Chapter 10

427 18 0
                                    

Nasa loob na ng wet market si Gilo, ang plano niya ay ipapa reimburse na lang niya ang magagastos niya ngayon, sa tantiya niya hindi naman malaki ang magagastos niya. Bibili lang siya ng mga sangkap, gulay at isang kilong manok at isang kilong isda. Sapat na'to. Sa condiments like toyo at suka, makikihingi na lang siya Mossi, kasi pwede rin naman nilang i-share ang pagkain nila dito.

May isang oras din siya sa loob ng wet market dahil nilibot niya muna ang mga stall ng manok at isda upang makabili siya ng sariwa. Nang matapos ito ay sinunod niya ang iba pang kailangan niya.

Bago bumalik sa tricycle ay naisipan niya munang kumain ng kakanin at uminom ng maiinit na tsokolate sa isang tindahan sa loob ng palengke. Naisip din naman niya na hindi niya kailangan magmadali dahil ito naman ang sinabi ni Feliz.

While he's not a fan of kakanin, hindi naman niya pwedeng i-miss kainin ang special kanin ng San Bernardino. Malagakit na kakanin na may strawberry syrup on top, bumagay ito sa tsokolate dahil binabalanse nito ang tamis ng kakanin at pait ng maiinit na tsokolate.

Dito niya naisipan na magtake-out nang matikman naman ni Ara ang special kakanin kahit alam niya na kasama sa itinerary nila ang maglibot sa dowtown at mamili ay inunahan na niya ito bigyan ng pasalubong. Tiyak naman niya kung magugustuhan nila ay bibili naman sila ulit.

Matapos mag-order ay muli niyang tinapos ang kinakain niya. Dito niya nahagip ang mga pinag-uusapan ng tindera at ilang customer nito. Tungkol ito sa aksidente iyong nadaanan nila noong papunta sila rito. Iyong nagsanhi ng matinding traffic, iyong binabaan niya, iyong tiningnan niya --- at iyong napanaghinipan niya kaninang umaga.

Bumilis ang tibok ng puso niya, ayaw na niyang muling maalala iyon.

"Iho, okay ka lang?"

Napatingala siya sa tindera, nag-alala ang mukha nito.

"Pinagpapawisan ka."

Pinahiran niya ang mala butil na pawis na namuo sa noo niya. "Wala ito, mainit lang ngayon."

Nangiti ito. "Ikaw ata ang unang turista na nagsabi na mainit rito. Kaya nga umiinom ng mainit na tsokolate dahil kahit summer ngayon ay malamig pa rin dito kumpara mo sa Maynila."

Of course he lied, he wasn't hot at all. Sa katunayan nilalamig siya dahil kahit tirik ang araw ay malamig ang hangin na bumabalot sa buong downtown.

"Gusto mo mag fruit shake, may benta sa kabilang tindahan."

"Hindi na po, okay lang." Balak niya sana umalis na pero hinihintay niya pa ang order niya, niluluto pa daw ito dahil ito ang specialty ay maraming order kaya madalas nauubusan sila.

Nais sana niyang takpan ang mga tenga niya pero sadyang naririnig niya ang pinag-uusapan nila. Marami daw ang namatay. Totoo ito dahil nakita niya sila.

Napakumo siya. Dapat nakinig siya kay Ara, dapat hindi siya umalis sa inuupan niya, dapat kasama lang sila... Napalingon siya sa may kanan niya nang banggitin ng isang lalaki ang pangalan ng isang biktima.

"May buhay daw?" narinig niyang bitiw ng tindera.

"Lahat patay, iyong iba hindi na makilala dahil nasunog, iyong iba tumilapon at durog ang mga katawan. Ganun talaga pag first timer sa atin, akala kasi ng iba kabisado nila ang daan, kaya ayon nadidisgrasya," sabi ng isang customer.

"Hindi naman kasalanan noong mga turista," ang tindera, "iyong driver ng truck, iyon ang mabilis magpatakbo, kaya nawalan ng preno at binundol iyong sasakyan ng mga turista."

"Pero mabilis din iyong sasakyan ng mga turista dahil noong nawalan na ng preno iyong truck ay hindi na rin sila nakaiwas. Umikot ang sinasakyan nila at natamaan iyong truck na sumusunod sa kanila, tapos doon na sila tumaob diretso sa bangin. Pati iyon unang truck na bumangga sa kanila nahulog din. Napailing ang costumer. "May patay nga rin raw sa truck sa likod nila... naipit ata iyon...naitakbo pa sa hospital pero kalaunan ay natigok din."

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon