Chapter 26: Framed

151 7 0
                                    

Chapter 26: Framed

Kyth's POV

Nagising ako ng makaamoy ako ng mabangong ulam na nagpakalam ng sikmura ko kaya agad akong napalinga kina Sol na ngayon ay abala sa pagkain ng fried chicken habang nanunuod ng telebisyon.

"Gising ka na pala leon. Hindi kana namin ginising dahil baka magdabog kana naman. Kumain kana. And oh, we bought some clothes for you maligo kana so that I can help you with your wound" Meeya said habang nakangiting nakatingin sakin. What's with her today?

I shook my head before getting out of bed. "No, I can manage. Maliligo muna ako,"

Napahawak ako sa tagiliran ko ng napabigla ako ng tayo. Damn those assholes! Akala ko hanggang pelikula lang ang ganung mga pangyayari, hindi ko sukat akalain na unti unti na pala kaming sumusuot sa daan papuntang kamatayan. I hissed ng maramdaman ko ang kirot bago pumasok sa banyo.

When I felt the warm water on my skin ay bigla kong naalala si mommy. "How is she? Nag-aalala kaya siya sakin despite of what happened between me and their family?" I whispered to myself. The thought of me not part of the Sandoval is heart breaking. I'm still in shock for what happened.

Matapos kong maligo ay agad na lumapit sa akin si Meeya. I did what she told me to do at hinayaan siyang ayusin ang sugat ko.

"That should do it" she said bago umupo sa tabi ko. "I'm sorry Kyth. Sorry at kinailangan mong madamay sa gulong to. I promise to fix this for us three" dagdag pa niya na tinanguan ko dahil alam ko naman na wala akong kawala sa sitwasyong ito lalo pa't kilalanh kilala na kami ng mga taong humahabol sa amin.

"Bakit kaya sa dinami dami ng taong pwedeng lapitan ni Sol bakit ikaw pa?" I asked Meeya at napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo. "Siguro heaven is making way for the truth to come out. Pero malas lang dahil too many people are involved. I've known your tito for almost 3 years Meeya. I know he is a kind hearted man. Nakakapanlumo lang na nangyari ito sa kanya and I would like to extend my condolences to you. I am really sorry kung may mga nasabi man ako sayo na kinapuputok ng butsi mo" dagdag ko pa at tuluyan ng tumayo. Masakit man ang tagiliran ko ay kailangan kong tumayo at piliting kumawala sa bingit ng kamatayan.

Akma na sana akong aalis ng maalala ko ang plano ni Meeya. Talaga bang sigurado siya na tutulungan kami ng daddy niya?

Hindi ko pa man nabuo ang tanong sa isipan ko ay sabay kaming napatingin sa pintuan. Biglang namutawi ang katahimikan sa aming tatlo ng muli naming marinig ang katok mula sa labas ng tinutuluyan naming kwarto. Wala ni isang naglakas loob na umimik dahil nag iingat kami pareho.

"Merida, it's me" boses ng daddy ni Meeya na nagpakalma sa aming tatlo. Masyado na yata akong kinakabahan. Dapat ko na yatang itigil ang pag inom ko ng kape.

Nang makapasok na ang daddy ni Meeya ay agad itong napatingin sa akin na nakakunot ang noo. Tila ay di niya nagustuhan na nakita akong nasa loob.

"Anong ginagawa ng isang Sandoval dito, Merida?" Taas noo at bruskong tanong ng daddy ni Meeya na nagpaiba ng timpla ng laway ko. Nakita ko ang disgusto sa mukha ng nag-iisang Antonio Carbonel. Ano bang kasalanan ko sa kanya at tila halos isuka na niya ako kahit tinitignan niya lang ako.

"Dad-- this is Kyth, kasama ko siy--"

"Bakit mo siya kasama?! Did you not know about the news?! She is a criminal anak! Pinaghahanap na siya ng mga pulis!" Singhal ni Antonio at binaling sakin ang kanyang tingin.

Kinilabutan ako sa paraan ng pagtingin sakin ng daddy ni Meeya. He is in rage at hindi ko alam ang dahilan. Napaatras ako ng unti unti siyang lumapit sakin.

"Dad" tawag sa kanya ni Meeya pero tila walang narinig ang daddy niya.

"Stay away from my daughter" he mouthed, pero sapat na upang marinig naming lahat. Hindi ko siya sinunod at taas noo akong tumitig sa mata niya. Bahala na si batman.

My Heart Says It's Her (FreenBecky)Where stories live. Discover now