Chapter Thirteen

128 5 0
                                    

Amber's POV

Mabilis kaming nakarating ni bhezt sa coffee shop. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi kami naguusap ni bhezt simula sa bahay hanggang makarating kami dito. At pagkapasok namin ay nagsalita na si bhezt.

"bhezt mukhang malungkot din ang coffee shop ngayon ah. Sumasabay sayo. Ngayon ko lang nakita ito na wala masyadong tao. Nakakapagtaka naman."

"Oo nga no. Nakakatuwa naman."

"Natutuwa ka na sa itsura mong yan ah? hahaha"

Napasmile naman ako sa sinabi nyang yun. Walang kaeffort effort napapangiti nya ako. Bestfriend ko talaga sya.

Nakaorder na kami ng coffee. Pareho pa rin kaming tahimik. Siguro sa pagkakataong ito hindi nya alam kung pano nya ako sisimulan icomfort at kausapin kasi hindi nya naman alam yung tungkol sa bagay na yun. Kaya ang ginagawa nya lang para pangitiin ako. 

Maya maya ay nung may sasabihin sana ako sa kanya, pagtingin ko ay parang nagiba yung facial expression nya. 

"Oh ba...."

Bigla akong natahimik kasi may nagtakip ng aking dalawang mata. Nagulat ako.

"Sino to?"

"Hulaan mo???"

"Rome Ivan??"

Agad nyang tinanggal yung kamay nya pagkasabi ko nang pangalan nya.

"bhezt ang bilis mo nahulaan ah. Ang dali mong narecognize ng boses nya. hahaha"

Napasmile naman ako. Oo nga ang bilis ko nahulaan. 

"Rome Ivan upo ka."

Sabi nya wait lang daw. Umalis sya papuntang counter, tapos pagbalik nya.......

"Amber para sayo nga pala."

May dala na naman syang doughnut. Pero parang wala ako gana kumain.

"Ui salamat. "

"Wala yun. Binili ko talaga yan para sayo. Kamusta ka na?"

" :) Salamat ha? Ok naman ako. Ikaw ba?"

"Ngayon lang ako naging ok kasi nakita na kita."

"Ahem ahem! Feeling ko parang sumama ang pakiramdam ko. Bhezt uwe na ako ah?"

"Ha? Panu na ako? Wala ako kasama. Niyakag mo ako tapos uuwi ka?"

"Kasama? Ayan anung tawag mo dyan sa katabi mo? Ikaw talaga! Wag ka mag-alala babawi ako sayo next time ha?"

Bigla na agad syang tumayo tapos agad na nagkiss sa cheeks ko. Si bhezt talaga. Kaming dalawa na lang ni Rome Ivan ang natira dun. At katulad din nung kami ni bhezt ang magkasama tahimik pa din kami. Pero hindi na nya natiis.

"Amber bakit parang ang lungkot mo?"

"Ha? Baket? Pano mo nasabi?"

"Kasi andito ako para pasayahin ka."

"Ayan ka na naman ih.. Ikaw talaga.. " pero infairness napasmile nya naman ako.

"Pero alam mo pakiramdam ko talaga parang ang lungkot mo talaga ngayon. May problema ba?"

"Actually,... meron pero ayoko pagusapan."

"Ganun ba? Sige ano gusto mong gawin? "

"Ahm.. wala eh. Dito na lang tayo. Ok lang ba sayo kung samahan mo na lang muna ako?"

"Oo naman."

Tahimik pa din kaming dalawa. Hindi kami naguusap. Pero masaya ako na sinamahan nya ako. 

My Best Boy Girl Friend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon