Chapter 17

363 18 0
                                    

Maalikabok ang daan parang may fog sa kapal nito dahil wala siyang makita sa harap  ng daan, pero nagmamaneho pa rin siya. It was as if someones was forcing her to drive.

Inilayo niya ang kamay niya sa manubela pero parang nakadikit ito dahil halos hindi niya mailayo ang kamay niya sa manubela.

When finally her hands were free.

Akala niya hihinto ang sasakyan pero nagpatuloy ito. Kaya inikot niya ang susi upang patayin ang pag-andar nito pero nanatiling tumatakbo ang sasakyan.

"Stop!" she yelled.

Gumagalaw pa rin ang sasakyan, this time mas mabilis na.

Kumabog ang dibdib niya na parang nais kumawala ng puso niya. Nang bigla siyang makarinig nang unggol, mahina lang para lang bumubulong. Dito siya napalingon sa likuran niya.

Tumambad sa kanya ang mga kaibigan kasama si Gilo. Tulog na tulog sila dahil hindi man lang sila nagising noong sumigaw siya.

"Guys, gumising kayo."

Walang tumungon.

"Ano ba?! Naririnig ba ninyo ako! Gumising kayo!"

Walang gumalaw.

Naisip niyang gumapang sa likod. Una niyang tinapik si Clea, niyugyog niya ito nang malakas pero tulog pa rin ito. Si Gilo ang sinunod niya, nagbabasakali na magigising ito. Hinila niya ang braso nito pero umunggol lang 'to bago muling bumgsak sa upuan.

Tapos gumapang siya sa may pinakalikuran kung nasaan sina Gabby at Jun, pero nag-aalala na siya sa sasakyan. Sinampal niya ang dalawa, pinakamalakas para kay Jun, pero para lang silang nakiliti habang natutulog.

"Guys, ano bang nangyayari sa inyo? Bakit ayaw ninyong gumising?"

Bumalik siya sa kinauupuan ni Clea, ulit gigisingin niya ito. Balak niya sabunutan ang buhok nito, aabutin na niya ito nang nahinto siya sa ere.

May umunggol sa harapan-- sa driver seat.

Namuo ang pawis sa noo niya na kasing laki ng bigas. Tapos tumaas ang balahibo sa batok niya.

Nagdadalawang isip siya kung haharap ba o hindi.

This time, naramdaman niyang may gumalaw sa may driver seat--- may nakaupo rito.

Napakumo si Ara.

Alam niyang hindi magigising si Gilo, ibig sabihin siya lang mag-isa at ang sino man ang nasa driver seat.

Slowly, she turned her body to the front.

Nahagip niya ang braso nito, maliit ito na parang braso ng babae na nagmamaneho.

"Sino ka?" habang pilit tinutuwid ang boses niya. Inulit niya ito noong hindi ito sumagot.

"Bakit ka umalis sa driver seat?" boses iyon ng galit na babae.

"Hininto ko ang sasakyan pero ayaw..." her voice faded.

"Hindi mo hininto," bato nito, "dahil tumatakbo pa rin tayo. Gusto mo bang mamatay?"

"No."

"Hindi iyan totoo." Biglang kumalma ang boses nito.

"Ayaw kong mamatay," tumaas ang boses niya.

"Pwes, bumalik ka rito."

Nalilito si Ara. Sino ba'to? Saan siya nanggaling? Nasa kabilang upuan ba ito sa harapan at hindi lang niya napansin?

Kaya hindi siya gumalaw.

"Ano pang hinihintay mo? Halika ka na rito! Madidisgrasya tayo kung hindi ka gagalaw."

Nabalot na ng kaba si Ara. Ayaw niyang madisgrasya. Ayaw niyang mamatay. Pero takot rin siya sa babae na nasa driver seat.

"Kundi ka babalik. Bibitaw ako."

"Huwag!"

"Halika na."

Wala nang nagawa si Ara, mabagal siyang umangat sa kinauupuan bago lumapit sa driver seat. Unang sumalubong sa kanya ang kakaibang amoy ng babae parang damo na basa na may halong putik.

Maingat niyang inangat ang ulo upang titigan ito.

Nagkasalubong ang mga mata nila.

"Ikaw! Patay ka na!" tumaas ang boses ni Ara.

"Hindi ako patay. Ikaw ang mamatay!"

"Hindi. Umalis ka diyan, ako ang driver, hindi ikaw." Tinulak ito ni Ara pero parang ulap lang 'to kaya tumagos lang ang kamay niya. Sinubukan niya muli pero ganun pa rin ang resulta. But she couldn't give up, isa pang beses, this time mas malakas.

Sa halip ay siya ang tumama sa pintuan ng sasakyan, sa lakas nito parang naliho siya. She tried to get herself up, una niyang inabot ang hawakan sa may upuan, para sana i-angat ang sarili niya.

Nang biglang bumukas ang pinto.

Kahit gustuhin man niyang bumalik ay dumaosdos na ang katawan niya pabagsak sa cementadong daan.

Pinilit niyang umupo at ang huli niyang nasaksihan ay ang buong sasakyan ay patuloy na humaharurot hanggang sa nahulog ito sa bangin.

"Aaaaaahhhhh!"

"ARA!"

"Clea!" Nang mabungaran niya ito sa gilid ng kama niya. Puno ng pag-alala ang mukha nito.

"Ara, okay ka lang? Sumisigaw ka."

Napaupo si Ara at napasuklay sa buhok niya gamit ang mga daliri niya.

"Panaghinip lang pala," she tried to calm her voice.

"Masama ba ang panaghinip mo?" Kinabahan si Clea sa ekspresyon ni Ara. Hindi siya sanay na makita itong ganito. Iyong parang namatayan.

Tumango si Ara.

"May iniisip ka ba?"

Napailing siya. Wala siyang balak na sabihin na ang babaeng multo ay nagpapakita sa kanya hanggang sa panaghinip niya.

"Kung gusto mo, lumabas muna tayo. Just to relax, dahil ngayong hapon tayo pupunta sa Arcello House."

Dumiretso ang upo ni Ara at maiging tinitigan si Clea, excited ang mukha nito.

"Ngayon ba tayo pupunta sa haunted house na 'yon?"

"Yes, don't tell me nakalimutan mo ang sarili mong itinerary."

"Si Jun ang may gusto niyan... ano kaya kung hindi na lang ako sasama. Kayo na lang."

Tumawa si Clea.

"Seryoso ako, Clea."

"Pero nandoon kaming lahat sa haunted house. Gusto mo ba na ikaw lang mag-isa dito?"

Napalunok si Ara, mas ayaw niyang maiwan rito na mag-isa.

"Hindi. Fine. Sasama na ako."

"Great! What about this morning mamasyal muna tayo sa paligid ng bahay na'to. Remember may nadaanan tayo na mga bulaklak noong papunta tayo sa ilog. Doon tayo. Walking distance lang naman. Baka nga naghihintay na sina Gabby at Jun doon.

Tumango si Ara. Naisip niya na maganda nga na makakita siya ng magandang tanawin dito. Dahil kailangan niya ang distraction na ito ngayon.

"Si Gilo pala?" tanong niya bigla. Mas gusto niya na makasama ito lalo pa't sa mga nararanasan niya ngayon.

"Pumunta siya sa downtown kasama si Aling Mossi kanina."

Nangiti si Ara. Tulad nang sinabi nito sa kanya. Aalamin nito kung sino ang multong nagpapakita sa kanya. At kay Aling Mossi ito mag-uusisa.









Hilamos, eye of death (completed)Where stories live. Discover now