Chapter thirty five

82 0 0
                                    

Keena's POV

Ang tagal naman ni Krystal. Gustong gusto ko na syang makausap dahil naiinis na ako sa kanya.

After 8 minutes dumating na sya.

Agad syang umupo sa harap ko. Tinawag na nya yung waiter.

"Uhm carbonara for the two of us."

"What are your drinks ma'am?"

"Just water. Thank you."

"Thank you ma'am."

"Pati ba naman sa pagorder pakikialaman mo ako? Kinakaya kaya mo ako?"

"Anong feeling? Diba dapat sa sarili mo yan sabihin?"

"Bakit?"

"Bakit?? Ano ka may amnesia? Don't fool me. Alam ko ang pinag gagagawa mo sa kuya ko."

"Wala akong ginagawa sa kanya. We love each other. And you can't stop us."

"I think it's better if you will say, you love him, but he does'nt love you. Imagination mo lang na mahal ka ng kuya ko."

"Are you trying to break us?"

"Eh ang tanong kung may sisirain ba?"

Agad akong tumayo para sampalin sya pero....

"Subukan mong ilapat yang kamay mo sa mukha ko, at hindi ako magdadalawang isip na ilabas ang lahat ng baho mo."

Anong alam nya? Bakit masyado na syang matapang ngayon?

"Bakit? Ano ba ang alam mo? Magiimbento ka para masira ako?"

"Bakit ko pa kailangang magimbento, e ikaw na nga mismo ang gumagawa ng reason para masira ka. Tsaka kung magiimbento pa ako, baka sumobra na ang kabahuan mo at wala nang makatake pa sayo."

"Bakit anong alam mo? Sige sabihin mo! Nang magkaalaman tayo kung sino ba talaga ang nagsasabi sa atin ng totoo."

Hindi agad sya nakapagsalita kasi dumating na yung kakainin namin.

"May kilala ka bang Sam at Alex? Kasi mga kabarkada sila nung highschool friend ko."

Bakit nya kilala si Sam at Alex? Hmmm.

"Bakit mo sila kilala?"

"Bakit ganyan ang reaction mo? Bawal ko ba silang makilala? Tsaka sigurado ka ba na iisang  Sam at Alex lang ang nasa isip ko at nasa isip mo? Madaming Sam at Alex sa mundo. Alam mo, halatang halatang guilty ka."

"Bakit naman ako maguiguilty? Ano ba talagang gusto mong sabihin ha? Diretyuhin mo nga ako."

"Nalaman ko lang naman na ex girlfriend ka ni kuya Ivan. Alam mo ba na alam ko na yun? At alam mo rin ba na alam ko lahat ng kalokohan na ginawa mo?" :)

Natahimik ako. Sinabi na pala sa kanya ni Ivan ang lahat. Anong gagawin ko? Paano ko to malulusutan? D***! I hate this!

"Oh? Bakit hindi ka na makasagot? Wala ka nang palusot na baon dyan? Bilhan kita gusto mo? Hahaha You're making me laugh."

"Matagal nang tapos yung sa amin ni Ivan dati."

"At akala mo ganun ganun lang yun? Tandaan mo Keena, kahit kabarkada mo ulit ngayon si kuya Ivan, hindi na mabubura sa kanya ang ginawa mo dati! Sinira mo ang magandang relationship nila ni Sam. Wala kang konsensya. Nasira pa ang pagkatao ni Sam dahil sa Alex na yan, dahil sa inyong dalawa."

"Bakit kung makapagsalita ka parang ang dami dami mong alam. Eh wala ka naman nung mga panahon na yun."

"Oo, wala ako nung mga panahon na yun, pero habang kinukwento sa akin ni kuya Ivan ang lahat ng yun, parang isang araw lang ang nakalipas nung ginawa mo yun. Parang ang fresh pa. At ramdam ko ang sakit na dulot ng ginawa mo makuha mo lang ang gusto mo!"

My Best Boy Girl Friend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon