chapter twenty

124 3 1
                                    

Rome Ivan's POV

Nakapagdesisyon na talaga ako. At yun ay ang mas iparamdam pa sa kanya kung ano ang aking nararamdaman. Masaya ako na nakikita syang masaya. At gusto ko na pasayahin sya. Gusto ko lagi lang ako nandito para tulungan sya, damayan kapag may problema, pasayahin kapag nalulungkot sya, at kung ano ano pa, basta kung saan sya liligaya. 

Hindi ko alam kung bakit masyado akong naging expressive ngayon. Siguro dahil na din sa hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na iparamdam sa kanya yun. Sa mga nagugustuhan ko naman dati hindi ako ganito. Tanging sa kanya lang talaga. Pero iba talaga sya.

Nung una, parang may doubt ako, pero dahil pumayag na sila, edi go na ako. Pero pormahan sya? Ligawan? HIndi ko alam. Kasi parang masaya na ako ng ganito. Na ako ang magpapangiti sa kanya. 

Masasabi ko na pagmamahal ito kasi, hindi ako humihingi ng kapalit sa kanya. Basta mahal ko sya. Makita ko syang masaya ay masaya na din ako. At ito ag desisyon ko! <3

Malapit na kaming magdate. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung papano? Hindi ko inaasahan na magagawa ko ang bagay na yun na ipagpaalam sya sa pamilya nya at sa barkada. Ang galing ko. Pero ngayon anong gagawin ko? Hihingi kaya ako ng tulong sa barkada? Kasi hindi ko alam kung ano yung mga paborito nya, yung mga gusto at ayaw nya. Diba? Kailangan ko ang tulong nila. Lalo na nila Philip at kuya Henry. 

Sana maging maayos ang aming date. Yun lang hinihiling ko. :)

*****

Krystal's POV

Aba aba! Si kuya hindi pa din nagpapakita sa akin. Ano bang problema nun? Simula nang naging girlfriend nya yung Keena na yun nagbago na sya. Nako! Kapag ako hindi nakapagpigil, sasabunutan ko talaga yun. HMP!

"Krystal! Baba ka na muna dito. May bisita ka!" -Amber

"Sige ate pababa na din ako."

Sino naman yun? Nako!

Pagbaba ko.

"Goodmorning sa pinakamaganda kong kapatid!" -Donghae

"Akala ko kuya hindi mo na ako naalala. Lagi na lang si Keena ang kasama mo!" <tapos nagpout ako ng lips>

"Nako nagtatampo ang kapatid kong maganda. Halika nga dito."

Lumapit ako sa kanya tapos hinug nya ako. Ang sweet talaga ng kuya ko. Syempre nawala na agad tampo ko. Sasabihin ko na kay kuya na ayoko kay Keena.

Umupo kami sa sofa. Yung position ng pagupo  namin. <Ako, kuya Donghae, ate Amber>

"Kuya may sasabihin ako sayo."

"Oh ano yun?"

"Alam mo ba kuya, ayoko talaga dyan sa Keena na yan. Simula nung naging girlfriend mo sya hindi mo na ako lagi nakakasama. Pati na din si ate Amber. Hindi na kayo nakakapagbonding tulad nung dati. Naiinis na ako. Kahit na kabarkada natin sya naiinis ako!"

Napasandal si ate Amber sa sofa tapos hinampas nya yung noo nya. Na para bang sabi nya. "NAKO! Adik talaga to."

Tapos yung expressionng mukha ni kuya nagsmile lang sya.

"Oh kuya bakit natawa ka pa?"

"Hindi ako natawa. Nagsmile lang ako."

Aray! oo nga sabi ko nga. HAHAHA barado ako dun ah. 

"Sabi ko nga. Bakit nga ba?"

"Ahem! Labas na muna ako at mukhang usapang magkapatid ito." - Amber

Nagsalita si ate Amber tapos nagsmile sya.

"Oh ano kuya bakit ayaw mong magsalita dyan? Bakit nga? Ang laki talaga ng ipinagbago mo. HIndi mo ba kami namimiss? Si ate Amber? Lahat kami, except sa cupcake mo??!! YUCK! CUPCAKE! kadiri!"

Ayan tumawa na naman sya. Tapos hinawakan nya ako sa braso, tapos tumingin sya sa mga mata ko.

Parang may sinasabi sya. Na hindi ko maintindihan. Parang galit sya. Hindi kaya napikon sya sa sinabi ko? Nako nakakatakot si kuya. HOOO!

Tapos... tapos may binulong sya saken.......

At sadyang kinagulat ko! OMG! Ang kuya ko! .........

.

.

.

.

.

.

Natulala ata ako sa nadinig ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Haay! 

Natahimik kami ni kuya. ng..

.

.

.

Biglang pumasok si ate Amber ulit sa loob ng bahay na may dalang isang brown envelope. 

"Hmmm. Nakita ko sa labas. Pangalan ko nakalagay. Hindi ko alam kung kanino galing pero parang familiar yung sulat nya."

Nagulat ako sa ginawa ni kuya. Bigla nyang hinablot kay ate Amber yung envelope tapos agad agad syang tumakbo palabas ng bahay. Kitang kita ko yung reaksyon ng mukha nya nung hinablot nya yun. Galit talaga yung itsura nya. Galit na galit. Ang weird. Hmmmm.. Parang may nararamdaman akong kaiba. At parang alam ko kung ano yun.

"Ohh. Anong problema nun? Akin yun e, tapos kinuha nya? Adik talaga yun."

"Hayaan mo na. Bestfriend naman kayo diba? Baka gusto nya sya una makakita. Hayaan mo na."

"Baka nga." <sigh!>

Toooooot!

Biglang may nagtext saken.

Krystal, Judz, ate Andrea, kuya Henry, Philip, Donghae, Keena magandang araw sa inyo. Pwede po ba tayong magkita kita sa mall ngayon? Sa paboritong tambayan. Hihingi sana ako ng tulong sa inyo para magplano sa date namin ni Amber. See yah! Salamat! - Ivan :)

From: 092612*****

Nako nako! Nakakakilig talaga itong si Ivan. HAHAHA Edi sya na talaga! Pero...... :D

"Ate Amber akyat muna ako ha? Ligo lang ako."

"Bakit may lakad ka?"

"Ahhh ehhh oo eh. Okay lang ba?"

"Oo naman. Isama mo naman ako. Boring dito wala akong kasama."

"Hindi na. Ako na lang. Gusto ko muna mapagisa. Nadedepressed ako sa nangyayari kay kuya. Sorry kung hindi kita maisasama. Dito ako uwi maya. Bilhan kita ng doughnut promise. Yung favorite mo."

"Wae yo?" (it means baket. :) )

"Basta. Hahanapin ko si mr. inlove! Joke lang.."

"Ha?!! Seryoso?!"

"Syempre joke lang yun. Sige na ate Amber akyat na ako." tapos kiniss ko sya sa cheeks.

Umakyat na ako. :)

Mukhang magiging masaya ang date nila. HAHAHA :D

My Best Boy Girl Friend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon