Chapter 7: Secrets behind those Tears

1.1K 36 43
                                    

Khielle's Note:  At dahil wala kaming review kahit na pinapasok kami.

Tas uwian agad. HAHAHA. Mag aupdate ako. 'XD

--------------------------------------------------------------------------------------------

[K/N: Pa-play nalang po ng video sa right side while reading, para mas mafeel nyo pag babasa. Thanks. ^^]

''Tapusin na natin to. Di ko na kaya na nasasaktan ka.''

''Sa ginagawa mo, sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan? Mas masasaktan ako lalo kung iiwan mo ko. Hindi ko kaya Tristan.''

Saka sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang bumagsak. Kaylan man hindi sumagi sa isip ko na iiwan nya ko, ang pinakamahalagang tao sa buhay ko---ang taong nagpagalaw ng mundo ko.

''Alam mo namang di na kita mahal Aly. Please. Itigil na natin to. Gusto ko sya, pakawalan mo na ko. Ibigay mo na ko sa kanya.''

''Akala ko ba noon mahal mo ko? hindi mo ko iiwan? Bakit ganito Tristan?''

''Noon yon Aly, admit it. Hindi ko rin sinasadya na mahalin sya. Please naman---wag kang selfish oh. Hayaan mo na kaming maging masaya.''

SELFISH? Hayaan ko silang maging masaya? Ako pa ngayon tong harang sa pagmamahalan nila? Ako na tong ginag@go. Ako pa tong nagmumukang masama. Hindi ba nya maintindihan? I don't want to let him go, hindi ko kaya. :'(

He's my EVERYTHING.

Grade 1 palang kami, crush ko na yang si Tristan. I was only six years old back then, seatmate ko sya.

Lagi nyang binabali noon yung mga crayons ko, laging nyang pinag susulatan yung notebooks ko ng kung ano-ano at lagi rin nyang tinatago yung mga gamit ko.

In short, lagi nya kong binubully. ( --_--)

One time, tinago nya yung sapatos ko, umiiyak ako non. Ang lokong si Tristan? Tumatawa pa. Ang ginawa ko dahil ayaw nyang ilabas? Kinuha ko ang bag nya and I throw it on the pond. Sya naman ang halos umiyak. :D :D

Lagi kaming nagkakapikunan nyan, hanggang sa nag kasundo sa mga kalokohan. Naging mag classmate kami hanggang sa gumraduate ng elementary. Valedictorian ako that time at sya naman, Salutatorian. Since we're childhood friends, we decided to enrolled in the same school, sa Section 1 kami napunta. From crush, unti-unti na palang nagiging Love. Napansin ko nalang nung 1st year high school.

Ayokong sabihin sa kanya ang feelings ko. Bakit? simple lang, I'm afraid of rejections. Ayokong iwan ako ng nag iisa kong kaybigan, kuya, minamahal. He's my everything. Pero di parin mawawala yung umasa? Na sana mapansin ka rin nya...

Nagbago ang lahat ng nag secondyear kami.

When he confessed his feelings for me. That he no longer sees me as a friend.

''Ayaw na kitang maging kaybigan Aly.''

''Aaaahh??? Ganon nalang yung pinagsamahan natin? Aba Mr. Christian Aaron Jumali, baka gusto mong hindi na abutin ng umaga?''

''Hindi mo kase naiintindihan eh.''

Then yumuko sya. Anong di ko naiintindihan na sinasabi nya?

''Paano ko maiintindihan kung di mo sinasabi?''

''Eehh pano kung iwasan mo ko pag sinabi ko?''

Medyo may clue na ko that time. Is he going to confess? Ang cute ng itsura ng childhood friend ko. Binata na---nagbablush.  (////_////)

''Spill it out. Or else talagang iiwasan kita.''

Umatras sya ng mga 5meters away, then he shouted the words I'm longing to hear.

''Aly! Sorry! Mahal na kita!''

Saka sya tumakbo. Loko-loko din eh no? Ni hindi man lang nya hinintay yung sagot ko. He's CRAZY. But swear---I love him. Even on his crazziest side. :'))

Ano pa nga bang ginawa ko? hinabol ko sya.

I also confessed.

Sinabi ko sa kanya laman ng puso ko, walang iba kundi SIYA. :D

''Alam mo tanga ka rin eh no. Mag coconfess ka saka ka tatakbo? San mo natutunan yung ganyan? Gusto mo hinahabol ka pa. XD''

''Kung matagal mo na sanang sinabi sakin yan Aly. Edi sana nag cecelebrate na tayo ng anniversary.'' ,then he chuckled.

WAIT? So 1 year na nyang tinatago feelings nya? Buti nalang nag kaaminan. Kung hindi pala eh habang buhay akong maghihintay.

I WAS HAPPY BACK THEN.

I thought that I am the luckiest girl for having him. Hanggang sa mag thirdyear kami, medyo napabayaan narin namin ang pag aaral, kaya nalipat ako sa second section, sya naman... sa Section 3. Hindi narin kami araw-araw nagkikita, lagi syang busy.

''Happy Monthsary. 1 year and 8months na tayo hon.'' ,Alice.

''Oo nga hon eh. Ayy, hon, wait. baba ko na tong cellphone, tinatawag na ko ni mama eh. Bye.''

''Eh mamaya...''

Binaba? I began to doubt. May problema ba? Everyday napapansin ko parang iniiwasan na nya ko. Parang araw-araw he become COLDER and COLDER. Hanggang sa dumating na nga ang araw na kinatatakutan kong mangyari...July 16. During my thirdyear.

Hindi ko naisip na yung mundong umiikot para lamang sa isang tao---ay muling hihinto at unti-unting guguho.

''Noon yon Aly, admit it. Hindi ko rin sinasadya na mahalin sya. Please naman---wag kang selfish oh. Hayaan mo na kaming maging masaya.''

Will I let him go?

Magiging masaya nga sya, pero pano naman ako?

''Ayaw mo na ba talaga? Pwede naman nating ayusin eh. Ano bang gusto mong gawin ko? Hindi na kita aawayin, hindi ko na susuntukin yang braso mo pag inaasar mo ko, susundin ko na yung mga sinasabi mo wag mo lang akong iwan.''

''Aly. Di mo naiintindihan. Whatever you do, hindi mo mababgo to eh. Mahal ko sya. Etong puso ko na to, sya lang yung laman. Can you get it?''

Hindi na nya ko mahal. OO. Alam ko naman eh. Talaga lang tanga ko---mahal ko eh. Kaya lang kahit na anong gawin ko, kahit na anong iyak ko, kahit na anong pagmamakaawa ko---wala na kong magagawa. He no longer love me. I can see it in his eyes how he love that girl.

''Sorry Aly.''

Then he left me crying. ANG SAKET. Yung tao na inaakala mo makakasama mo habang buhay? Yun pa yung taong mang iiwan sayo. Then my world stops again. Ang taong nagpagalaw ng mundo ko---iniwan na ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Khielle's Note: Ang drama ng Chapter na to. Well, ganyan talaga ang buhay, minsan talaga kaylangan mong mag give-up eh. Lalo na kung alam mong hindi na sya masaya.Buti nalang ako laging masaya eh, so why give-up? HAHAHA. Okay. Nonsense na.'XD

Goodluck nga pala sa report ko bukas, yung totoo napepressure na ko. HAHA.

Madaming Goodluck at GodBless. :''>

BTW. Don't forget to Vote and Comment. :D :D

DARE NOT TO FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon