Chapter 31

319 14 0
                                    

Hindi pa sila nakakalayo sa museo ay natanaw na nila ang familiar na figura--- si Gilo.

Parang nabunutan ng tinik si Ara, akala niya talaga matatagalan bago nila ito mahanap ngunit nandito na'to sa harap niya.

"Gilo, hinahanap ka talaga namin!" sabi ni Ara.

"Ako din."

"Why?"

"Nakausap ko na ang tindera at alam ko na ang gagawin upang maniwala si Ate Feliz na patay na siya. Kaya I need to see her."

"Pero sabi mo hinahanap mo kami?" tanong ni Clea.

"Malakas ang kutob ko may kailangan siya sa inyo kaya naisip ko na sa inyo ko siya mahahanap."

"You're right," Ara said. " Nakita namin siya sa museo. She was after us... I mean after me."

"Ikaw pa rin ang sadya niya?"

Tumango si Ara.

"Mukhang hindi talaga siya titigil kay Ara," wika ni Jun. "Kaya kailangan mo na siyang mapaalis."

"Kung ganun sasama ako sa inyo dahil kung sinusundan niya pa rin si Ara ay tiyak kong babalik siya," sabi ni Gilo.

Napag-isipan ni Gilo na tumambay sila sa park, nagbakasakali na dito lilitaw si Feliz.

Lumipas ang tatlumpung minuto, walang Feliz ang nagpakita sa kanila. Dito na napag-isip ni Gilo na baka ayaw nitong magpakita kung inaasahan nila ito. Kaya he suggested na umuwi na sila sa bahay na tinutuluyan nila.

Magproprotesta pa sana si Clea dahil marami pa siyang gustong puntahan at kunan ng picture pero nanaig ang kagustuhan ng karamihan.

"Bumalik na tayo sa van," sabi ni Jun.

"Tara na," dugtong ni Gabby.

"Gilo?" si Ara nang mapansin niya ito na may tinititigan sa malayo. "Bakit?"

"Si Ate Tina..."

"Sino?"

"Ang tindera ng kandila."

Tumango lang si Ara nang mapansin niyang paalis na ang mga kaibigan niya papunta sa sinakyan nilang van.

"Gilo, halika na."

Nais ni Gilo na sumama na lalo pa at ideya naman niya ang umuwi sila sa bahay pero may feeling siyang kakaiba na parang kailangan niya munang manatili rito.

"Ara, mauna na kayo, susunod na lang ako."

"Hindi pwede," tumaas ang boses ni Ara, "paano kung magpapakita na naman si Feliz?"

"Huwag kayong maghihiwalay... susunod agad ako. Pangko."

Hindi sumagot si Ara.

Dito natanaw ni Gilo ang pagbagsak ng mga mata nito na parang nalulungkot na may halong pagtatampo. Nasaksihan na ni Gilo ang ekspresyon na'to. Hindi niya maalala kung iyong papunta sila rito sa San Bernardino o iyong sinabihan siya nito na sumama siya sa bakasyon nila.

"Mauna na ako," bitaw ni Ara, bago patakbo na sinundan ang mga kaibigan nito.

Napako si Gilo habang pinagmamasdan si Ara, hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Saan nagmula ang kaba niya? May mangyayari kayang masama? Tama ba na pinauna niya si Ara?

He regretted not leaving with her. Kaya napasunod si Gilo... nang tawagin siya ni Tina.

Napalingon si Gilo.

"Hindi ko sukat akalain na magkikita tayo muli rito."

Tumango si Gilo. Hindi niya alam kung ano pa ang dapat nilang pag-usapan.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon