Chapter 17: Meeting Out Of Order

968 29 24
                                    

[Gervic's POV]

HINDI KO ALAM KUNG BAKIT AKO NAG KAKAGANITO.

That kiss? I said it was my peace offering pero obviously, hindi ko magagawa yun just for that. Pero hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa kay Mantikilya, I act without thinking. Ilang gabi rin akong di nakatulog. SHIT! I don't know what's happening to me.

Kahapon nung nalaman kong may sakit sya, kinuha ko agad yung record sa index card nya na may nakalagay na address, saka dali-daling pinuntahan. Dinahilan ko nalang na break time kaya gusto kong tumambay pero deep inside---nag alala ko sa kanya. Something is wrong with me, this is no longer me.

''Tulala ka na naman brad.''

Nandito nga pala ko kila Yuri, umuwi na kase yung kuya nya galing retreat saka 3 months din syang tumira sa dorm. He's 1 year older than me---Gabriel Santos.

''Oh? Kamusta Vigan? Balita ko ayaw mo na raw umuwi?''

''Maganda. Maraming chicks. Inuwian pa nga kita ng isa. HAHAHA.''

''Di ko kaylangan nyan brad.''

''May fiancee ka na nga pala. HAHAHA.''

''Kuya! Stop that! May girlfriend na si Gervic! Wag mo ng ipoison ang utak nya.'', Yuri.

''GIRLFRIEND?!''

SHIT! Loko tong KSP na to.

''Wala yun brad, lokohan lang yun para tigilan ako ni Cheska.''

''But you kissed her. >:D '' ,Yuri

''Wow. Ayos ah.''

Ang daldal ng KSP na to. Teka nga, pano nya nalaman yung sa kiss? Di lang papansin, chismosa pa. =_=

''At dahil dyan, mag cecelebrate tayo! May gig ulit mamaya, ilang araw din akong di napunta ng Underbar.''

''Mamaya? Sige. Tawagan natin sila Mon.'' ,Gervic.

_____________________________________________________________________________

[Katherine's POV]

Una kong POV mga readers. I'm Katherine Castillo---yaman ng surname ko, pero wala kaming kastilyo ah, 17 years old, still breathing and working as a waiter in Underbar. Teka, hindi ako table girl kung yun ang iniisip nyo, marangal po ang trabaho ko. Taga kuha lang ng order ng customers, eto lang kase ang trabahong napasukan ko, alam nyo na, para mabuhay. Laking pasasalamat ko nga ng nakilala ko si Alice sa ampunan, kundi eh baka di ko na alam kung saan kami titira. Sya ang tumubos ng bahay na tinitirhan namin ngayon.

''Tama na yang pagsunod mo, kanina pa kita nakikita.''

Saka sya huminto. Adik talaga ang babaeng to, kakagaling lang sa sakit eh.

''Magaling na ko Kath. Samahan na kita.''

''Ano namang gagawin mo sa Underbar? I remember nung first and last time na pumunta ka don, nakipag away ka, muntik na kong mawalan ng trabaho.''

''Eh kase naman inaaway ka na ng grupo nila Brian. Alangan namang tumanga lang ako nun?''

''They are customers.''

''And customers are always right? Hindi sa lahat ng pag kakataon. Di ko nga alam kung bakit di mo sila nilalabanan, kundi ko pa suntukin si Brian di ka lalaban.''

''Alam mo namang worker ako dun. Nung tinulungan kita nun, see what happen? 2 weeks akong na suspend sa trabaho. This time, let me work peacefully.''

''Promise. Di ako makikipag-away ngayon. For the sake of your work. Remember? Kakagaling ko lang sa sakit. I'm not yet fully recovered.''

No choice, sinama ko na sya sa Underbar. Nung nakarating na kami, NAKAUPO lang sya. WOW lang. Behave na behave. Sana lang hanggang mamaya sya ganyan.

Nagsimula na kong mag trabaho. Pasado alas otso narin ng nagsimulang tumugtog ang guest band.

OUT OF ORDER ang name ng banda na tutugtog ngayon. Sigawan na naman ng mga babaeng customers. Kaya pala marami ngayong tao dito. Kung may heartrob sa school, dito naman sa Underbar may heartband---ang Out Of Order. Consist of four lang sila. Bokalista, drummer, guitarista at bahista.

''Ayan na naman po tayo. Sigawan to the max na naman sila.'' ,Kath.

''Naku Kath, kung sila ba naman ang nasa harap mo bat di ka sisigaw. Makalaglag panga, ang gagwapo.''

Biglang sumingit si Alice. Nako, siguradong may side comment na naman tong sirang to.

''Gwapo nga eh kung mayabang naman. Teka, ngayon lang sila tutugtog dito? Di ko sila nakita nung pumunta ko rito.''

''Nandyan sila nun Alice. Pano mo makikita eh abala ka nun sa pakikipag-away? Natigil nga pagkanta ni Gian nung nagrarambol na, nagulo mo performance nila kaya kung ako sayo, wag ka ng magsimula ng away ngayon at daan-daan ang fangirls ng grupo.''

''Oo na po.''

Mahinahon nyang sabi. Naks lang ah. Tumahimik bigla. Nung nangyari Neng? Pa-behave pa, sana totoo at pag dumating na naman grupo nila Brian, wala sanang rambulan.

Binuksan na ang ibat-ibang ilaw sa stage at nagsimula ng kumanta ang bokalista. Pagharap ko kay Alice, what's with that eyes? Fully dilated. Talo pa ang tarsier ng Palawan sa laki ng pagkakabukas ng mata.

Define GULAT? Anong nangyayari sa sirang to? O_O

_____________________________________________________________________________

Khielle's Note: Palakihan ng mata pag nagugulat. Hahaha. Taob ang Tarsier sa mata ni Alice. lol.'XD

 Bakit ang Gwapo nilang Apat. Iappreciate nyo naman ang pagkakaedit ko sa side. lol.'XD

Nag Update ako agad. Hahaha. Mamumundok kase ko bukas, alam na, mga 3days akong mawawala, kaya nag update na ko in advance. ^^

 ibo-BOLD ko pa ba kapag nag uusap sila? Di ba nakakaduling?

Thank you sa patuloy na nagbabasa. Dedicated to NiaaGonzales. Thanks sa support.

Nakakatuwa mga Comments nyo. Kakaperspired. *inspired*

Read. Vote. Comment. ElectricFan. :D :D

DARE NOT TO FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon