Chapter 33: Manhunt

50 2 0
                                    

Chapter 33: Manhunt

Meeya's POV

"Isn't this illegal daddy?," I asked dad na ngayon ay busy masyado sa pagbibigay ng instructions sa mga tauhan niya. "Why don't we just let the police handle these things?" Dagdag ko pa na nagpatigil sa kanya. He looked at me and faintly smiled. It's been 2 days since our confrontation with the Sandovals, and since then ay halos hindi na siya tumitigil sa pagbibigay ng instructions.

"Narinig mo naman ang sinabi ni attorney at ni tito Ramon mo diba? They can't issue any warrant of arrest dahil there's no trace of Kyth sa pinangyarihan ng krimen,"

"She would definitely be caught off guard kung hindi mo lang sana kinuha ang singsing," agad akong napatingin kay Dianara ng magsalita siya. "Tell me, bakit mo kinuha? What were you thinking? Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na baka isa yun sa magiging daan para mahuli siya o kung sino man ang gumawa nun?"

Ano bang gustong iparating ng babaeng to? Tinignan ko muna siya bago ko siya sinagot. Hindi pwedeng ipasa niya sa akin ang lahat dahil who would have thought na mas nanaig pa ang curiosity ko ng makita ang singsing ni Kyth kesa sa idea na pwede itong magamit para malaman ang katotohanan.

"Do you really want to know kung anong iniisip ko, Dianara?" Pambibitin ko, nilapitan ko si Dianara at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa."Kyth's life started to crumble simula nung dumating ka," tiim bagang kong sabi sa kanya pero she laughed na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

"Kyth's life started to crumble nung pinatay niya si Braxton Alincastre 10 years ago. Doesn't ring a bell? It's just proof that you don't know anything about Kyth. She is a murderer hiding under a powerful name and a powerful family." Natahimik ako sa mga binitawang salita ni Dianarah. Braxton Alincastre? Siya pala ang tinutukoy ni Tala. Pero bakit? Anong motibo ni Kyth para patayin siya?

Dianara was about to leave ng tumigil siya sa paanan ko .

"Here's my advice for you, Meeya. If you happen to fall in love again in the future, be sure it's not with a murderer." She said na nagpa-init ng dugo ko sa kanya. Pasalamat siya at busy si daddy at ang karamihan. How dare her, this Dianara! Hindi man lang siya nag-dalawang isip para sabihin yon. Nakakainis!

Napaupo ako ng tuluyan sa sofa ng bahay habang pinagmamasdan ang lahat ng mga kasama namin sa bahay sa paglagay ng mga bulakbulak nina tita Leona at Aaron sa sasakyan. Dad decided to end the burial as soon as possible para magawa na niya ang mga binabalak niya. He is dedicated to find Kyth, no matter what it takes.

Nakarating kami ng cinerarium ng walang kahirap-hirap.  We were in the middle of the mass ng may makita akong tao sa di kalayuan. Kahit hindi ko man siya titigan ay kilalang-kilala ko kung sino siya.

Kyth. Why is she here? Bigla akong nakaramdam ng galit ng maalala ko ang mga ginawa niya, pero hindi ito sapat para mawala ang nararamdaman ko for her na kahit anong pilit kong itago ay talagang pilit kumakawala.

"Dad, I gotta pee. Parang sasabog na yung pantog ko," I whispered a lie to dad na tinanguan niya. I went straight to the back of the cinerarium kung saan nandoon si Kyth at kung saan din nakapwesto ang comfort rooms.

I was hesitant to go near her at first but there's something inside me saying that I'm safe. I thought she was going to run ng makita niya akong paparating pero she just stood there. It felt like she has been waiting for me to come to her.

"Meeya," she called my name. I don't feel any disgust ng tawagin niya ang pangalan ko, I thought wrong. She was about to grab me by my hand ng iiwas ko ito sa kanya. She didn't react sa ginawa ko pero I can sense that she's uneasy. "I know what you're thinking, but I need you to listen to me. I don't have anything to do with what's happening. First thing is wala sa akin ang flashdrive, pangalawa, hindi ako ang nag killing spree sa Grandia, and lastly, hindi ako ang pumatay sa mga Carlyle."

My Heart Says It's Her (FreenBecky)Where stories live. Discover now