Chapter 13

371 20 1
                                    

"Pssst," tawag ni Jun. "Bukas ang kwarto."

"Guys, akala ko ba papanik lang tayo sa taas, wala sa usapan natin ang pumasok sa loob ng kwarto," nababahala ang boses ni Ara.

"Dalian niyo na," si Jun while completely ignoring Ara.

Sumunod na si Gabby kay Jun, sa likuran niya si Clea na agad hinila ang kamay ni Ara para pumasok ito sa loob.

Ang kwarto na pinasukan nila ay malawak, may isang king size bed sa gitna at sa gilid may malaking apardor at mesa. Maliban dito ay wala ng gamit sa loob.

"Boring," sabi ni Clea.

"Mukhang wala nang gumagamit nito," dagdag ni Gabby.

"Wait!" si Jun. Sabay tutok ng flashlight sa cellphone nito sa pinaka centro sa pader na nakaharap sa kama. "Who the heck is that?"

"Don't tell me si Aling Mossi iyan?" nagpipigil tumawa si Clea.

"Mukhang hindi. I think ang may-ari ng bahay na'to ang mga iyan," Jun answered.

"Oh my gosh, baka mahuli tayo rito!" si Clea, sabay kapit sa braso ni Gabby.

"I think hindi na sila dito nakatira," kalmado na saad ni Gabby, "mukhang never o matagal ng walang gumagamit rito. Tingnan ninyo naman ang kwarto na'to."

"Ganun na..." Napatalon si Jun nang biglang sumira ang pinto.

Agad napayakap si Clea sa boyfriend. "Gabby, ano iyon?"

"Relax, I just shut the door," Ara said. "Baka kasi may makakita sa atin dito. Kasi dapat hindi tayo narito. Right?"

"Ara, hindi iyan nakakatawa!" saway ni Jun.

"Nakita ko nga ang pagtalon mo," tukso ni Clea.

"At nakita ko rin ang pagyakap mo kay Gabby at namumutla pa," galit na balik ni Jun.

"Nagulat lang ako," inis na wika ni Clea.

"Guys, umalis na lang kaya tayo rito," suhestiyon ni Gabby, "baka mag-away pa kayo."

Hindi na naghintay ng sagot si Ara, nauna na siyang lumabas. Nang napako siya sa labas. Naramdaman niya ang malamig na hangin, it was freezing cold, kaya napayakap siya sa sarili. Sinundan niya kung saan nagmula ang hangin--- sa may sala sa second floor. Madalim rito pero alam niyang sala iyon dahil dinaanan nila ito.

Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at tinutok ang liwanag sa may sala.

Walang tao rito maliban sa kurtina na sumasayaw kasabay ng hangin.

Then she froze.

May bababeng nakatayo malapit sa kurtina. Hindi niya alam kung nalampasan lang ito ng cellphone niya o sadyang lumitaw lang ito ngayon lang.

Nakaputi ito at mahaba ang buhok nito na sabay dumuduyan sa hangin kaya hindi niya maaninag ang mukha nito.

Agad niyang pinatay ang ilaw ng cellphone niya. Huminga siya ng malalim. Hindi niya tiyak kung tao iyong nakita niya o multo. Hindi siya ang matakutin, pero kinakabahan siya ngayon.

"Anong?" tumaas ang boses ni Ara pero mas mahina ito sa sigaw.

"Ssshh!" si Gabby.

"My bad," si Clea, "ginulat ko siya." Sabay hagikhik nito.

"Ang tagal kasi ninyong lumabas," naiinis na wika ni Ara.

"Naiihi kasi si Clea kaya pumasok muna kami sa banyo, mabuti at gumagana pa ang toilet," sagot ni Gabby.

Napaismid si Ara but secretly thankful siya na nandito na sila. Dahil baka muling lumitaw ang babae malapit sa kurtina.

"Si Jun?" tanong ni Gabby.

Hilamos, eye of death (completed)Where stories live. Discover now