Chapter 22: Finding The Truth

171 12 2
                                    

Chapter 22: Finding The Truth

Kyth's POV

"Kyth. Pwede bang umuwi muna ako samin? Isang araw lang--" Rinig kong sambit ni Dana. Agad kong iniangat ang kumot sa mukha ko at sumigaw.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag na huwag mo akong gagambalain sa pagtulog ko! And look! It's still 7 am, Dana!"

"Pa--pasensya na. May sakit kasi si mama," Sambit niya na at tinignan ko siya.

"Ihahatid na--" Hindi ko naituloy ang sinasabi ko ng umiling siya.

"Wag na. Kaya ko na ang sarili ko. Uuwi lang ako para kamustahin siya. Babalik din ako agad, alis na ako--" Sabi niya at kasing bilis ng kidlat na umalis sa harap ko. Hinabol ko pa siya pero hindi ko na siya naabutan.

"Ang bilis naman ng babaeng yun," Sambit ko sa sarili ko bago pumuntang kusina. I cooked breakfast bago pumunta sa sala at doon na kumain. Ng matapos ako ay napagpasyahan kong puntahan si David. Mabuti nalang at iniwanan niya ako ng kotse para may magamit raw ako.

I was on my way to David's ng biglang may isang babaeng tumawid sa daan na muntikan ko ng masagasaan. I got out of the car para kamustahin siya.

"Ale, pasensya napo. Are you okay?" Kunot noo kong baling sa nakayukong babae.

"Hoy, Emma! Oh ayan! Bwisit kang babae ka! Hindi ka dapat tumitira sa isang paupahan kung wala ka namang pambayad!!" Sabay kaming napalinga sa isang di katandaang ginang na may dalang kahon na puno ng mga damit. "Palagi mo nalang sinasabi na magbabayad ka pero hanggang ngayon wala ka pa ding binibigay! Hoooy! Gumising ka! Hindi ka na babalikan ng hilaw na yon!" Dagdag pa nito at tuluyan ng umalis. Napatingin naman ako sa babaeng nagngangalang Emma na ngayon ay abala sa pagdadampot ng iilang damit niyang nagkalat sa kalsada.

"Pa--pasensya ka na hija. Huwag kang mag-alala hindi mo naman ako nasagasaan" Sambit niya bago tuluyang umalis sa harapan ko.

Habang nagdadrive ako ay hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa babae. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong lumambot ng makita ko ang mga mata niya. It feels like parang nakita ko na ang mga matang yon dati.

"Kythania!" Salubong ni David sa akin ng makababa ako ng kotse. "How's my place?" Dagdag niya pa habang itinataas-baba ang mga kilay niya. I just rolled my eyes at him bago siya bahagyang sinuntok sa may dibdib.

"Thank you for letting me stay sa pad mo David." Ganti ko sakanya.

"Here-- take a look at this," Sabi ni David at may inabot na isang folder na agad ko rin namang binuksan. "Nandyan lahat ng mga gusto mong malaman tungkol sa biological mother mo." Dagdag niya pa. Hindi ko pinansin si David at panay lang ang pagtingin ko sa mga papel sa loib ng folder.

"House of Martina" Bulong ko pero sapat na upang marinig ng echosero kong katabi.

"House of Martina is a club for business men and women or should I say lugar ng mga mayayaman, then it went bankrupt for almost a year pero naka-recover naman. Kasabay ng pag-angat muli ng club ay pinalitan nila ito ng pangalan. Sunburst," Saad ni David.

"Okay--- pero bakit to nandito?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Tumingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"She was working there, Kyth. I asked for her pictures pero ni isa ay wala silang nahanap. Wala ring nakakaalam kung nasaan siya ngayon, palipat lipat raw kasi ng bahay ang mama mo," Saad ni David. Bigla akong nawalan ng pag-asa dahil sa mga narinig ko. Gusto kong makilala siya. Gusto ko siyang makita.

My Heart Says It's Her (FreenBecky)Where stories live. Discover now