Chapter 29: A Day To Remember

770 28 18
                                    

GUSTO TALAGA NYA KONG PASANIN.

Yun lang ang nakalap kong matinong sagot sa utak ko nitong nakaraang dalawang araw. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nya at pinasan nya ko, may dala naman pala syang pera... naiwan daw.

''Kat. Kunyari yung lalake biglang pinasan yung babae pauwi, samantalang pwede naman nyang ihatid ng patricycle. Ano sa tingin mo ang pumasok sa isip ng lalake kung bakit nya ko pinasan? Ay, yung babae pala.'' ,Alice.

Ngumiti ng nakakaloko si Kat. Parang yung mga Rapist sa palabas. NAKAKATAKOT.

''Bakit mo tinatanong? Pinasan ka ni Gervic?'' ,Kat.

''Ewan ko sayo. Kalimutan mo ng nagtanong ako. Makaalis na nga.''

Pero syempre, hindi ako tatantanan nyan. Malupit pa sa imbestigador yan eh. Hindi ka nyan, TATANTANAN!

''Oy! Tinatanong pa kita Repa. Pinasan ka?''

''Hindi ako, yung kaybigan ko.''

''Lumang palusot na yan. Ano nga?''

''Wala nga. Alam mo namang di kami nagpapansinan ng tao.''

''Wooooooo! Kunyari ka pa. Wag ka ng mag deny. Lakas-lakas ng loob mong uminom sa Underbar eh alam mo namang dun ako nagtatrabaho. Nakita ko kayo, hila-hila ka nya palabas ng Underbar.''

Tae. Walang kawala dito. Nagtatakbo ako papuntang C.R. at nilock ang pinto. Tingnan lang natin kung makapag tanong ka pa.

''Oy! Buksan mo to Repa! Ano yung sa pinasan??''

''Wala! Tsismosa ka Kat! Shupi! Alis na. Malelate pa ko.

Di ako tinantanan ni Kat nung natapos akong maligo, pati nung kumakain at paglabas ng pinto. Kaya sa huli, kinwento ko ang nangyari. Isa lang ang tumatak sa isip ko na sinabi nya bago ako umalis.

''Positive Repa. May gusto sayo yung tao.''

Gusto kong paniwalaan ang katagang yon pero pilit bumabalik ang ala-ala na kung saan inamin ko na ''Gusto ko sya.'' Pero wala syang sinagot noon kundi ''Hindi ko daw alam ang sinasabi ko.'' Rejection yon diba? Na parang sinabi nya na ayaw nya yong marinig mula sakin.

Pagdating ko sa room, marami narin ang tao. Isa na dun si Yuri.

''Yuri. Ano? Kamusta?'' ,Alice.

''....''   ,Yuri.

''Natuloy ka sa Videoke?''

''...''

''Assignment sa English, meron ka na??''

''...''

Nagtatampo parin talaga. Hindi ko kase sya nasamahang mag videoke nung Friday. Pano ko sya  masasamahan eh nagkayayaan sila Nico at Tristan.

''Uy. Sorry na.''

''...''

''Sorry na BESTFRIEND.''

Saktong pagkasabi ko ng salitang BESTFRIEND ay humarap sya sakin at hinawakan ang kamay ko.

''Pinapatawad na kita, basta ba BESTFRIEND na ang itatawag mo sakin?''

''Oo na. Isip bata.''

Pagkatapos ng mga subjects sa umaga, nagmamadaling lumabas ng room si Yuri.

''Di ka sasabay sakin?'' ,Alice.

''Hindi. Pass mode ngayon bestfriend.'' ,Yuri.

''Gumaganti ka lang yata. San ka pupunta??''

DARE NOT TO FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon