Chapter 20

370 17 0
                                    

"Si Louisa."

Bumilog ang mga mata ni Gilo, hindi niya aakalain na kilala na'to ni Ara. Akala niya pa naman siya ang magsasabi nito.

"Si Jun. He mentioned her name earlier."

"So alam mo na niya ang nangyari sa kanya."

"Yes." Huminga siya ng malalim, bago napapatitig sa may hardin. Mabuti na lang dito sa porch sa likod ng kusina nila napili ni Gilo mag-usap. Siya ang nakaisip nito habang hinihintay na makatulog ang mga kaibigan niya. Kundi lang niya nakita ang multo kanina ay nanaisin din sana niyang mag siesta pero hindi siya inaantok dahil kanina pa laman ng isipan niya  si Louisa.

"I don't understand," she said, "bakit niya ako minumulto? Hindi ko siya kilala. Hindi ko siya ginambala. Bakit ako?"

"Paano mo naman nasabi na siya ang nagpapakita sa'yo?"

I don't know...but sino pa ba ang multo rito?"

Kung may sagot lang si Gilo ay sinabi na niya upang matahimik na si Ara.

"Hindi kaya humihingi siya ng tulong," pagpatuloy ni Ara, "pero bakit sa akin?"

"Kailangan natin siya makausap ngayong gabi."

"Gagawin mo iyan? Isn't she dangerous?"

"Susubukan ko..." He couldn't promise but he'll try.

Kahit naniniwala na si Ara sa multo dahil may nakita na siya ay hindi pa rin buo ang tiwala niya sa kakayanan ni Gilo. Hindi niya alam kung totoong nakakatawag ito ng isang kaluluwa at mas lalong duda siya kung kaya nito makipag-usap dito. Kundi lang sa sitwasyon niya ngayon, ay baka pinagtawan na niya ito.

Bigla niyang naisip sina Clea. Anong iisipin nila kung malaman nila ang gagawin ni Gilo? Tiyak pagtatawan siya ng mga 'to.

"Gilo, paano sina Clea? Kasama sila ngayong gabi. I know gusto ni Jun makakita ng multo tonight. Pero paano mo kakausapin si Louisa? Surely, you will ask her about me so malalaman nila Jun na nakakakita na ako ng multo ngayon."

Hindi man sabihin ni Ara ay batid ni Gilo na nahihiya ang pinsan niya sa kanyang kakayahan. "Don't worry, I'll do it kung wala sila. They'll be distracted kaya huwag mo silang isipin. Mas importante makakuha tayo ng sagot kay Louisa para sa katahimikan mo."

"Paano kundi mo makausap si Louisa?"

"Ang ibang kaluluwa na maaring nakatira sa Arcello House ang tatawagin ko." Ngumiti si Gilo. "Maging positive lang tayo, magiging okay ang lahat. I promise."

She wanted to smile for his sake. Pero hindi niya kayang gawin, dating nang may nag-alay ng pangako sa kanya at nauwi lang ito sa pagtataksil. Kaya nga siya narito dahil gusto niya ng bagong simula. Ang hindi lang niya inaasahan ay ang pagsulpot ni Louisa.

"Paano magpahinga muna tayo? si Gilo. Naisip niya mas maigi nang magsiesta sila bago muling maalala ni Ara ang ex-boyfriend nito.

"Okay."

"Mauna ka na, susunod na lang ako."

Tumindig na si Ara, nahinto siya dahil naalala niya ang panaghinip niya kung saan nagpakita sa tingin niya si Louisa. Nais sana niya ikwento ito kay Gilo. Pero naisip niya na wala din namang maisasagot si Gilo. Kaya mas mabuti pang maghintay na lang siya sa magiging resulta mamaya.

Hindi na siya kumibo at iniwan si Gilo na nakaupo sa porch.

Nanatili si Gilo ng ilang minuto sa pwesto niya. Nagbabasakali na dalawin siya ng antok. Sinubukan niyang titigan ang isang bulalak sa malayo, umaasang mapapagod ang mga mata niya.

Kumurap siya.

May babaeng nakatayo.

At hindi siya pwedeng magkamali si Feliz ang nasa harapan niya.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon