Chapter 22: What It Means To Love

995 31 33
                                    

[Alice's POV]

CRUSH KO SYA OKAY?

Aminado na ko. Muka naman akong tanga sa storya kung idedeny ko pa diba? It's too obvious. But remember one thing... this is a secret between us readers, don't try to tell that Heartless about my feeling or else, makakatikim kayo ng Amazona mode ko. :D

Crush palang naman. May masama? In short, hinahangaan. Kahit na wala namang kahanga-hanga sa lokong yun.

(K/N: Intindihin nyo nalang. Ang meaning sa kanya ng ''I'm starting to fall with that guy'' scenario nya sa previous chapter ay CRUSH. Pag bigyan nyo na. Kakastress yang babaeng yan. >.< )

NOVEMBER na nga pala. Ilang araw nadin ang nagdaan. Parang kelan lang dakilang loner ako sa room pero eto ako ngayon, kasabay kumakain ang mga ungas na to sa Student's Officer Room. Dito kami madalas mag lunch, mahirap kase pag sa labas, bukod sa pinag kakaguluhan si Heartless, bali-balita narin sa buong campus ang mysterious girlfriend ni Gervic. Kung kanino daw dinedicate yung kanta na yun, etc. Siguradong pag nalaman na ako yun, buong studyante ng school ang kaaway ko.

''Akin nalang tong fries.'' ,Yuri.

Sabay kuha ng fries ko. Andito nga din pala si Yuri, pinipilit ko pa yang dito kumain. Pano kase simula nga ng nangyari yung sa mall umiiwas na sya kay Miguel. Ewan ko ba pero tingin ko may tinatago sakin ang babaeng to.

''Ano ba naman, sakin yan! Bumili ka ng sayo.'' ,Alice.

''Para isa lang eh. Naubos ko na yung sakin. Alam mo bang mortal sin ang pagdadamot ng pagkain?''

''Mas kasalanan ang manguha ng fries ng may fries.''

''Kaya nagmumukang patatas eh.'' ,Miguel.

'' (--_--    )  '' ,Yuri.

Basag si Migs. Ganyang mangdedma si Yuri... masyadong obvious. Ewan ko sa kanila.

Napatingin nalang ako sa tapat ko, bakit nakatitig si Heartless? Sa akin?  O/////O

Di ako makatingin ng diretso. Lechugas naman oh. Ganito ba pag nagkakacrush? Humawak ako sa dibdib ko. Grabe kase yung tibok ng puso ko. Waaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! Masisiraan ako ng bait.

''Oh? Bakit mo nilagay dyan yang kamay mo?'' ,Gervic.

''Baka kase malaglag yung puso ko eh.''

WHAT THE?! Sa isip ko lang yun dapat eh! Nakakahiya!

''HAHAHA! Bumabanat ka na ngayon ah.''

Buti nalang slow sya. =_=

''Bakit ka ba kase nakatingin? Problema mo ba?'' ,Alice.

''Cute ka kase pag may ketchup sa pisngi.''

''HA?!''

Sabay punas ng pisngi. Ano ba yan. Kakaturn-off ako. Turn-off? Eh yun nga ang dapat mangyari, maturn-off sya hanggang sa isuggest nya na itigil na ang deal. END OF THIS FEELING.

''Kumain ka na nga lang. Kung ano-ano napapansin mo.''

''Para ka kaseng mauubusan kung kumain.''

''Ehem! Alam nyo mga pare, na oOP na ko sa set-up na to. Si Miguel may Yuri, eto namang si Gervic may Alice. San ako lulugar? Wala na kong makausap eh.'' ,Mon-mon.

''Eeeeeew ah!'' ,Yuri and Miguel.

''HA?! Anong may Alice! Asa ka.'' ,Gervic.

''Asa ka ring heartless ka.'' ,Alice.

DARE NOT TO FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon