Chapter 14: Peace Offering To Mr. Heartless

1K 36 57
                                    

[Alice's POV]

Kung hindi kami magkapikunan sa 7-eleven eh mag aaway naman kami sa simpleng bagay sa harap ng gate.

Ano pa bang bago ngayon?

MERON. Malaking-malaki.

THAT STUPID GERVIC IS REALLY MAD AT ME.

Thursday ngayon. At ano ang meron pag Thursday?

Oo. Tama ka ng iniisp.

Hindi mo alam.

Joke lang. =_=

CAT day ngayon mga Teh. My favorite, na naging torture sakin. Di ako makamove-on sa mga push-ups. At eto na naman, sya ang commander sa platoon namin. Nag eexpect na ko na paulanan ng punishment lalo na't back to ''enemies'' na naman kami.

''Start counting.''

AYAN. Ganyang-ganyan yun. Ang araw na napag push-up ako dahil hindi ako nakikinig.

''Uy, kaw na.''

Turn ko na to count. After 1,2,3,4,5 seconds... Wait? wala ba syang sasabihin na ''I'm not listening to his command'' ?

''Continue counting.''

He said without looking at me. He's this cold towards me. Nagtataka na nga yung mga classmates ko kung bakit hindi ako pinag pupush-up. Parang sumisigaw na  ang kalooban nila ng Punishment! Punishment!

Pero WALA.

Alam mo yun? Sinasadya ko ng hindi sundin yung command nya, baka sakaling kausapin ako. Kapag nag cocommand sya na harap sa kanan, sa kaliwa ako humaharap. Lakad sa kanan, sa kaliwa ako naglalakad.

Pero WALA.

WALA AKONG NAPALA.

Kung ituring nya ko, parang hindi ako nag eexist sa platoon. NAKAKAPIKON NA!

''Sinasadya mong imali seatmate? You're not funny. Muka kang tanga.''

Hay nako Yuri. Wag ka ng dumagdag.

''Di ako nagpapatawa.''

''Bat gumagawa ka ng eksena? Saka bakit parang 'di ka pinaparusahan ni Gervic? Ang daya ah. Is there something going on between the two of you?''

''Can't you see? Galit sya sakin. We're enemies.''

''Aaaaaaahhhh. I get it.''

Saka sya nag smile, inakbayan nya ko then she whisper. Teka nga, kelan pa kami naging close neto?

''Sinasadya mong imali yung command para pansinin ka nya no?''

Tae. Hindi ah! Why would I do that?! Bakit ko nga ba minamali ang command? Nakakainis kase eh. I want him to acknowledge my existence. Para kong the invisible sa platoon eh.

''Oh. Bakit di ka na sumagot? Tama ako seatmate? :''> ''

''Hindi ah.''

''You want his attention right?''

''STOP IT.''

Ang ingay talaga nya. Grabe. Bulong pero rinig na rinig naman ng katabi ko yung bulong nya. =_=

''Okay. Oo na. Just shut your mouth!''

''Gusto mo bang malaman kung pano ka papansinin ni Gervic?''

DARE NOT TO FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon