Chapter 24: No Longer A Secret

770 19 15
                                    

[Gervic's POV]

Masakit na makitang may kasama syang iba. T*ng*na. Mahal ko na talaga.

Sumagi na yon sa isip ko dati pa eh...

na baka may gusto na ko sa kanya.

Pero ngayon, Shit. Confirmed.

Sobrang sakit. Gusto kong suntukin ang pagmumuka ng gago nyang ex ng makita ko silang mag kayakap. Pagkatapos nyang lokohin babalikan nya? Anong kala nya kay Alice? Parang sanglaan na pagkatapos mong iwan pwede mong balikan?

Sa halip na umuwi ng bahay, dumiretso ako sa bahay nila Gab at nagyaya ng inuman. Ganon naman ang gawain naming mga lalake pag nasasaktan, daanin sa alak ang nararamdaman. Oo, pagkatapos ng epekto ng alak nandun parin ang problema pero sa pag inom ko nabubuhos yung mga sakit at ala-alang gusto kong kalimutan.

''Yun na nga ang sinasabi ko sayo noon pa eh! Ikaw lang ang ayaw maniwala.'' ,Miguel.

''Hindi pa kase ako sigurado noon saka iniintay kong makalimutan nya yung ex nya. Mahirap namang ligawan ng magiging panakip butas ka lang.'' ,Gervic.

''Iniintay makalimutan? Yan ang napala ng kaiintay mo pare. Naunahan ka na.'' ,Gab.

''Kase naman pare, may patext text ka pang nalalaman kay Aireen. Ayan nga, napaghiwalay mo nga, pano ka naman?'' ,Mon-mon.

''Malay ko ba namang masasaktan ako ng ganito. Patay sakin yung Tristan na yon pag iniwan ulit nya si Amazona.'' ,Gervic.

''Alam mo pre, sa imbis na mag gaganyan ka, humanap ka nalang ng iba. Ang dami-dami dyan.'' ,Miguel.

''Yun pa nga ang problema eh. Uuwi na this week si Daddy. Sinong ihaharap ko sa kanya? Nasabi ko ng may girlfriend ako.''

''Bigyan kita pre. Mamili ka kila Shovs, Pia, Fhaye, Gervilyn, Silhouette, Yaniibey, Yvette o kaya si seynlabs. NICE yung mga yan pare. Kausapin kong mag panggap muna.'' ,Miguel.

''Baka naman sumabit ako dyan. Yung kakilala ko sana.'' ,Gervic.

Saka saktong dumating si Yuri kasama si Aireen.

''Ginagawa nyo ng inuman ang bahay namin ah.'' ,Yuri.

Saka kami nagkatinginang tatlo. Magkakamuka kami ng iniisip maliban lang kay Miguel na hindi sumang ayon.

''Pare. Wag yan!'' ,Miguel.

_______________________________________________________________________

[Cheska's POV]

Unang POV ko.

At wag nyo ng basahin kung ayaw nyo. Call me bitch, freak, flirt, as if I care.

Tinext ako ni Daddy (Papa ni Gervic) , uuwi na raw sya this week. Gusto nya akong makausap, siguradong pag uusapan ang arranged marriage namin ni Gervic.

Galing ako kila Gervic kanina, nasayang lang ang oras ko, wala pala sya, papasama pa naman akong bumili ng pwedeng ibigay pagdating ni Daddy (Papa ni Gervic). Ako nalang tuloy ang mag isang pumunta ng Graceland Mall. Tumingin ako ng mga shirts ng may nakita akong pamilyar na dumaan. That girl na pinakilala ni Gervic sakin na girl friend nya, together with a guy. May hindi tama dito.

Napaisip ako, sila kaya?

Pumasok sila sa Figaro kaya naman instead na mabaliw kakaisip, sinundan ko sila. Something's wrong in this situation. Why is he holding that girl's hand? O mas magandang sabihing sila ba talaga ni Gervic and this is her real boyfriend.

''Pakiramdam ko galit sya.'' ,Alice.

''Hay. Ayan ka na naman Aly eh. Kanina pa tayo magkasama pero puro nalang sya ang bukambibig mo. Nag tatampo na talaga ko.'' ,Tristan.

''Di mo kase naiinitindihan Tristan eh. Noon nga kaseng magkasama kami, dahil sa lintik na kasunduan na yan eh napalapit na rin ako sa kanya.'' ,Alice.

''Baka naman may gusto ka na sa kanya.''

''Ui! Wala ah! Crush ko lang yun! Wag kang imbento ah!''

''Ikaw ang kawawa sa huli kung patuloy kang mag dedeny Aly. Wala namang masamang magmahal ulit.''

WALA AKONG MAINTINDIHAN SA PINAG UUSAPAN NILA. Can they just enumerate a name para medyo clear? Geez. This is boring. I forgot to mention, nasa likod lang nila ang table na inuupuan ko, no wonder na rinig na rinig ko ang usapan nila.

''Bakit ba kase nakipagkasundo ka pa sa idea ni Gervic, yan tuloy.'' ,Tristan.

Idea ni Gervic?

''Gusto ko kaseng masira kayo noon ni Aireen. Naisip ko noon na unfair sa part ko na nakamove-on ka na, nakahanap ng iba. Tapos ako, napag iwanan.'' ,Alice.

''Eh hanggang kelan nyo balak ituloy yang pagpapanggap nyong kayo? Ikaw ang nasasaktan eh.''

''Pagkatapos nya kong ipakilala sa Daddy nya. Pahamak kase yong Koala na yun eh! Manong bumalik na sya sa London!!''

Koala? London?

''Sinong Koala?'' ,Tristan.

''Yun nga! YUNG SINASABI KONG FIANCEE NI GERVIC NA MUKANG KOALA KUNG MAKADIKIT! Alam mo, matindi pa sa Koalang makayakap ng braso eh! Ang sarap ibaon!'' ,Alice.

''HAHAHAHAHAHA! Nag seselos ka lang eh.'' ,Tristan.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko dala-dala ang bag ko saka lumapit sa kanila. Saka ko sya binuhusan ng Coffee Frost. KOALA?! TO CALL ME WITH THAT NAME!!!!

''ANONG...?!!!!'' ,Alice.

Saka sya gulat na napatingin sakin.

''That's for calling me with that name. And by the way, thanks for the information Ms. Fake Girlfriend. Sa Wednesday na ang uwi ng Daddy ni Gervic. See you there!'' ,Cheska.

Then I leave them----------------------speechless. Yes, I'm a bitch and I'm thankful for being one!

___________________________________________________________________________

Khielle's Note: SORRY. Inabot ng August ang pangako kong July update. Ipako nyo na ko oh. HAHAHA. Medyo busy eh (na naman?).   :'(

Nga pala, sorry kung medyo stiff ang update, naninibago pa. Tagal kong di nagsulat eh. Comment nalang po, vote, electricFAN.

Thank you sa support guys!  Regular Update na ulit.      V   ( ^______^ )  V

DARE NOT TO FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon