Chapter forty six

59 2 0
                                    

Krystal's POV

Ano nga talagang nangyari? Feeling ko naman alam na ni ate Amber. Pero paano kaya sinabi yun ni kuya? Weird pa naman magisip nun. Tsaka parang torpe siya. Ngayon lang yata naging torpe to? Dati naman lahat ng gusto niyang babae nakukuha niya. Haaay nako! Nakakastress. 

Ilang araw na kami dito sa Korea and I am freakin BORED! Si kuya, mommy at daddy laging nasa work. Mag facebook na lang ako ulit.

Biglang may nagpop out!

Judiel Mercado

Judiel: Krystal, kamusta na kayo? We miss you. Pwede ba tayo magvideo chat? :)

Nice! Online si ate Judz! :) gusto ko makipagchat sa kanya. Miss na miss ko na din siya e! Kaya agad agad ako nagreply sa kanya.

Judiel Mercado

Judiel: Krystal, kamusta na kayo? We miss you. Pwede ba tayo magvideo chat? :)

Me: Sure po! Maglogin lang po ako sa skype. :) imissyou too ate! :)

Nag log in na ako sa skype. Tapos maya maya nagcall na si ate Judz. 

"Hi Krystal! Kamusta ka na?" :) -ate Judz

Habang winawave niya yung kamay niya sinasabi niya yan. Nakakamiss talaga si ate Judz.

"Hello ate Judz! Eto po medyo bored kasi wala ako kasama lagi dito. Hindi pa ba kayo pupunta dito?"

"Hmmm. Alam mo balak ko na nga bumili ng ticket. Kasi gusto ko na din pumunta diyan."

"Talaga po?! Bakit ikaw lang? Sila ate Amber? Kuya Philip at kuya Henry? SI kuya Ivan? Bakit po gusto mo na pumunta dito?"

"Yayakagin ko pa lang sila. Para makapagbonding na tayo ulit tsaka gusto ko magkaroon ng break sa work. Stress na stress ako e."

"Sabagay nga po. Baka magkawrinkles ka na niyan. HAHAHA"

"HAHAHA! Kaw talaga. Kaya miss kita e. Yang kakulitan mo."

Tapos bigla ko naalala si ate Amber. Alam kaya ni ate Judz yung nangyari?

"Ate Judz? Pwede magtanong?"

"Sige ano yun?"

"Alam na ba ni ate Amber? I mean...."

"Yup."

Agad na sagot ni ate Judz. So it means alam na niya. At alam na siguro nilang lahat kasi alam na din ni ate Judz e.

"Bakit umiiyak si ate Amber nun? Nakita ko kasi nung paakyat na kami na umiiyak siya. Galit ba siya kay kuya? Ayaw na niya makita si kuya? Nabanggit niya ba sa inyo yung promise?"

Hindi sumasagot si ate Judz. Nagsmile lang siya.

"Krystal ibig sabihin matagal mo nang alam yung about dito?"

Syempre nagulat ako sa tanong ni ate Judz.

"Ahhh ehhh opo. Kaso nagpromise ako kay kuya na hindi makakalabas yun. Tsaka naiintindihan ko si kuya."

"Kasi?"

"Natatakot siya na baka masira yung pagkakaibigan nila. Na baka iwasan siya ni ate Amber. Baka magalit sa kanya. Kaya nilihim niya na lang. Nag give way siya para kay kuya Ivan. Kaya para mailabas niya natawag na lang siya kay Papa J yung sa...... ooops!"

Naku nadulas ako! Alam ba nila yun? Hindi nila alam yun. Naku patay.

"Ha? Ano yung sinasabi mo? Tumatawag siya kay Papa J? Siya ba si mr. inlove?"

"Ahhh ehhh bakit alam mo yun?"

"Kasi one time nakikinig ng radyo yung kapatid ko habang naggagawa siya ng homework niya. Nasa salas kami nun. Sakto naman na wala akong ginagawa nung time na yun, kaya naririnig ko yung pinapakinggan niya. Siya ba yun?"

"Si kuya na ba agad yun? Malay natin may mga ganun na talagang natawag kay papa J diba?"

"Krystal wag ka na maglihim sa akin. Tsaka lahat ng tumatawag kay papa J, they reveal their names. At tanging si mr. inlove lang ang hindi. Ano si Donghae ba yun?"

"Ano ba yung napakinggan mo dun? Kasi marami siyang beses tumawag kay papa J noon."

