chapter twenty two

119 2 0
                                    

Amber's POV

Grabe, buong araw kami ni Krystal nagsukat ng nagsukat ng damit para sa date namin ni Ivan mamayang gabi. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto ipasuot sa akin nito. HAHA Pero natutuwa ako kasi tinutulungan niya ako. Yung barkada busy daw, hindi ko alam kung ano ang pinagkakabusyhan nila. HAHAHA Pero ayos lang. Ako na lang magkwento sa kanila nung naging date namin. :)

Kinakabahan na talaga ako. Sobra! Bahala na mamaya. :D

"Kamusta pakiramdam ate Amber? Ilang oras na lang date nyu na. Excited na ako. " 

"Ganun? Ikaw pa excited kaysa sa akin? HAHAHA Salamat ha? Tinulungan mo ako."

"Nako nagemote pa. Wala yun. "

******

Dumating na si Ivan. Grabe yung kabog ng dibdib ko. Ganito ba talaga kapag first date? Grabe!

Anong sasabihin ko? Papalapit na sya saken. Pero naunahan nya ako.

"Hindi ka ba nasasaktan?" -Ivan

Ha? Ano ibig nyang sabihin? Dahil ba sa suot kong heels? Masyadong mataas?

"Bakit? Dahil ba sa suot kong heels? Ah eh.. ok lang kaya ko naman to e."

Nagsmile lang sya. Nako mukhang alam ko na. Ang tanga ko talaga! HAHAHA 

"Kasi SAKSAKAN ka ng GANDA! Kaw talaga. Kinakabahan ka no? Wag kang magalala aalagaan kita. Ako ang bahala sayo."

"Ahhh eehhh salamat."

Napahawak na lang ako sa batok ko. Hindi ko alam kung anong itsura ko ng mga oras na yan. Kaya lumingon muna ako saglit kay Krystal.

Pero parang nagsign sya na parang nagbublush ako. HAHA nakakahiya talaga.

Paglingon ko ulit kay Ivan, isang boquet ng white rose ang hawak nya. At.....

"Magagandang rosas para sa aking prinsesa."

Nangangatal yung kamay ko. Unti unti kong inaabot yung kamay ko sa mga inaabot nyang bulaklak. Ang tagal bago ko nakuha. Pagtingin ko sa kanya, nakasmile lang sya. Grabe yung ngiti nya. Hindi mabura sa isip ko. 

Habang nasa kotse nya, tahimik lang ako. Pero nakangiti. Kasi hindi ko makalimutan yung mga ngiti nya. 

"Amber, ok ka lang?"

"Ha? Oo naman. Medyo kinakabahan pa kasi ako. First time ko kasi makikipagdate. Kaya siguro ganito. Pasensya ka na ha? Ahhh nahihiya tuloy ako sayo."

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi parang ang weird ng kinikilos ko. Sorry."

"Wag ka magsorry. Wala ka namang kasalanan. Maging komportable ka lang, isipin mo gagala lang tayo at kakain sa labas. Wag mong isipin na date to. Ok?"

Tapos nagsmile na naman sya.

"Sige. Salamat Ivan." Tapos nagsmile back ako.

******

Hindi ko namalayan, nandun na daw pala kami sa lugar kung san kami magdadate.

"Bakit ang dilim dito?" -Ako

"Hindi ko nga din alam. Nako mukhang palpak yata ang date natin ah. Una pa man din." <sigh!>

"Okay lang yun Ivan, baka nagkaroon ng kaunting problema sa mga wire ng kuryente. Try natin icheck. May flash light ka ba sa sasakyan?"

"Hindi na. Iilaw din yan. Kasi yung nagbibigay liwanag sa buhay ko kasama ko na."

"Ikaw talaga Ivan, pati ba naman ngayong namomroblema ka, nakakapagpick up ka pa."

My Best Boy Girl Friend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon