natin," sabi niya.

Mabagal na tumango si Gilo. Dahil wala naman siyang choice, feeling niya nakasunod lang siya kay Feliz ngayon. She had proven herself that she's alive. He was wrong. Kaya nagdadalawang-isip na siya kung may kakayanan ba talaga siya sa paranormal. Bakit hindi man lang niya napansin na patay na si Jun?

"Be alert," Feliz said, "akala ko ba ito ang gusto mo? Ang tungkol sa paranormal?"

"Nalilito lang ako... kung bakit hindi ko naramdaman na patay na si Jun?"

"Baka kasi ayaw mo itong paniwalaaan."

Napaisip si Gilo.

Maaring tama si Feliz pero bakit naman hindi niya ito paniniwalaan. Hindi sila close. Ang totoo, hindi siya nasaktan noong nalaman niyang patay na'to, sa halip mas nagpaimbulog ang gulat niya.

"Maybe I didn't notice na patay na siya dahil bago lang siya namatay," sabi niya.

"Hindi ko iyan masasagot. Unang beses kong nakita si Jun sa Arcello House. Tanging si Ara lang ang nakikita ko..."

May kumalabog sa kwarto kung saan nakasabit ang picture ng mga magulang ni Feliz.

Sabay silang napatakbo sa kwarto.

Pagdating nila rito ay may nadatnan silang maliit na siwang sa pinto kaya napasilip sila sa loob.

Walang tao rito.

Pero nahagip ni Gilo ang nahulog na painting. Kaya tinulak niyang pabukas ang pinto.

Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Feliz nang mabungaran ang picture ng mga magulang na nasa sahig na. Noong nilapitan nila ito ay nabasag ang glass cover nito.

"Nandito si Jun," si Feliz. Muling nanumbalik ang gabi noong una siyang nakarinig ng ingay. Naalala niya wala siyang nakitang tao sa paligid pero parang may mga kasama siya. Ganito-ganito ang feeling niya noon. Tumataas ang buong balahibo sa kamay niya, habang nanlalamig ang batok niya na parang may nakatayo sa likod niya.

Agad siyang napalingon sa may kama.

"Sa ilalim," pabulong niyang wika kay Gilo.

Nakikita ni Gilo ang kaba sa mga mata ni Feliz, habang nakaturo ito sa ilalim ng kama. He felt this was so real. Patay na nga si Jun. Kahit siya nagsimulang kilabutan, na nangyayari lang kung alam niyang may kasama siyang patay.

Yumuko si Gilo bago tinaas ang bedsheet.

Madilim sa ilalim, aakalain mo brownout rito, ilang beses siyang kumurap, hoping masasanay ang mga mata niya sa dilim.

Hilamos, eye of death (completed)Where stories live. Discover now