"Hmmm. Hindi ko na matandaan yung mismong mga sinabi niya pero parang hindi na yun yung first niya. Siguro yun yung pang second na pagtawag niya o pangatlo. Basta hindi yung una."

"Yung mga pick up lines."

"Opo yun nga."

"Tapos eto pa ate Judz. Si kuya din yung nasa mall. Yung bumili tayo ng two piece para sa outing natin. Yung nag pipick up line?"

"What?! Siya yun? At para kay bhezt yung mga pick up line na yun? Pano naman niya na nalaman na andun tayo."

"Hindi ka naman masyadong gulat na gulat ano ate Judz? HAHAHA Opo siya yun. HIndi ko po alam kung paano niya nalaman nakalimutan ko na po e. Yan ang kuya ko! Umeeffort. HAHAHA Torpe kasi."

"Sinong torpe?"

Nagulat ako. Napatayo ako sa gulat. Agad akong nagminimize ng skype. Kunwari nag mumusic ako. Buti na lang naka headset ako. Nagpretend ako na nakikinig ako ng music. Naririnig ko nagsasalita si ate Judz na wag sasabihin na magkachat kami.

Naramdaman ko may biglang humawak sa shoulders ko. At paglingon ko, si kuya nga. Sino pa ba? hahaha

"Oh kuya andiyan ka na pala."

"Sinong torpe?"

"Ha? Yung friend kong si Jinyu. Nagtext kasi sa akin. Teka, kanina ka pa ba andiyan at naririnig mo ako? Don't know how to knock? Tss!"

"Even if I knocked, you can't hear me. Nakikinig ka ng MUSIC diba? I just want to check if you're okay? I just miss you."

"I miss you too kuya. Kain ka na. Nagluto ako kanina. Nasa table lang."

Kuya kissed me in my forehead. Sweet talaga ni kuya. 

"Okay. Salamat. Sunod ka ah? Sabay na tayo kumain. Maliligo lang ako."

"Okay!"

Palabas na siya ng kwarto. Tapos biglang bumalik.

"Nasa bag ko pala yung bago mong phone na gagamitin. Sorry ngayon lang kita nabilhan. Nakakalimutan ko kasi. Kasi yung phone mo na ginagamit sa Philippines, mahirap gamitin dito. Buti natext ka ni Jinyu. HAHAHA! Sige ligo na ako."

Naku! Oo nga pala. Ang tang* ko talaga magpalusot. HAHAHA natawa na lang ako. Talino talaga ng kuya ko.

Natawa din si ate Judz. HAHAHA 

Tapos usap na ulit kami.

"Nakakamiss din si Donghae. Miss na talaga namin kayo."

"Kami din po miss na din naman namin kayo. Hmmm. Ate Judz, wag nyo na kayang isama si ate Amber dito?"

"Ha? Bakit? Hindi pwede. Magtatampo yun."

"Iseset up natin yung dalawa. Para naman magkatuluyan na sila. Kasi busy sila masyado. Tayo na lang ang makakagawa ng paraan para maging fix na silang dalawa."

"Ano gagawin natin?"

"Kausapin mo muna silang lahat except kay ate Amber. Tapos magset kayo ng date na si ate Amber lang ang hindi pwede. Siguro naman alam nila kuya Henry yung date na hindi pwede si ate Amber. Tapos bumili na kayo ng ticket. Tapos magdinner kayo together tapos iopen mo po yung pagalis nyo. Kapag nagreact si ate Amber, sabihin nyo nakabili na kayo ng ticket pati siya nabilhan nyo na. Kung hindi talaga siya pwede, sumunod na lang siya. Tapos dapat may 1 week tayo makapagplano sa gagawin natin para pagpunta ni ate Amber dito, polish na lahat. Alam na natin gagawin natin. Okay ba yun? Gets? :) "

"Genius! You are so smart! HAHA buti ka pa naisip mo yan. Sige sige nagets ko yun. Habang ginagawa ko yan, observe ka lang diyan sa kuya mo. Tapos magisip ka na rin ng pwede nating gawin. Okay?"

"Sige ate Judz. Lagi lang akong online. Kung may problema po, pm mo lang ako."

"Sige sige. Lakad na. Baka maghinala na kuya mo.  HAHAHA i love you Krystal. MwuahhhH!  Salamat."

"Salamat din ate Judz. i love you too! mwuahhh! bye! :)"

My Best Boy Girl Friend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon